Maaaga pa lamang ay may bisita na kami at sigurado akong alam niyo na kung sino 'yun.Ang nagiisang Kumag sa buhay ko.
"Ano?"gulat na tanong ni Mama.Kababa ko lang dahil naligo pa ako"Ohh Ac mabuti naman at nandito ka na.Nai-stress ako dito sa kaibigan mo,"sabay hawak pa niya sa kanyang sintido.
Umupo ako dito sa couch para makisali sa usapan nila.Tumabi naman sa akin itong Si Naz at umakbay sa'kin"Bro,eto ba?"tinuro niya pa ako "Sige iuwi mo na 'to ipinaminigay ko na sayo,"kinurot ko naman siya sa tagiliran.
"Talaga lang ha Nazarene,kung bawiin ko kaya yung kotse na binigay ko sayo,"panakot ko sa kanya.Dinala 'yung kotse ni Gwenn dito sa bahay nung isang araw pa.Sinabi niya na saka na lang daw namin pagusapan ang presyo hindi kasi ako ounayag sa gusto niya kasi napakamura ng pagbebenta niya sa akin"Ate baka maging libre pa 'yun pag binigay kita,"nabatukan ko tuloy siya.
"Tigil-tigilan mo 'yang ate mo Nazarene.Saka magkaroon ka naman ng konting hiya sa bisita,"belat nga sa kanya,pag nagaaway kami at napapagalitan ni Mama ang isa 'yung hindi napagalitan parang batang nagbubunyi dahil may bagong laruan"Pasensya na Iho,Sa sinabi mong iyan ay nabigla lang ako,alam ko namang mabait kang bata simula pa lang pero hindi ba masyado g mabilis?"tanong ni Mama.
Napatingin ako kay Gwenn"Tita Sampung taon po ako naghintay sa kanya.Huwag po kayo magalala nasa tamang edad na naman po kami saka mamahalin ko po ang anak niyo,"teka ano bang balak nito,ano bang pinagsasabi nito.
"Kung iyan ang gusto niyo wala akong magagawa,nasa tamang edad na naman kayo pero natanong mo na ba ang anak ko?Siguro siya ang dapat na magdesisyon niyan"lumapit sa akin si Gwen at lumuhod"Ac Im waiting this for ten years at hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa'kin,"kinuha niya ang isang maliit na box sa likuran niya at binuksan ito"Will you marry me?"tumulo na ang luhang kanina pang nagbabadya.
"Papakipot pa ba ako.Yes,I am going to marry you Engineer Azalte"tumayo siya at hinalikan ako sa forehead "I love you babe,my soon to be Mrs.Azalte"sambit niya.
Kung dati ay tumutulo ang luha ko dahil lagi niya akong sinasaktan pero iba ngayon ang mga luhang pumapatak galung sa aking mga mata ay dulot na ng aking lubos na kasiyahan.
"Wala na akong magagawa.Pero masaya ako para sa inyong dalawa.At alam kong mabuti bata itong si Frederich at natutuwa akong nagpaalam ka muna sa'kin"sabi ni Mama"Kung ako sayo bro hindi ko muna papakasalanan 'yan,"kurutin ko kaya ang tagiliran nitong si Nazarene.
"Ikaw Naz huwag kang ano diyan baka magbago pa ang isip nito,"biro ko sa kanya "Kasi naman bro di ba hindi pa siya bayad dun sa kotse?Pakasalan mo siya pag bayad na,"aba siraulo talaga 'to.
Kinurit ko siya sa tagiliran at napahagakhak naman siya ng tawa"Kung sabihin ko kaya kay Mira na huwag kang sagutin,"bigla namang nalungkot ang mukha niya.May konsenya naman ako kahit papaano at alam kong dahil sa sinabi ko ay nagbago ang mood nitong si Naz"Sorry Naz!"sabi ko sa kanya.
"Ang drama mo ate.Okay lang ako saka di ko naman nililigawan si Mira,"sabi niya at halatang pinipilit lang niyang ngumiti"Akyat muna ako,"sabi ni Naz at agad nagpunta sa taas.
Tumingin ako kay Mama at sumenyas siya na sundan ko"Gwen akyat lang ako, "tumango naman siya "Ma,kayo na po bahala kay gwen,"tumalikod na ako at agad nagtungo papunta sa taas pero may sinabi pa si gwen"Babe pagkatapos mo baba ka agad may pupuntahan tayo.Nagpaalam na din ako kay Tita,"sumang-ayon ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ni Naz ay kumatok muna ako"Naz pede bang pumasok?"pagpapaalam ko "Bukas 'yan ate,"tugon niya.
Pagbukas ko ng pinto ay lumantad sa'kin si Naz na nasa kama niya habang nagbabasa ng libro.Tumabi ako sa kanya "Sorry talaga Naz dun sa kanina.Okay ka lang ba?May problema ka ba?"tanong ko sa kaniya"Ano ka ba ate?Okay lang nga 'yun.Ate,si Mira nabalitaan ko aalis na siya next week pinilit ko siyang makausap pero wala talaga,"sabi niya sa akin at ibinaba ang binabasa niyang libro.
