Chapter 35

26.4K 1.3K 226
                                    

Reasons

Biglaan akong nakatulog daw nang makita ko ang sarili sa salamin. Tapos pag gising ko, uhaw na uhaw ako. It wasn't a thirst for water but for blood. I transformed into a vampire mabuti na lang, pare-pareho silang malalakas kaya napigilan ako. Ang kwento ni ate Patrisha ay papainumin sana ako ni Azriel ng dugo niya ngunit sinabi ni kuya Makheus na hindi pwede. Masyadong malala ang pagka-uhaw ko kaya pwedeng maging delikado ang lagay ni Azriel dahil hindi ko raw 'yon papakawalan hangga't 'di mapatid ang aking uhaw. Kaya gumawa sila ng paraan at dugo na lang ng hayop ang pinainom sa akin.

"Tita, bakit suddenly violet na isa mong eye?" tanong sa akin ni Solemn na kalong-kalong ko. Sunod ay hinaplos niya ang buhok ko. "Some of your buhok became white, too!" mangha niyang saad.

Nginitian ko siya at sinulyapan si Azriel kasama si kuya Makheus na namimitas ng mga prutas sa puno. Naaalala ko talaga ang pagkabigla ko kaninang umaga nang makita na iba ang hitsura ni kuya Makheus. He's handsome yesterday, pero sobra-sobra ang kagwapuhan niya ngayon.

Kasing-tangkad niya si Azriel at pareho sila na maganda ang katawan. Ang buhok ni kuya Makheus ay itim na itim tapos maputla din ang balat niya. Kulay pilak pa rin ang mga mata niya. Tapos 'yung panga niya rin lalakeng-lalake talaga. He looks so rough, cold and dangerous but everytime he looks at ate Patrisha and to their children, he looks at them gently.

"Biglaan lang, Solemn," saad ko at hinaplos din ang kaniyang buhok.

Naglakad patungo sa amin si Azriel. Nakasimangot ito at suplado na nakatitig sa akin.

"Si Tito pangit, dito na naman," masungit na saad ni Solemn. Natawa ako nang umalis ito sa kandungan ko at tumakbo patungo kay kuya Makheus na kasama rin si Gabril.

"You keep on looking at Makheus," iritado niyang saad at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako at hinila pasubsob sa kaniyang dibdib. Natawa naman ako.

"Hindi lang ako makapaniwala na biglang iba ang hitsura niya," saad ko at tiningala siya. "Tapos ang gwapo niya. 'Yung kagwapuhan niya, pumapantay sa pagiging perpekto ng hitsura niyo ni ate Patrisha," I gently said.

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko sunod ay ang aking noo.

"That's his true physical appearance. Lumabas kasi ang bilog na buwan kagabi," aniya at marahan na hinaplos ang buhok ko habang titig na titig sa akin. He licked his lips and raised his brow. "Ako pa rin naman gusto mo 'di ba?" aniya.

Tumawa ako at hinampas siya. Kinurot niya ang tungki ng kaniyang ilong, palatandaan na naiinis siya. Sa tingin ko nagmana sa kaniya si Solemn sa pagiging pikunin eh.

"Oo naman! Ikaw ang pinakagwapo para sa akin," I chuckled and kissed him softly on his cheeks. Niyakap ko siya nang mahigpit at sumubsob sa kaniyang leeg. "Ikaw lang ang gustong-gusto ko. Habambuhay na 'to, Azriel," I whispered. Dinampian ko ng halik ang kaniyang leeg.

Natawa ako nang naramdaman ang pagtindig ng kaniyang balahabo. Humigpit ang yakap niya sa akin. I chuckled and closed my eyes.

"Don't tease me," tila nagtitimpi niyang saad. Napangiti ako at tumango. "Kailan mo balak harapin si Alyanna?" he asked after the long silence. I hug him tighter.

"Saka na. I'm enjoying the peace and happiness here. Matagal ko 'tong hindi naranasan at natatakot ako na kapag hinarap ko muli siya ay hindi ko na maranasan pang muli," bulong ko.

Nilayo niya ako mula sa kaniyang yakap. Sunod ay hinaplos niya ang aking mukha at masuyo na tumitig sa akin.

"Hindi ko na hahayaan 'yon," he whispered. "Gagawin ko ang lahat para sa kasiyahan at kapayapaan mo," he added.

The Vampire's KissKde žijí příběhy. Začni objevovat