Kabanata 2

37 6 0
                                    

Bata pa lang ako si Lola M  na nagalaga sa akin.Ayaw nya na tinatawag ko siya sa pangalan niya  na Maria  kaya Lola M  o Lola ang tawag ko sa kanya
Sabi niya napaka dami na daw kasi ng katulad ng pangalan niya kaya  yun na lang itawag sa kanya.

Medyo may katandaan na si Lola mag seseventy five na siya ngayong year.Kahit may edad na bakas na bakas pa rin ang ganda ng kanyang pisikal na itsura.

Kung tatanungin nyo kung nakuha ko ang gandang pisikal ni lola masasabi kong magkasing bait kami Hehe.

Napakabait ni lola at lagi niyang iniisip ang iba kahit yung konti na lang niyang kakainin minsan naibibigay pa nya sa iba at kadalasan lagi niya akong tinitiran sa mga kinakain nya.

Pero balik tayo sa akin,Kung sa itsura masasabi kong meron akong average  face.

Di man ganun katangos ang ilong ko pero hindi rin pango sakto lang(ang mahalaga nakakahinga tayo),ang labi ko naman ay hindi yung masasabi mong ideal lips  pero sakto lang sabi nga nila lahat naman ng sobra ay masama ewan ko nga lang kung kasama dun pag sobrang mahal.

Ang mga mata ko masasabi kong ito ang asset ko  marami kasing nagsasabi na  napakaganda  daw ng mata ko,napaka pungay daw nito,yung ngumingiti ako ay nahahawa ang iba kase  pumupungay ang mata ko at parang nangungumbinsi ito na ngumiti ka din.

Di man ako pinagkalooban ng malaking dibdib bawi naman sa shape ng katawan o tawagin na lang nating sexy.

Maaga ako gumising ngayon.Hindi ko na inintay  na gisingin pa ako ng alarm clock ko  pinakamagandang tunog na alarm clock syempre boses ni lola.

Papunta na sana ako sa banyo para maligo kaso biglang nag ring ang cellphone ko,
Ang aga naman nito tumawag.

"Ac!bumangon kana diyan alam kong nakahiga ka pa,wag ka magpapalate si Ms. Alquizor teacher natin sa first subject,"malakas na sabi niya at halatabg sinadya nga talaga.

"Bes actually papunta na akong banyo para maligo kaso tumawag ka,"parang sinisi ko pa siya sa pagkakasabi ko pero ganyang talaga kaming magkaibigan.

"Ilang beses mo na akong nabudol diyan,lagi mong sinasabi na papunta ka na pero di ka pa pala nakakabangon diyan sa higaan mo,"akala ko  nakakigtas na ako sa sigaw ni lola pero kung di pala ako maaga gumiwing siya magiging alarm clock ko ngayong araw.

"Malalate talaga ako pag di mo pa ito binaba."

"Sige na,sigurado ka talagang nakabangon ka na?" halatang nagdududa siya.

"Tss,"yan  na lang ang naitugon ko at pagkasabi ko niyan ay nawala na ang nasa kabilang linya  buti naman binaba niya na.

Nagtungo na ako papuntang  banyo pagkatapos magayos ng sarili ay bumaba na ako at nagpunta sa kusina.

" O,Isel gising ka na paka,ang aga mo ata.Gigisingin pa lang sana kita," gulat na sabi ni lola.

"Lola kailangam po kase na maaga ako ngayon nakiusap po kase si Ms.Alquizor kung pedeng cookery ang magibg first subject namin ngayong araw,"paliwanag ko.

Pagkatapos kumain ay umalis na ako at mahirap na malate pag kay Ms.Alquizor.

"Himala ang aga mo ngayon,"kung sa  dati mukha ng bestfriend ko ang sumasalubong sakin mukhang nagbago ang ihip ng hangin ngayong araw.

"Alam mo pala yung word na maaga,"nahiya naman kase ako sa kanya pero mykhang may kakaiba talaga sa kanya"Ikaw,bat ang aga mo?"hindi na siya sumagit at sumulyap siya sqpinto at nakita kong papasok na si Ms Alquizor kaya pala tunahimik abg section na ito.
Minsan di rin ako naniniwala dun sa sinabing kaya tumatahimik may dumaang anghel   si Ms.Alquizor ang patunay oh:-)

"Goodmorning,so alam niyo naman kung bakit ako ang unang teacher nyo sa  araw na ito,nakiusap ako na kung pede first period ako para yung recipe na lulutuin nyo next week ay maipasa nyo na sakin mamayang hapon," magluluto na naman pala kami kung  ibang teacher ito kanina pa nakapagreklamo ang  mga kaklase ko"Kung mamayang hapon pa ang klase ko sa inyo siguradong hahanap na namankayo ng palusot para di maipasa yun ngayon,"seryosong paliwang nai Ms.Alquizor.

