Chapter 6

20 1 0
                                    

Chapter 6:

Narrator: May mga bagay talaga na dumarating sa buhay natin na hindi natin inaasahan. Maaring problema, o kaya naman isang parte ng nakaraan natin na akala natin nalampasan na natin ngunit
hindi pala. Alam mo ung pag hindi mo siya nakikita, Pakiramdam mo kaya mo na harapin ulit ang ibabato sayo ng buhay ngunit nung nakita mo na siya bigla kang babaluktot type na scenario. Gurl! Hindi ka pa nakakamove on totally panandalian mo lang dinormant ang nararamdaman mo. Parang isang natutulog na bulkan, ang akala mong wala na may kulo at pasabog pa. Parang ang feelings mo, ang akala mo wala ka nang nararamdaman sa kanya pero nung nakita mo siya ulit ikaw itong bumabaluktot. Huwag kang bibigay. Simple pero yan ang pinakamahirap, Kaya tayo nasasaktan eh. Kasi mabilis tayo magpadala sa mga signs na maaring False Positive. Mahirap umasa sa signs gurl... Now back to the story.

Owiee's POV:

Year 2020

I don't know how will I say this to him but I guess this is worth the shot. I don't want him to be hurt. He's always been good to me, He always understands me, Pag may misunderstandings kami hindi niya pinapalipas ang araw na hindi kami nagkakaayos, Pinagtatanggol niya ako sa mga taong nanakit sa akin. Perfect guy na nga sana siya for me eh kaso kinulang siya sa self confidence sa sarili niya atsaka ayaw ko pa pumasok sa isang relationship again.

Present Day

I'm pretty sure siya yun, 100% but to be quite honest ah. Pumuti siya, Tumangkad, at higit sa lahat gumuwapo. But is it really him ba talaga? Baka hindi naman? Pero paano niya ako nakilala? Ugh! Siguro stalker siya. IDK! Naguguluhan na ako. Maybe there's something I'm missing.

Flashback to the year 2020

Guy: I'll promise you, after 10 to 20 years, babalik ako. I'll find you wherever you are that's a promise dahil once I made a promise tutuparin ko yun. I'll fixed myself muna......

Dani's POV:

Hindi ko akalain na ang mestisong chupoy na yun ang siya ring boss ko. Wait? OMG! Boss ko mismo ang nagsundo sa akin mula sa kahihiyan? Ugh!! Nakakahiya and to think na parang ang rude ko earlier. Hmph! nakakainis ka self!

Mestisong Chupoy: What's the matter Ms. Nero? Looks like you've just seen a ghost?

Dani: Kasi......

Malumanay kong sagot habang nakayuko dahil sa sobrang hiya ko sa sarili ko. For the first time lang akong nahiya ng ganito.

Mestisong Chupoy: Ah hahaha my apologies, I just like kasi to tease my new recruits to see kung paano nila ako tratuhin as a regular employee lang ng company na ito, Nag-iiba na kasi ang trato sayo ng tao pag nakilala na nilang may position ka and so far you've impressed me Ms.Nero. I hope you'll continue to impress me and I'm sorry kung I didn't tell you who I really was up until now.

Unti-unti nang nawala ang hiyang nararamdaman ko sa katawan ko dahil sa mga words na sinabi ng bagong boss ko sa akin. I've really got a feeling na somehow I knew who he really was and feeling ko rin kilalang-kilala niya ako dahil he knows kung paano ako pakalmahin.

Mestisong Chupoy: Ms. Nero, Please have a seat.

Sabay siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking kaliwang kamay atsaka niya ako pinaupo sa sofa ng office niya.

After niya akong paupuin sa sofa, I can feel na hindi pa siya bumibitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko at dahan-dahan niyang hinaplos ang aking mukha at ramdam ko ang nag-iinit niyang mga palad. I can feel myself wanting to give in sa Charisma niya But then he pulls away. Thank god! Hindi pa nga nagsisimula ang work ko. May affair na agad ako sa boss ko. Keep it together Dani.

Mestisong Chupoy: Ms. Nero?

Nagdaday dreaming ba ako? Grr! Bat parang it feels so real talaga. OMG! Did I day dream na me and my boss will? Oh god no! Anrupok ko Gurl!

Dani: Yes sir?

Mestisong Chupoy: You may leave now.

Dani: Uhm okay sir!

God bakit ganito! Bat ganun? Well siguro magkakaperiod na naman ata ako. Sana period problems lang ito. Kung hindi ay nako I don't want another heartbreak na naman.

Miles's POV:

Naiayos ko na din ang lahat ng mga gamit ko sa bago kong office and habang nag-uunboxed ako ng mga huling gamit ko. There was a girl na pumasok sa bagong office ko.

Miles: Excuse me miss? What can I do for you?

Dani: I was just looking for Ms. Bartolome?

Miles: Speaking, what can I do for you Ms?

Dani: Nero, Ms. Nero but you can call me Dani na lang since we will be partners for our first project sa company na ito.

Miles: Wait did you just say partners? Excuse me, there's nothing in the memo na may kahati ako sa job ko?

???: We'll there is now

Isang boses ng lalaki ang galing sa labas ng office ko and pagkapasok niya. I was shocked kung sino siya.

Miles: You? Di ba ikaw ung tumulong sa akin para iakyat ang mga gamit ko dito last night?

The guy smiles and looks at Dani.

???: Ako nga Ms. Bartolome, I am Mr. Judge the CEO of this company and I would like to introduced to you Ms. Nero, She's recently been hired today and I want you to collaborate and work with her. So starting today both of you are office mates is that clear?

Wait? So ang lalaking nagbuhat ng karamihan sa mga gamit ko is boss ko pala? Like Pagkakataon nga naman oh. Nakakahiya but infairness kahit pawis na pawis siya sa pagbubuhat nun. Ang bango pa din ng amoy niya. Nag downy siguro to. Ugh! Siya lang ang lalaking pinagpapawisan na nga ang bango-bango pa din. Grr! Why do I even think about that matter. Miles remember, he is your boss and hindi ka pa nga nagsisimula magtrabaho. Pinagpapantasyahan mo na ang boss mo.

TO BE CONTINUED

DO'S and DON'T of Becoming MARUPOK: A Billionaire Romance (Completed)Where stories live. Discover now