Chapter 23

26.1K 1.5K 351
                                    

No one

"S-sir..maglelesson ka pa," bulong ko.

Ang tagal na niyang nakayakap sa akin.

"Don't ruin the mood, Laurelia," iritado niyang saad. I chuckled.

I put my palm against his chest and pushed him. Nakasimangot naman siya nang maglayo kami.

"Magturo ka na," saad ko.

Umiling-iling siya kapagkuwan ay bumuntong-hininga. Naglakad siya pabalik sa may pinto. Suplado niya akong sinulyapan bago binalik ang lahat sa normal. My classmates greeted him. Naglakad siya patungo sa kaniyang mesa at bumati pabalik. Then he proceed on his lesson.

Nang matapos ang klase ay sumulyap siya sa akin. Hindi ko siya pinansin at inayos ang aking mga gamit. Lahat na ng kaklase ko ay nakalabas, naiwan kaming dalawa. Isinukbit ko ang shoulder bag at nagsimula ng humakbang.

"You look so good, Miss.." aniya habang nakatingin sa aking suot. Nang sulyapan ko siya ay nakataas ang sulok ng kaniyang labi.

"Nasa'yo pa kasi ang uniform ko," saad ko at pinasadahan ng tingin ang suot.

I'm wearing a blue turtle neck sleeveless top. Pinaresan ito ng puting fitted skirt. Si Maam Julianna ang nag-ayos sa akin. She paired it with a color pale cream sandals at may barette muli sa aking buhok.

Lumabas ako ng classroom at sumunod naman siya. Sinabayan niya ako sa paglalakad at nakaramdam ako ng pagka-ilang. Baka may makakita sa amin at kung ano ang isipin.

"Doon ka na ba titira?" tanong niya. Seryoso ang kaniyang tinig. Tinikom ko ang labi at sumulyap sa kaniya.

"I think so.." I uttered. I heard him sigh heavily. "Dadaan ka ba sa coffee shop? I have a work today," marahan kong saad.

Mukhang hindi niya iyon inaasahan. He nodded and slightly smiled. Sumunod ako sa kaniya sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Nang makasakay ay agad niya itong pinaandar.

"Something changed, Laurelia. Your style changed.." he uttered and glanced at me. Napatitig din siya sa maliit kong pearl earring.

"I am a Liente. Kapatid ko si Halsey. That explains my expensive clothes and stuffs," I softly said and sighed.

Matagal kaming natahimik. Sir Azriel looks like he's in deep thought. Then he glanced at me.

"Are you okay?" he asked. I shrugged and stared at him. He licked his lower lips and glance at me.

"Maybe. I don't know. I'm just trying to go with the flow.." mahina kong saad.

He parked the car. Hindi agad siya bumaba kaya sinulyapan ko siya. He's staring at me.

"Pinayagan ka pa rin nila magtrabaho?" tanong niya. Tumango ako at tinignan ang coffee shop na matagal-tagal ko ring hindi nakita.

"Pinilit ko. But in exchange, susunduin ako lagi," I answered then chuckled.

Tumango siya at tumitig sa akin. Tila marami siyang gusto tanungin sa akin ngunit hindi niya ginagawa. I smiled at him gently. His serious expression faded. His face soften, then he reached for me. Kinulong niya ang aking mukha sa pagitan ng kaniyang mga palad saka ako hinagkan sa noo. Napapikit ako at humawak sa kaniyang palapulsuhan. He planted gentle kisses on my forehead.

"Basta, narito lang ako. Tell me anything you want. Call me when you want to cry. Call me when you are frustrated or what. Tell me when you need me.." bulong niya at muli akong hinagkan sa noo. "...kailanganin mo ako, Laurelia," masuyo niyang saad.

The Vampire's Kissحيث تعيش القصص. اكتشف الآن