Di naman kase uso  kay Ms.Alquizor ang word na biro huwag na huwag mo siyang bibiruin okay pa sana kung  magpashort quiz sya ng 100 items(short quiz tawag niya dun) kaso malma pag pinakopya niya ang buong module ng cookery  at dapat kung ngayong  oras  niya ipagawa ngayong oras din ipapasa.Pag hindi mo natapos naku zero na ang score mo  maliban na lang kung pag nag check siya ay  good mood.

"...And Ms Aisle Chandria Salalazar," nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko. Habang di nakatingin  si Ms.Alquizor pabulong ko naman na tinawag si Brielle.

"Psstt,bes ano daw sabi ni Miss?bat tinawag pangalanko?"tiningnan  naman niya ako ng masama.

"Lutang ka na naman,kung ano ano iniisip mo,"pabulong na sabi niya"Si Matt,Edward and Jaymmer ang groupmates natin."

"So magkagrupo tayo"magsasalita pa sana siya kaso  nagsalita na si Ms.Alquizor.

"Ngayon pede na kayo magusap kung ano lulutuin nyo, "nagusap usap sila kung ano lulutuin namin  hindi kasi kami nakikinig ni bes pinaguusapan namin yung binabasa naming story sa libro,saka pagdating sa pagluluto pareho kami ni bes na walang interes.Marunong naman ako magluto pero kokonti pa pang ang mga alam kong lutuin.

"Guys,so patatim ang  lulutuin natin,"ani ni edward,buti na lang naging ka grupo namin si edward magaling kase siya magluto.

Ipinaliwanag niya ang gagawin at isinulat ang recipe Napagkasunduan naman na sa amin  bukas mag try ng pagluluto nun para makuha ang tamang timpla.

"Sino pede magdala ng recipe sa office ni Miss?"walang naglakas loob na mag volunteer kaya sinabi  ko kami na lang  ni bes  magdadala.

Inabot sakin ni edward ang recipe"Guys bukas 10 am  sa bahay  at edward ikaw na bahala sa ingredients para bukas at sa next week,salamat,"tumango naman siya bilang pag sang ayon.

Naging maayos naman ang  buong araw at eto kami ngayon bago umuwi  naglalakad kami papunta sa office ni miss.

"Bes may napaoansin ka ba kay gwen,ang tahimik nya ngayong araw tapos di pa siya sumama satin  kaninang break,dati naman di siya nakakatiis na di kumain ng Macaroni lalo na paglibre,"nagaalalang sabi ni bes.

"Yun nga din napansin ko,hindi kaya dahil sa sinabi ko kahaoon  about kay nadia na dun na lang siya magpalibre."

"Ewan ko bes,pero sure ako hindi dahil dun,kahit naman anong asar natin dun hindi yun nagagalit tayo pa laging galit sa kanya,"ayaw niya talagang sinisi ko sarili ko.

"Baka naman may problema kumag na yun,"natawa naman siya pero kahit sinabi ko yun ay nagaalala pa din ako sa kanya.

Papasok na kami ngayon sa office ni miss pero  nagulat ako sa pagbukas ng pinto tumambad samin si gwenn nagpatuloy lang siya sa paglalakad   at di niya kami pinansin.

Kumatok muna kami  sa pinto  at saka pumasok.

"Ahmm miss eto po amg recipe ng group namin,"inilagay ko iyon sa table niya at abalang abala si miss sa pag aayos  ng  folder sa cabinet.

"Sige iwan mo na lang diyan sa table."

"Thankyouu po Miss,"hindi na niya kami pinansin kaya lumabas na agad kami.

"Bes  sa  palagay mo bakit ganun si gwen?" tanong ko kay bes nagaalala na talaga ako sa kanya.

"Hayaan na lang natin bes kausapin na lang natin siya pag nakahanap tayo ng  tamang timing,"nakangiting sabi ni bes alam kong nagaalala na din siya.

Paguwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Lola na nagaayos ng paninda.Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Ahh la,baka po di na ako makakain ng hapunan busog pa po ako,"matamlay na sabi ko kay lola.

"Apo may problema ka ba?sige apo basta tumulog ka ng maaga at wag kalimutang magdasal,"bilin ni lola.

"Wala naman po la magpapahinga lang po ako ng maaga,saka po bukas po pala pupunta dito yung mga groupmates ko sa cookery,"di na nagtanong si lola at hinayaaan na lang ako pumuntang kwarto.

Walk with Me Where stories live. Discover now