"Isel tikman mo ito,ako nagluto niyan,"sabi nitong kaibigan ko napakahilig niya kasing magluto.
Kahit 9 years old pa lang siya ay marunong na siya magluto at hilig niy talaga ito at ako naman ang tumitikim ng mga niluluto niya.
"Len len the best ka talaga magluto nitong favorite ko,"reaksiyon ko ng natikman ko ang niluluto niya.
"Balang araw magiging chef ako at magpapatayo ako ng restaurant tapos lagi kitang patitikimin ng luto ko,"sabi niya nakikita kong gustong gusto niya talagang pumasok sa larangan iyon.
"Baka naman hindi mo na ako patikimin ng luto mo pag sumikat ka na,"malungkot na sabi ko at inakbayan naman niya ako.
"Ikaw nga ang dahilan kaya ko ito gustong gawin,kaya pag nangyari yun libre ka na palagi kayo pala ni Lola M,"sana pag dumating ang araw na matupad niya pangarap nya nandun pa din ako"saka di ba hindi ka marunong magluto?kaya ako na lang magluluto para sayo,"dagdag pa niya.
"Promise yan ha? Aalis ka na bukas ehh kelan ka babalik dito para pagluto ako,pag wala ka si lola na ule magluluto ng paborito ko
Len len wag mo ko sumbong kay lola ha pero mas masarap yung luto mo nitong paborito ko,"bulong ko."Promise Isel kaya wag ka na malungkot,"at nag pinky swear kami.
"Mamimiss kita len len,lalo na itong paborito ko-bwahh bwahh bwahh,"napasuka ako dahil may nakain akong hindi ko nagustuhan ang lasa.
"Ohh ito tubig,okay ka lang?dahan dahan ka kasi sa pagkain,"hinahaplos niya naman ang likod ko.
"Oo may nakagat lang ako tas nakain ko na lasang mentol na mapait, ang sama ng lasa niya,di ko na ito favorite maliban na lang pag wala nun,"sabay sabi ko.
"Ikaw talaga Isel hayaan mo pag bumalik ako pagluluto kita nito pero wala ng kasamang annise,"sabay hawak niya at ginulo ang buhok ko.
"Hindi na ako kakain nito pag may ganun,kakain lang ako nito pag ikaw nagluto kasi ikaw lang nakakalam nung ayaw kong sangkap dun baka pag si lola malagay niya pa yun,"paliwanag ko sa kanya.
"Sige Ms.Anise basta intayin mo ako ha."
Nag flashback sakin yung pangyayari nung araw na iyon.
Yun ang naging huli naming paguusap at pagkikita kinabukasan kasi ay umalis na sila at nagpunta na sa ibang lugar di ko alam kung san siya pumunta babalik pa kaya siya?
Siguro mas magaling na siya ngayon magluto.Kahit mas matanda siya sakin ng isang taon ay naging malapit kami sa isat isa at siya ang pinakamatalik kong kaibigan,yung batabg lalaki na yun sana makita ko siya balang araw.
Walong taon na din ang nakakaraan at walong taon ko na din iniintay yung luto niya,miss ko na yung paborito kong pagkain,kamusta na kaya siya?babalik pa kaya siya?naaalala niya pa kaya ako?kase ako alalang alala ko siya at umaasa pa din ako na babalik siya at tutupadin namin ang mga pangarap namin saka para libre na din kami sa pagkain.
"Uyy bes nakatatlong ulit na sa pangalan mo lutang ka na naman,"tawag sakin ni brielle.
Lutang na naman ako bakit kasi naalala ko na naman ang mga pangyayaring iyon yan tuloy nakalimutan ko na may klase nga pala kami dito sa cookery at oo tama kayo yung mayabang pa din na transferee ang teacher namin.
Kaya pala niya binaggit ang pangalan ko ay nagrerecord pala siya nung ibinigay niyang quiz samin kanina at kinukuha ang aming naging score.
