Chapter 33

29K 1K 295
                                    

Chapter 33

Dumagsa ang quizzes ko sa iba't ibang subjects. I felt so drained. Hindi ko mapigilang mapa-isip na kung nag-fine arts kaya ako, masaya ako kahit ganitong nahihirapan?

Mukhang masaya at fulfilled kasi si Rozel ngayong kasama ko s'ya sa isang cafe malapit sa Torrero University.

Balak sana namin na sa cafe na lang sa tapat ng St. Agatha University pumunta, but we realized that we don't really have the luxury of time. Isa pa, hihintayin pa namin si Iñigo rito.

"Hindi mo pa nakikita ulit si Leion?" Tanong ni Rozel, pinagmamasdan ako habang umiinom sa frappe na binili n'ya.

Kulot pa rin ng buhok ni Rozel tulad ng dati at medyo morena. Mas gumanda s'ya nang mag-college. Marami na rin ang nagkakagusto pero mukhang nabakuran na ni Iñigo. Hindi ko nga alam kung bakit sila pa.

It's funny that I was their number one supporter before pero ngayon ay parang gusto kong maghiwalay sila.

But of course, I love them both. At kahit na lagi silang magka-away, alam kong para talaga sila sa isa't isa. 

Umiling ako kay Rozel at bahagyang lumugmok.

"Basag pa 'yung puso ko." Sabay tapat ko ng palad sa puso at napatawa si Rozel. "Can't see him without getting teary-eyed." Nakangusong sabi ko.

Natawa si Rozel at tumango. I sighed.

"Felt the same with Iñigo before." Aniya.

Agad akong napangiwi at napabangon mula sa pagkakalugmok sa lamesa.

"Yuck." I cringed.

Agad na napahalakhak si Rozel at tinulak ang balikat ko. Napa-irap ako.

"Totoo!" She said. "At ang sakit pang magsalita."

Agad akong napatango. I've heard how Iñigo spoke of her before. Masakit nga kung magsalita.

Kunwari pa ang isang 'yon! Sila rin naman pala ang magkakatuluyan. Akala mo naman ay mukhang prinsipe kung magpakipot.

Hindi naman kasi nagku-kuwento si Iñigo tungkol kay Rozel dahil mukhang laging nahihiya kapag napag-uusapan. Hindi yata kaya ng napakataas n'yang pride.

"Bakit mo pa rin tinuloy kung nasasaktan ka pala?" Takang tanong ko.

Pero bakit pa nga ba ako nagtatanong? Ako nga, nasaktan ako ni Leion, bumabalik pa rin ako. Pero siguro ay understandable ang sa akin. May kasalanan ako kay Leion kaya may nagtutulak sa akin na makipag-ayos.

"Tumigil ako." Rozel said, grinning and proud of what she said.

Kumunot ang noo ko at lalong naguluhan. Oo, tumigil nga s'ya noon. I can still remember Iñigo getting irritated by the thought. But... how did they really get together?

"He got jealous." Aniya, parang nabasa ang tanong sa mukha ko at napatitig ako kay Rozel.

Napatulala ako when a realization dawned on me.

Rozel stared back at me.

Napangiti si Rozel at mukhang parehas nga kami ng nasa isip.

I can't believe that I am resorting to this!

Pinalipas ko na muna ang baha ng quizzes bago ako bumalik sa pagsunod-sunod kay Leion.

Nagmamadali akong naglakad papunta sa library. Yakap-yakap ko ang iPad na dala at dumiretso na sa loob ng library. Agad kong inilibot ang mga mata ko sa mga tables at agad ko ngang nakita si Leion, mag-isa na naman at seryosong nakayuko sa mga ginagawa n'ya.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Where stories live. Discover now