"Paano kung hindi na siya bumalik?Paano kapag pagbalik niya meron na siyang iba?"sunod sunod na tanong niya "Alam mo kung mahal ka talaga niya kahit pa ilang taon ang lumipas ikaw pa din at hindi ka niya ipagpapalit kahit kanino.Tingnan mo kami ni Gwen,saka intindihin mo na lang siya sure akong may maganda siyang dahilan kaya niya gagawin 'yun.Kung kayo talaga kayo,"paliwanag ko sa kaniya.
"Paano niya malalaman na naghihintay ako sa kaniya ay hindi naman niya alam na mahal ko siya?"seriously mag aabogado 'to,sabagay minsan naman talaga pagdating sa pag-ibig wala tayong alam"Alam mo hindi talaga niya malalaman kapag hindi ka nagsasalita.Hindi pa naman siya naalis di ba?Sabihin mo na sa kanya habang hindi pa huli ang lahat,"payo ko sa kanya.
"Paano kapag hindi ko nasabi?"tanong niya pa"Huwag ka kasing nega.Naz ang talino mo tapos ang tapang mong ipaglalaban ang karapatan ng ibang tao dapat kaya mo din ipaglaban ang nararamdaman mo.Saka naparamdam mo naman di ba?"'yun ang mahalaga hindi man niya nasabi atleast naparamdam niya pero hindi pa naman huli ang lahat pede pa niyang sabihin.
"Salamat ate!"pagkasabi niya nu'n ay niyakap niya ako"Tama na Psalms Nazarene ang kadramahan natin.Paano?maiwan na kita may pupuntahan pa kami ni Gwen ngayon,"pagpapalaam ko sa kanya at tumango naman agad siya.
"Basta ate pag pinaiyak ka niyan o sinaktan magsabi ka lang sa akin,"kay Gwen lang natapang kay Mira naman ay hindi ay Mahal eh"Paano pag tears of joy?"pamimilosopo ko sa kanya.
"Ewan ko sayo ate,ang gulo mo sadya.Sige na umalis ka na,"lumabas na ako ng kwarto at naglakad pababa"Tara na Gwen.San ba tayo pupunta?"aya ko sa kanya.
"Sige Frederich ikaw na ang bahala sa anak ko.Ingatan mo siya at 'yung pinagusapan natin,"bilin ni Mama.Lumabas na kami at sumakay ng kotse niya pagpasok du'n ay tinanong ko siya.
"Anong pinagusapan niyo ni Mama?"tanong ko "Wala 'yun huwag mo ng intindihin,"hindi na ako nagtanong ulit aba ay madali akong kausap.
Maya-maya pa ay tumigil kami "Nandito na tayo?"tanong ko sa kaniya"Wala pa,Isuot mo 'to gusto ko kasi surprise,"iniabot niya sa akin ang panyo parabgawing blind fold.
"Wala naman tayong date di na kailangan ito,"sabi ko"Basta isuot mo lang 'yan,"gaya ng ng sabi ko aba mabilis akong kausap.
Pagdating sa lugar ay bumaba n kami ng sasakyan ,inalalayan niya ako sa pagbaba"Wait parang pamilyar ang lugar na 'to,"sabi ko sa kanya nararamdaman ko kasing napuntahan ko na 'to.Inalalayan niya ako sa paglalakad.
Pagkarating namin sa lugar ay ipinaalis niya ang blind fold ko "Naalala ko "yung sinabi mo kaya dinala kita dito agad para malaman niya na ikakasal na agad tayo.Huwag ka magalala nagpunta na ako dito para magpaalam sa kaniya,"mabuti naman naalala niya si Lola.
May kinuha siyang bulaklak sa sasakyan niya at inilagay iyon sa puntod ni Lola,nagsindi na din kami ng kandila"La,long time no see.Sorry nagtagal ako bago mabisita ka.Miss ko na po kayo at La,mabuti naman at nagpaalam sa inyo si Gwen na gusto niya akong pakasalan.Di ba La ang bangis wala ng girl friend girl friend kasal agad,"ipinaglatuloy ko ang kwento ko kay Lola.
"La,ikakasal na po kami sayang at wala kayo pero sure naman akong kita niyo ako sa langit.Pag pray mo na lang kami at La,I love you always!"pagkatapos bumisita kay lola ay hinatid niya na agad ako sa bahay.
Syempre sinabi ko na din sa mga kaibigan ko pati na kay Axcel na ikakasal na ako.Si Sean at Brielle naman ay hindi na nagulat at alam na din daw naman nila.Napaliwanag ko na din kay Gwen na kay Sean at Brielle anak si Sery.
YOU ARE READING
Walk with Me
Teen FictionThe story is all about showing the true meaning of love for your family,friends,especial someone and most important to God😊.