Chapter 11

27.9K 1.1K 206
                                    

Chapter 11

"Seriously?"

Napasinghap ako at napasuklay sa maikli kong buhok gamit ang kamay ko.

"Seriously!" Galit kong sabi. "Pick me up!"

"Ikaw na nga ang humihingi ng pabor, ikaw pa ang galit?" Tawa ni Iñigo sa kabilang linya.

"Dali na!" Pilit ko.

"Magyu-U turn pa ako para sa'yo?" Napamura si Iñigo pero tumatawa naman.

"Kung kanina mo pa ako dinaanan, hindi ka na sana magyu-U turn!" Singhal ko. "Come on, pick me up. Male-late ako kay Sir Lorenzo. Super traffic!" Ngiwi ko habang tinitingnan sa phone ko kung gaano kabigat ang traffic ngayon papuntang Torrero.

Mahigpit pa naman sa oras si Sir Lorenzo. He wouldn't let late students inside the class! Tapos ay may pa-SONA pa s'ya pagkatapos ng klase.

"Ito na." Matabang na sabi ni Iñigo, halatang napipilitan lang. "Bakit ba hindi mo dinala ang kotse mo? Iniiwasan mo pa rin si Leion?" Halakhak ni Iñigo.

"Shut up!"

Kinakabahan pa rin ako kay Leion pero balak ko na s'yang kausapin. Ilang araw na rin naman akong umiiwas sa kan'ya at hindi nagre-reply sa iisang chat na sinend n'ya sa akin na pangalan ko lang naman ang laman.

Ni hindi ko nga binubuksan ang message na 'yon!

And I bought something for him! Some basketball socks or something. Nagtanong ako kina Miro kung ano ang magandang brand ng socks at iyon nga ang binili ko para kay Leion. Matutuwa naman siguro s'ya, 'di ba?

"Kalat pa rin ang pangalan n'ya sa campus." Pananakot ni Iñigo.

"Dati na s'yang sikat sa Torrero! Iba lang ang dahilan ng usapan tungkol sa kan'ya ngayon pero sikat na naman s'ya dati pa." Irap ko.

"This is different, Nics!" Naaaliw na sabi ni Iñigo at alam kong tama s'ya.

This is different. Gossip column 'yon. Ang kinasikat n'ya ngayon ay ang pagka-habulin n'ya sa mga babae.

"Have you read the article? I don't think Leion would be flattered!" Iñigo laughed.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit? Siniraan ba s'ya ro'n?" Gulat na tanong ko.

"No. Kung ako ang ginawan ng article tungkol do'n, ayos lang sa akin. I think even Eli seemed so flattered when he got featured! But Leion is different and you know that."

Agad akong napamura at napapikit. Ginaya ni Iñigo ang mura ko, mocking me, at tumawa.


"I have a copy of the paper with me. Read it later. Malapit na ako."

Ang tsismoso talaga ni Iñigo kahit kailan!

Kaya nang dumating s'ya, ang diyaryo agad ang inabot n'ya sa akin. Napalunok ako habang tinitingnan 'yon. Nasa front page pa si Leion! Agad akong napamura at tinitigan 'yon.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Where stories live. Discover now