Chapter 17

27.2K 1.7K 577
                                    

Friends

Hindi ako makapaniwala sa nakita. Mayroon na akong ilang ebidensiya ngunit mahina ito para patotohanan ang aking konklusyon. But now, I can confirm it. Nakatitig sa akin ang pula niyang mga mata. Sobrang putla ng kaniyang balat at ang pangil ay mahahaba.

"Laurelia.." paos niyang saad bago napapikit at nawalan ng malay.

Halos hindi ko pa maiproseso nang maayos ang nangyayari. But all I know is, he's a vampire.

Luminga ako at napansin ang babae na unti-unting nagkamalay. Nakita ko muli ang kaniyang dugo ngunit hindi na ako nakaramdam ng kung ano. Sinapo niya ang ulo at sumulyap sa amin.

"Shit.." usal nito.

Hindi ko alam ang uunahin ngunit ang naisip ko na lang ay humingi ng tulong para sa babae. Iniwan ko saglit si Sir Azriel at nagtawag ng maaaring maghatid sa babae sa ospital. Hinang-hina man ito ay nasabi niya na inatake siya ng sakit niya at nabagok. Nang binalikan ko si Sir Azriel ay wala pa rin itong malay.

"Sir Azriel.." I uttered and slightly caressed his cheeks.

Natatakot ako dahil wala pa rin siyang response. Pero bampira siya kaya siguro, imposible naman na mamatay siya. Sana hindi talaga. Napunta ang aking tingin sa kaniyang leeg at nakita na wala na siyang sugat doon ngunit may dalawang maliit na tuldok.

Hinila ko siya patayo. Unbelievably, I was able to bring him to our apartment. Kinaya ko kahit mabigat siya at mas matangkad pa sa akin. Pagkarating ko roon ay tulog si Caren at wala ang iba. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa aking kama.

Nang binitawan ay nameywang ako at pinagmasdan siya. My bed looks so small with his figure. Ang paa niya ay lampasan sa paanan ng kama kaya nakalaylay iyon at halos sakop niya ang espasyo. Umupo ako sa sahig at niyakap ang tuhod habang pinagmamasdan siya. I never imagined that he'll be on this place. On my bed.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingin sa kaniya ngunit alam kong matagal iyon dahil dumating na sila Sandra. Lunod ako sa pag-iisip nang makarinig ng mga pigil na tili. Kapagkuwan ay may humila sa akin patayo. Nanlalaki ang mata ko na hinarap ang apat na kadarating lang sa trabaho. They are still wearing make-up and sexy dresses.

"Sino 'yan? Shit, ang guwapo!" pigil ang tili ni Amy.

Nakagat ko ang labi nang inalog-alog ako ni Alex.

"Hindi ko alam na wild ka naman pala at inuwi pa dito—"

"Therese, bawal ang lalake rito," seryosong saad ni Sandra at sumulyap kay sir Azriel.

"Sorry. Nagkaroon kasi ng problema. Wala akong choice.." nahihiyang bulong ko.

"Boyfriend mo?" manghang tanong ni Lucy.

"Professor ko," kagat ang labi na sagot ko.

Nanlaki ang mata nila. Napailing si Sandra at tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

"Uy, 'di ko naman alam na ganiyan ka ka-wild!" humagikhik si Lucy at kinurot ako sa singit. Napatalon ako at uminit ang pisngi. "Professor ang nais. Challenge ba? Dahil alam mong bawal ang teacher at student? Naku, I did the same noon," kinikilig niyang saad.

"Hindi, hindi," kontra ko. "Professor lang talaga at siguro...kaibigan?" alanganin na saad ko.

Ilang pang-aasar pa ang natanggap ko. Bumalik ako sa pag-upo sa sahig para pagmasdan siya. Hinalikan ko ang aking tuhod habang nakatitig sa kaniya. Himbing na himbing siya. Akala ko kanina ay hanggang ngayo'y wala siyang malay dahil sa panghihina pero mukhang dumiretso sa tulog dahil malalim na ang kaniyang paghinga. Napangiti ako nang marinig ang mahihinang hilik niya.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon