Nandito ngayon sa bahay itong tatlo kong kaibigan ayy boyfriend ko na nga pala ang isa😊Naghahanda na kami para bukas saka dahil ngayon lang nawalan ng pasok ngayon lang din kami nagkameron ng oras para sa invitation.
Pero syempre ang alam ni lola nandito sila para sa project,kaklase ko naman itong kumag na to at si bes tapos itong boyfriend ko lagi naman yan nandito kaya di na nakapagtataka.Habang nasa kusina si lola yung mga gagamitin bukas para sa decoration na nabili na ni bes ay dito ko muna tinago sa ilalim ng bed ko.At ngayon mamimili na kami ng mga ingredients at yung iba pang gagamitin.
Para namang walang nagbago samin ni Sean kahit kami na saka bihira lang kami ngayon magkasama kasi busy kami sa school at sa preparation para dito.Siguro next week na lang kami mag gagala para sa bonding namin pero kahit naman nung di pa kami lagi ko siyang kasama lumabas.
"Aalis ba kayo ngayon?bakit hindi niyo pa dito gawin ang proyekto ninyo,"sabi ni lola nagpapaalam kasi kami sa kanya ngayon na kailangan na namin umalis.
"La may mga kailangan po kasi kaming bilhin na mga gagamitin,"atleast di yan pagsisinungaling wag lang itatanong ni lola kung para san kase ayaw ko na magsinungaling sa kanya"Lola M paano po mauna na kami,"pagpapaalam ni bes at nagmano na kami sa kanya isa isa.
"Apo kung gagabihin kayo text mo na lang ako,"pahabol na bilin ni lola habang umaalis kami.
Hindi pa pala namin napaguusapan ang mga pupuntahan namin at kung saan ang una at yung sasakyan namin.Kung sa bahay kami maguusap baka marinig ni lola siguro naman hindi na niya kami maririnig dito sa labas saka mahina lang naman boses namin.
"Sa sasakyan ko na lang tayo sumakay,"suhestiyon ni sean,pareho silang may dalang sasakyan ni gwenn pero syempre di mawawala si kuya nestor "Kung magsasama-sama tayo,hindi natin matatapos ang mga gagawin natin saka bukas na ito kailangan natin magmadali.Kailangan natin mahati sa dalawang grupo,"pagsagaling sadya naring bestfriend ko sa pagpaplano.
"Bes tayo na lang dalawa magkasama tapos sila na lang,"sabi ko kaso mukhang mali ata naisip ko ehh san kami sasakay,ano ba yan ac"Bes, kailangan natin maghiwalay kasi mas maigi na may kasama tayong lalaki para sila na bahala sa mga bubuhatin at para safe na din.Saka bes hello wala tayong sasakyan,"kahit may driver din naman itong si bes ayaw niya na nagpapahatid mas gusto niya ang nabyahe ng kanya dahil sa napakarami niyang dahilan.
"Sige Isel sakin ka na lang sumama tapos kayong dalawa,tara na,"akmang sasakay na sana kami ng pigilan kami ni bes"Oops alam kong magpartner kayo pero sa ngayon kailangan niyo muna maghiwalay,"dami talaga nitong alam.
"Ganito kase di ba?ikaw mamimili ng para sa lulutuin tapos itong si Isel marami yang pupuntahan para sa invitation saka sa cake.Ako naman sa mga tela at kahit ang ibayad na lang natin ay yung sa tent ba tawag dun?saka mga upuan at lamesa,pero yung sa decor ng mga tela kaya na namin 'yun,"paliwanag na bes"Wala akong gagawin dito?tanong ni gwenn.
"Gwenn di ba ikaw katulong ni ac magawa ng invitation saka magaling ka sa pagpili ng design ikaw na lang sumama dito kay bes para bumili ng cake at sa invitation,"sabagay kay point naman siya pero ito.na namang kumag na ito ang kasama ko,bakit ba parang ayaw nila na makasama ko si sean"Kasama ko na lang ay si Sean,tutulungan ko siya sa pamimili ng ingredients saka malapit lang naman sa bilihan nun yung sa tela at iba pang decor para iisa na lang din.Tatawag na lang din kami para dun sa irerent nating tent,upuan,at table,"dagdag pa niya.
"Okay lang ba sayo sir Villaflor?wag ka magalala aalagaan ko naman itong si babe,"mukhang naasar na si sean dito"Sabi ko Sean na lang itawag mo sakin,saka malalagot ka sakin pagpinabayaan mo yang girlfriend ko,"diniinan niya pa yung huling dalawang salitang kanyang binanggit.
"Lenlen ano ka ba?wag ka magaalala mabait namantong kumag na to saka mahilig lang talaga itomg mangasar.Magiingat kayo,"yumakap na ako sa kanya at nagpaalam"Tara na wag na tayo mag emote dito hindi naman tayo pupuntang ibang bansa mamimili lang,saka bes ako na bahala dito kay sean wag ka magalala wala naman akong gagawing masama kahit alam mo na crush ko siya dati,"kahit di niya naman aminin crush pa din naman niya si sean hanggang ngayon pero wala naman yun sakin paghanga lang naman saka kaibigan ko naman siya.
YOU ARE READING
Walk with Me
Teen FictionThe story is all about showing the true meaning of love for your family,friends,especial someone and most important to God😊.