Kabanata I

79 8 4
                                    

Kabanata I

"Ezra! Gusto nga talaga kita!"

Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para isigaw iyon sa t'wing nadadaanan ko siya sa gitna ng pasilyo -- sa harap ng maraming estudyante. Nagugulat na nga lang ako minsan dahil may taglay pala akong kapal ng mukha na hindi ko inakala. Automatic kasi na bumubuka ang bibig ko kapag nandiyan na siya.

Nasanay na siguro?

Kasabay ng pintig ng puso ko, ang umaasa na sana ay tuluyan niya ng pansinin ang damdamin ko. Pero kung sakali man na hindi niya pa rin ako papansinin ngayon, laban ulit next time.

Easy as that.

Nakita ko ang pagtigil niya sa paglakad. Umusbong bigla sa loob ko ang pag-asa na baka kakausapin niya na ako. Hindi para pagsabihan tungkol sa patakaran ng eskwelahan, kundi sa pagkagusto ko sa kaniya.

"Ezra! Hindi ako titigil hanggang sa pansinin mo na ako!" sigaw ko pa.

Humugot ito ng malalim na hininga bago humakbang ulit palayo sa pasilyo --- palayo sa 'kin. Umugong ang mahihinang bulung-bulungan tungkol sa ginawang pang-dedema ulit sa 'kin ng masungit namin na SSG President.

May bago pa ba?

Isang buwan magmula no'ng umamin ako sa kaniya ng wala sa oras. Kaya ko lang naman naisipan na habulin siya dahil natatakot lamang ako na maging sila ni Preston. Kahit lalake pa 'yan ay pagseselosan ko pa rin 'yan kahit walang kami ni Ezra.

Makasarili man kung pakikinggan, gusto kong maging akin siya. Isa pa, kaya ko rin naman naisipan 'yon kasi gusto kong mapansin niya rin ako at mabigyan man lang ako ng pagkakataon na ipahayag itong damdamin ko.

Hinahayaan niya lang naman ako sa mga pinagagawa ko, e.

Aaminin ko, no'ng una ay nangangapa pa ako kung paano ko sisimulan itong kabaliwan ko. Babae ako at hindi typical na lalake itong gusto ko. Bading 'to, e. Kaya challenging, lalo pa't mataray at masungit ito.

I searched some tips on google, kaya sinunod ko na lang ang mga iyon. I bravely put my love letters, roses, and chocolates on his locker. Madalas ay sinasadya ko talagang mahuli niya ang pagpuslit ko ng mga 'yon, e. But, dang! Ang cold talaga ni Mayora, e. Tinatabig lang ako at iniirapan. Minsan pa nga ay bahagyang binabangga ako sa balikat. Hindi naman kalakasan, tama lang para maramdaman ko ang balikat niya.

Baliw na kung baliw, pero kinikilig ako kahit gano'n niya ako tratuhin.

Napapangiti na lamang ako sa t'wing naaalala ko ang mga panahong 'yon. Lalo na no'ng nagsimula akong lantaran na ipinapahayag sa publiko ang pagkagusto ko sa kaniya. Nawalan na ako ng pake sa reputasyon ko kahit na dine-dedma niya pa rin ako hanggang ngayon. Siya lang naman ang importante sa 'kin, e.

Mas mabuti na rin siguro 'yon, mas lalo tuloy akong ginaganahan para makuha ang atensyon niya.

Hard to get, e.

"Ang sakit mo talaga sa ulo, Aqua. Pang-ilang warning ko na ito sa 'yo. Sabing, "No Shouting in the Hallway"  nga, e. Tigas talaga ng bungo mo," namomroblemang sermon ni Shane sa 'kin. "Kung hindi ka tumatakbo sa hallway, sumisigaw ka naman. Pinagbalaan na ako ni Ezra, Aqua. Baka sa susunod ay magkakarecord ka na talaga sa guidance office," dagdag niya pa.

Napalingon ako sa kaniya nang banggitin niya ang pangalan ng mataray na presidente na iyon. Pangalan niya pa lang ang naririnig ko ay parang tumatalon na sa saya ang puso ko.

Tawagin niyo man akong luka-luka, baliw, desperada... Name it, I don't care. Matagal nang nakahimlay sa loob ko ang kapal ng mukha ko, kaya todo na talaga 'to.

Chasing That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon