Chapter 29

26.4K 1K 162
                                    

Chapter 29

Malakas ang buga ng aircon sa cafe maging ang tugtog ng classical music sa speakers. Kita sa glass walls ang mga patak ng ulan. Bumubuhos kasi sa labas. Medyo malakas pero pinilit pa rin namin na dito pumunta kahit malayo sa Torrero University.

Nakahilig si Iñigo sa lamesa at busy sa iPad n'ya dahil sa ginagawang digital art.

Plates daw nila.

Pinananatili na ni Iñigo na clean cut ang buhok n'ya at kulot pa rin. Mas nakakapag-isip daw kasi s'ya kung maayos at organisado ang lahat. Maputi pa rin at mas tumangkad. Medyo nagkalaman at nagka-muscle kaysa noong senior high pa lang kami. 

"Nasa'n si Rozel?" Tanong ko habang umiinom sa in-order ko.

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro. Weird for me because I am really not into reading. Mas gusto ko pang mag-drawing kaysa rito. 

"Nag-away kami." Sabi ni Iñigo na parang normal lang na nag-aaway sila.

Nasa ikatlong taon na yata nila sa relasyon nila. How they got together is still a mystery to me. Inaasahan ko naman na mangyayari din 'yon kalaunan kasi inaasar ko sila no'ng nasa senior high school pa kami. Pero nakakagulat pa rin. Sino kaya ang nag-aya na maging sila? Si Rozel?

I mean, straightforward si Iñigo, hindi s'ya torpe. Pero I doubt kung aamin s'ya ng totoong nararamdaman kay Rozel! Pakiramdam ko, mananaig ang pride n'ya kaysa ang pagkagusto n'ya.

"Ano na namang ginawa mo?" Ngisi ko.

Iñigo glared at me.

"Ako agad?" Iritadong tanong n'ya, nagingiwi.

"Eh, sino pa ba? Ikaw nga ang parang girlfriend d'yan. Laging galit. Laging sinusuyo!" Irap ko. "Kung ako si Rozel, hindi na kita pinagtitiisan."

Iñigo just threw a curse at me at nagpatuloy sa ginagawa.

Dean's lister din kasi si Iñigo at nag-aasam na grumaduate with Latin honors. I know he can do it. Masikap s'ya at matalino. 

I cleared my throat and stared at Iñigo. Nang maramdaman n'ya ang init ng titig ko, he looked at me again, now frowning, halatang naba-bother sa tingin ko.

"What the freaking hell, Nico? Let me work here!" Galit na sabi n'ya.

Agad akong napatawa nang malakas.

"May tanong lang ako! Bakit ba ang iritable mo? Meron ka ba?" Tawa ko pero parang inis na inis na talaga s'ya sa'kin.

Bumuntong-hininga si Iñigo at umayos na ng upo. Mukhang susukuan n'ya na ang ginagawa dahil na-realize na hindi ko s'ya titigilan.

"What the hell is it?" Labag sa loob na tanong ni Iñigo.

"Ang sama ng loob, ah?" I chuckled.

"Spill it." Irap ni Iñigo, medyo naiinip na.

Medyo napanis ang ngiti ko at agad akong nakaramdam ng ilang. Nang mapansin ni Iñigo ang hitsura ko, pakiramdam ko ay alam na n'ya kung ano ang pino-problema ko. He smiled evilly at alam ko kaagad na mali na tanungin ko s'ya tungkol dito.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Where stories live. Discover now