Simula

122 7 0
                                    

Simula

“Mom?” Marahang pagtawag ko.

Kasalukuyan na itinitirintas ni Mommy ang mahaba kong buhok. May dadaluhan akong birthday party ng isang schoolmate ko ngayon. Nakasuot lamang ako ng isang simpleng puting off-shoulder na bestida at isang pares na kulay puting walang takong na sandalyas.

Gustuhin man ni Mommy na magtakong ako ay ayaw ko. Hindi naman ako mahilig sa mga gano'n, lalo pa’t alam kong palihim akong maghahabol sa taong ayaw magpahabol sa’kin.

“Yes, baby?” malumanay na sagot ni Mommy habang nakangiti.

Hindi ko maiwasan na hindi mapanguso. “Mom, hindi na ako baby. Eighteen years old na po ako. Dalaga na po.”

Natatawang kinurot niya ang pisngi ko. “Baby ka pa rin para sa’kin, Aqua,” aniya at hinarap ako. “May sasabihin ka ba, baby?”

Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin. Sasabihin ko ba kay Mommy ang tungkol sa crush ko mula no’ng grade 7? Baka naman ay pagalitan ako. Pero crush lang naman ‘yon. Eighteen na ako kaya baka pwede na.

Bahala na nga!

“'Mmy,” panimula ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga. “Posible po bang bumalik sa pagiging lalake ang isang bading?”

Bahagyang napaisip si Mommy at napatingala pa bago ako nginitian ng makahulugan. “Why baby? Bading ba yung taong gusto mo?”

Namula naman ang pisngi ko dahil sa tanong niya. Ganiyan ba talaga ang epekto ng taong iyon sa’kin? Mariin kong pinaglapat ang labi ko. Pilit na pinapakalma ang naghaharumantedo kong puso.

Humugot ulit ako ng malalim na hininga. “Okay lang po ba na may crush ako? I mean… Paghanga lang naman po, ‘Mmy. Hindi pa naman po pumapasok sa isip ko ang… Pagbo-boyfriend.” Umiwas ako ng tingin.

Anong hindi pumapasok sa isip? E, mag-a-anim na taon ko na ngang hinihiling sa ilang daan na santo na maging boyfriend ko yung taong iyon. Tapos ang lakas lakas kong sabihin kay mommy na wala pa sa isip ko ang mga bagay na ‘yon?

Hunghang ka, Aqua. Sinong pinagloloko mo?

“Aqua, okay lang naman ang magkaroon ka ng crush. As long as you’re happy and feel motivated because of him. Okay lang sa’kin ‘yon.” My mom smiled at me, “Oh, siya! You only have 15 minutes left before the party getting started. Magpahatid ka na sa kuya mo, okay?”

Tumango ako na parang masunuring bata sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago nagpaalam. Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Kuya.

“Kuya?” pagtawag ko. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto niya. “Tara na po. Male-late na po ako.”

Hindi ko na kailangan pang maghintay nang ilan pang minuto sa harap ng pinto dahil bumukas na ito at iniluwa ang pangit kong kuya. Nakasuot lamang ito ng simpleng puti na kamiseta, itim na shorts, at isang pares ng tsinelas.

Okay, inaamin ko. Gwapo nga ang kuya ko kahit pa gutay-gutay lang ang suot nito. Lakas makahatak ng atensyon ng babae itong mukha ni Kuya. Kahit nga'y may asawa ay napapalingon pa rito.

Hindi naman sa pagmamayabang pero sabi nila ay maganda daw ang lahi namin. Kahit sino daw ang mapapalingon sa’min ay paniguradong may guguhit agad na hugis puso sa kanilang mga mata.

But I beg to disagree about that idea. Ni-hindi nga ako matapunan ng kahit isang segundo ng tingin ng taong gusto ko, e.

Iyak, Aqua.

“Be here at exactly 8PM, Aqua. Kapag hindi ka pa bumabalik dito sa sasakyan sa oras na ‘yon. Papasukin talaga kita sa loob. I don’t mind if I’m already gate crushing someone’s party.” Mahigpit na bilin sa’kin ni Kuya nang makarating kami sa bahay ng celebrant.

Chasing That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon