Chapter 9

22 1 0
                                    

Chapter 9

Dani's POV:

Ang araw na pinakahihintay ko. Hindi ko akalaing mamayang gabi na pala ang reunion na pupuntahan ko. I'm still very curious talaga sa kung sinong nilalang ang nagpadala sa akin ng isang mysterious invitation. Aba'y basta, tatapusin ko muna ang lahat ng trabaho ko dito sa office then I'll be off to my house para maghanda for tonight.

Natapos na ang oras ko sa work. Nang biglang nag-aya si Miles na pumunta sa isang Fashion Boutique sa Divisoria.

Miles: Come on Dani, Samahan mo na kasi ako sa Divisoria! Please.

Dani: Okay but let's be quick ah. May pupuntahan pa kasi ako at kailangan kong maghanda.

Miles: You know what me too. Kaya nga pupunta tayo ng boutique hindi ba?

Half an hour later nakarating na kami sa Boutique ni Miles.

Dani: If I may ask, Saan ka ba pupunta at bakit mo need pang bumili ng damit sa isang boutique?

Miles: Sa isang reunion. May natanggap kasi akong mysterious invitation 2 weeks ago from an unknown person and he/she claims na batchmates daw kami ganito ganiyan. So ayun.

Dani: Oh and saan naman gaganapin ang reunion na pupuntahan mo?

Miles: Sa Batanes.

At doon ako nabigla..

Dani: Eh isang reunion din ang pupuntahan ko later eh at sa Batanes din.

Miles: No way! Can I see your invitation?

Saka ko ipinakita sa kanya ang invitation ko mula sa aking gmail account.

Miles: So sister tama nga pala na pumunta tayo dito and from the looks of it isang reunion lang pala ang pupuntahan natin. Come on let's go check out some new dresses para sa ating dalawa. We better look our best. Malay natin kung sino ang makita ulit natin dun.

Reena's POV:

After a long day from the lab.  Dumeretso na ako sa bahay ko at nagsimula na akong maghanda para sa reunion na aking pupuntahan. Nang makarating na ako sa bahay. Nakita ko sa harapan ng aking pinto si Jerome. My Ex.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin sabay sabing.

Jerome: Reena, I'm truly sorry about what happened noon. I was a fool dahil iniwan kita. Natakot ako, Naging insecure and most of all. Hindi man lang kita pinaglaban.

I tried to keep my emotions hidden and calmly said to him na.

Reena: Jerome, I don't have time for this. Umalis ka na. May pupuntahan pa ako.

At ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na kinaya ang nangyari. Lumuhod siya at sabay sabing.

Jerome: Please Reena, Give me another chance. Pangako I'll treat you better. Hinding-hindi na kita iiwan.

Tumalikod ako kay Jerome atsaka ako pumasok sa loob ng aking bahay at hindi ko na nga napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

DO'S and DON'T of Becoming MARUPOK: A Billionaire Romance (Completed)Where stories live. Discover now