Chapter 10

19 2 0
                                    

Chapter 10

CJ's POV

5 years ago

Isa pa lang akong Medtech sa isang pribadong ospital sa Maynila and I am not the same person that I was 15 years ago. Kasi noon palagi akong lapitin ng tukso dahil sa kung ano ako. Yes, I am a Transwoman. A doctor and a Transwoman. Hindi ko pa rin talaga lubos akalain na nandito na ako. Isa na akong Doktor at isa na akong ganap na babae. But it won't be possible without the help of Dr. Judge or should I say Mr. Judge.

Siya kasi ung Doktor na gumawa ng operation ko from Feminine Facial Surgery or as the word says pagpaparetoke sa mukha para maging itsurang babae, To Breast Augmentation or in layman's term pagpapalaki ng dibdib, To Sexual Reassignment Surgery o sa madaling sabi pagpapalit ng ari, pati na rin sa pagcheck ng mga hormones na iniinom ko or sa HRT ko (Hormone Replacement Theraphy). Siya ang humawak.

Nag-alok pa nga ito na kung gusto ko din daw bang papalitan ang pangalan ko.  Dahil bukod sa pagiging magaling na Multiple Specialized Doctor eh isa din siyang Abogado.

But I declined na nun. Nakakahiya na sa kanya and besides mahal ko ang pangalan na binigay sa akin ng mga magulang ko and I will keep it that way.

CJ: Mr. Judge thank you talaga for everything ah. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.

Mr. Judge: You don't need to thank me CJ. It's my job remember to keep my patients and clients happy.

CJ: But still thank you pa din po Mr. Judge.

Nginitian lang ako nito saka siya may iniabot na papel sa akin.

Pagkabuklat ko nito. Nagulat ako sa aking mga nabasa  at doon ko napagtagpi-tagpi ang lahat at saka ako napatingin sa kanya na may pagkagulat sa aking mga mukha. Nakasulat dun ang mga bagay na dapat kong malaman at mga nais niyang hilinging pabor sa akin balang araw.

Mr. Judge: Ang akala ko hindi mo na talaga ako maalala.

End of Flashback

Owiee's POV:

Nakaland na sa tarmac ng Basco International Airport ang Private Jet na sinasakyan namin hanggang sa may nakita kaming 7 mga lalaking naka blue na Polo at nakashades tas bawat isa sa kanila may hawak na placard ng mga pangalan namin. Kaya naman nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kasama ko ng sasakyan ngunit magkakasunod lang kami ung parang Convoy kung baga.

Mga kalahating oras din ang biniyahe namin nang marating namin ang Pier kung saan sasakay kami ng isang Yate patungo sa Private Island na paggaganapan ng Reunion namin.

Napakarami namang Yate dito. Wala namang nakasaad sa invitation letter na kung anong description ng Yate ang sasakyan namin. Ugh!

Pagkababa naming lahat ng sasakyan.  May sumalubong sa amin na isang matandang lalaki.

???: Welcome Ladies, Ako nga po pala si Frank, Ang Personal Butler ng taong nagpapunta sa inyo dito. Ladies please follow me.

Ginabayan niya kami sa buong Pier para mas mabilis naming mahanap ang Yate na sasakyan namin papunta sa Private Island hanggang sa narating na namin ang pinagdadaungan ng Yate.

DO'S and DON'T of Becoming MARUPOK: A Billionaire Romance (Completed)Where stories live. Discover now