Chapter 9

29.2K 1.1K 445
                                    

Chapter 9

"You didn't paint." Sabi ni Leion habang naglalakad kami palabas ng library.

Dala-dala n'ya ulit ang mga art supplies na dala ko kanina.

"I took a photo!" Sabay lahad ko ng mga kuha ko sa kan'yang kanina ko pa bina-browse. "Acrylic ang gagamitin ko for the project kaya sa bahay ko na lang gagawin." I smirked.

Originally, ang plano kong gawin para sa project ay sketches lang dapat ng mga heartbreakers. But Leion inspired me so much kaya mage-effort ako.

Ang project namin ay isang exhibit. Hopefully ay may bumili ng mga artworks namin. Hindi naman paramihan ng maipagbibiling artwork pero pakiramdam ko ay plus points din 'yon kung mabebenta ang halos lahat at mai-donate sa charity.

Hindi na nagsalita ulit si Leion kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Madali lang naman ang acrylic kaysa oil paints kaya sa tingin ko ay okay din." I said.

Paniguradong kung si Iñigo ang kausap ko ay babarahin na ako no'n. Ano nga ba namang pakialam ni Leion sa sinasabi ko, 'di ba? But he's so quiet. He wouldn't ask me things kaya ako na lang ang magsasabi.

"Nginingiwian nga ako ni Iñigo kasi masyado nga raw matrabaho ang pinili ko. Pero project naman 'to, eh!" Irap ko. "Ang mga project talaga, pinaghihirapan."

Tiningnan ko si Leion at mukhang wala pa rin s'yang balak na idugtong sa mga sinasabi ko. Napangisi ako.

"Ikaw ba? Ano ba ang project n'yo?" I asked.

Napalingon sa akin si Leion at walang ganang inalis din ang tingin.

"Which subject?"

"Sa major!" I said.

Napatingin sa akin si Leion.

"Wala kaming project sa Accounting."

"Sayang naman!" Ngisi ko. "Panghatak din ng grades ang projects."

Pero kung sa bagay. Mukhang wala namang hahatakin si Leion dahil matalino nga raw s'ya.

"Highest grade mo sa card?" I asked, malapit na kami sa hagdanan ng hallway namin.

Tiningnan ako ni Leion at napabuntong-hininga.

"Dali! My highest grade is 90. Sagad na." Halakhak ko.

Pero mukhang ayaw talaga ni Leion na sagutin ang tanong ko.

"Lowest grade na lang?" I asked, mapilit. Papa-akyat na kami sa hagdanan.

"98." Aniya at walang ganang inakyat ang hagdanan.

Nalaglag ang panga ko. Lowest grade n'ya? 98? Wala ba s'yang weakness? Kahit sa Art related subjects nila?

"Anong subject 'yan?" Tanong ko sa kan'ya, naiinis dahil ang unfair talaga!

"Arts." Buntong-hininga ni Leion.

"What the hell?" Inis na reaksyon ko.

Napakunot ang noo ni Leion habang nakatitig sa akin. Nasa taas na kami ng hagdan. Liliko na ako para sa klase ko at iba naman ang gawi n'ya kaya nakahinto pa kami para mag-usap bago maghiwalay.

"Ako nga, Arts and Design na pero highest score ko na ang 90?!" Irap ko.

Nakita ko ang ngisi ni Leion at mas nainis lang ako dahil pakiramdam ko ay minamaliit n'ya ako.

I scoffed at him before I took my things away from his hold. Ibinulsa ni Leion ang mga kamay n'ya at amused akong pinagmasdan.

"Thanks!" Irap ko, hindi talaga bukal sa loob. "Ia-add na lang kita! Tapos icha-chat."

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Where stories live. Discover now