Chapter 25

28.6K 1.5K 768
                                    

Visitors

Nakita ko sa mismong harap ko kung paano gumuho ang mundo ng mag-asawa. Panibagong kabiguan para sa inaasam na pagtagpo sa kanilang anak. Dinaluhan ni Halsey ang kaniyang lumuluha na ina. Sir Harry comforted Maam Julianna. Kumirot ang puso ko sa sakit para sa kanilang kabiguan.

"Laurelia.." Azriel whispered and squeezed my hand.

Naluluha ko siyang nilingon. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Tumulo ang luha ko nang marinig ang pagpalahaw ng iyak ni Maam Julianna.

"A-anak ko! Nasaan pala ang anak ko?" she cried with so much pain.

Agad na tinuyo ni Azriel ang aking luha. I tried to smile and look away again.

I thought I found my true family already. Paunti-unti pa lang akong nag-aadjust at heto na naman.

"U-umalis na tayo, please.." I whispered.

"Pero kapatid—"

Agad ko siyang pinigilan sa sasabihin at inilingan.

"That's the least of her concern now. She failed again about her lost daughter. H-hahayaan ko muna siyang magluksa. A-ayokong makigulo," saad ko at mariin na pumikit.

"I understand. Let's go.." he whispered.

Tahimik kaming umalis. Habang papalayo ay parang dinudurog ang puso ko sa masakit na pag-iyak niya. I remember her gentle touch on me. Her kind smile and the way she showered me with everything in a short span of time. Alam kong malaki na ang na-invest niya sa akin. Malaki na ang binigay niya sa akin na parte ng kaniyang puso. Naniwala na siya na ako ang anak niya. Ngunit heto...

Kapatid pala niya ako.

I don't even know how that even happened. Paano nangyari na kapatid pala niya ako ngunit natungo sa akin ang imbestigasyon sa paghahanap ng kanilang anak? I want to ask, too. I want to know the truth. Ngunit kailangan ko iyon iisantabi. Kailangan kong intindihin ang nagluluksa niyang puso ngayon para sa kabiguan tungkol sa anak.

My heart hurts, too. Litong-lito na ako sa mga nangyayari. Hindi ko man siya matawag bilang ina ay tinatanggap ko na ina ko nga siya. Minamahal ko na rin siya sa mga araw na lumipas. Itinuturing ko na silang magulang sa puso ko. But then, I need to have a change on my heart again. I need to adjust again.

Ngunit wala naman ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman nila. Their daughter is still nowhere to be found. Walang kasiguraduhan. Ang akin ay tapos na. Nahanap ko siya kahit hindi ko naman hinahanap. I just need to be enlightened.

Tahimik ako hanggang makarating kami sa condo niya. He just let me and watch me. Pabagsak akong umupo sa sofa at tumabi naman siya sa akin. Pilit akong ngumiti at sumulyap sa kaniya.

"My life is fucked up.." hindi ko mapigilan na sabihin. I chuckled and I felt my tears streaming down. Agad ko iyon pinahid ngunit napapalitan lamang din. "I am so lost..so lost.." my voice croaked.

"You'll figure things up, soon. I'll help you," Azriel whispered and pulled me for a hug. Napaiyak ako nang tuluyan. Hinaplos niya ang aking likod. "It's okay to cry. It's okay.." he added and kissed me on my forehead.

Pumikit ako at hinayaan ang sarili na umiyak nang umiyak. Tila may sumabog sa aking dibdib at lahat ng masasakit na bagay ay nagkagulo sa aking isipan.

"It hurts so much. It hurts. I don't know where it came from. I want it gone! I want the pain gone. Please, make it go away. I can't understand it. I can't take all of it! Make it go away please.." I cried as I clutch on my chest. I felt his hug on me tightened. I tried to hurt myself but he held my hands and kissed it.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now