"9 po sir," tugon ko sa kanya ibinilin daw ni Ms.Alquizor na habang wala siya ay ito munang si sean ang palit sa kanya at tawagin namin siyang sir pag nagtuturo lang naman siya sa amin.
Ewan ko ba kay Miss mas may tiwala pa dito kay sean kesa dun sa mga ibang teacher dito siguro napakagaling nito when it comes sa cookery,teka bat ko ba ito pinupuri.
"Sa susunod wag kung ano anong iniisip,okay next,"nagpatuloy na siya sa pagbanggit ng mga names sungit naman nito talaga.
Pagkatapos nun ay may ipapagawa pa daw siya samin nakuu kaya pala gusto ito ni Miss pareho silang madaming pinapagawa.
"So nasabi sakin ni Miss na nakapagluto na daw kayo sa subject na ito tama ba?"tanong niya,alangan namang nagisisnungaling si Miss diba?tumango naman ang mga kaklase ko.
"So kamusta ang experience?sino pede magshare?"naku wag lang ako ang tatawagin wala namang nagluto samin kundi si edward ehh.
"Sir ako po,"napatingin ako sa nagsalita at si edward yun pagdating talaga sa pagluluto aware na aware siya.
"Yes,Mr.Reyes,"pagtugon ni sean.
"Ahmm sir yung niluto po kasi namin ay patatim naging maayos naman po ang aming niluto at masarap dahil na din po sa pagtutulungan namin kahit hindi po lahat nagluto tumulong naman po sa pag prepare at sa mga ideas,saka nagpractice po kami bago yung araw,"sagot ni edward hindi pa siya umuupo kaya nakikinig lang ako sa kanila.
"Bakit niyo naisip na mag practice,pede namang hindi na saka mas dadami lang bibilhin niyong ingredients,"sabi naman ni sir.
"Ahmm sir napag desisyonan po namin yun kaya po namin ginawa,"sagot ni edward napatawa naman ako at saktong napatingin sakin si edward,hindi naman sa pinagtawanan ko siya dahil sa sagot niya pero parang namilosopo siya dun sa part na yun saka wala naman akong karapatang kwestyunin yung sagot niya kase kung tutuusin talagang mas magaking siya sakin pagdating sa cookery.
"Syempre gagawin niyo yun kase napagkasunduan niyo,ang question ko is bakit niyo naisip na mag practice anong maitutulong nito?tanong niya
"Mr.Reyes you may take your sit pede bang tumawag ka ng isa sa mga kagrupo mo para sagutin ang tanong ko,"pakiusap ni sir.Naku edward sorry kung medyo natawa ako pero please wag naman ako ang tawagin mo.
"Si Ms.Salazar po sir,"ano ba naman to parang di ka ano ehh.
Tumayo ako at bahala na sa sagot ko basta yung tunay na rason,bilin ni lola laging sabihin ang tunay ng di napapasama.
"Ahmm sir napagdesisyonan po namin na mag practice para din po samin kasi hindi naman po kami ganung ka expert pag dating sa pagluluto at para po makuha ang eksaktong lasa nag take po kami ng risk kahit po gagastos kami para sa ingredients kung ang kapalit naman po naman nito ay pagigibg maayos na presentsayon saka naniniwala po ako ma practice makes better kahit po hindi yun perpekto pero alam po namin na sa pamamagitan ng oractice na yun mas magiging maayos ang presentasyon namin,"sagot ko at saka umupo haystt kinabahan ako dun iti kasing si edward nanlalaglag.
Hindi na natapos ni sir ang lecture at bukas na lang daw itutuloy kase time na thanks lord sa araw na ito naka survive ako kasama yung teacher namin sa cookery ngayon na mayabang.
YOU ARE READING
Walk with Me
Teen FictionThe story is all about showing the true meaning of love for your family,friends,especial someone and most important to God😊.