Part 1

38 7 1
                                    

Nagbabasa ako ng libro ni Jane Austen na may pamagat na Emma. Hindi ko masyado naintindihan pero dahil boring talaga ako at walang magawa kaya heto. Nasa sahig ako ng kwarto sa may sulok naka-upo, isinandig ang katawan sa dingding. Malamig sa parte na ito ng kwarto ko. Kaya maganda sa pakiramdam bumasa.

Umalingawngaw ang Gorgeous ni Taylor Swift ringtone sa loob ng kwarto. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang phone sa ibabaw ng kama ko. Lumuhod ako sa may kama at tingnan kung sino ang tumawag.

Umarko paitaas ang kilay ko. Si Reina. Bakit kaya? Sasagutin ko ba ang tawag niya? Baka magalit siya sa akin kapag hindi. Kilala ko kung anong babae siya kahit kaibigan kami ay hindi siya plastikan. Ilalabas niya talaga ano nararamdaman niya. I slide the answer call.

Muntikan ko mabitawan ang phone sa nakakabinging sigaw ni Reina sa kabilang linya. Problema ng babaeta na ito?

"Huwag ka naman sumigaw, Reina. May dalaw ka ba ngayon? Masisira yata eardrum ko sayo," nakamaktol kong sabi.

"Galit ako ngayon." Nasa tono niya ang sinasabi.

"Bakit?"

"ANG TAGAL MONG SAGUTIN ANG TAWAG KO! NAKAKAHIGHBLOOD KA! DINAGDAG MO STRESS KO!" Para siyang dragon ang boses niya. Siguro nag-away na naman sila ng boyfriend niya. Kaya ganito ito.

"Huwag mo nga ako sigawan. Dinig ko! Bakit ka tumawag?"

Halos isang minuto ang lumipas nang sumagot siya. Kalma na ang boses. I can see her relaxing herself by doing her daily mantra for herself. Huwag kang mastress, masisira ang beauty mo.

"Birthday ko bukas. Sumama ka. Walang no no, yes ka lang. Minsan lang ito."

"Saan gaganapin?" tanong ko. Sana naman ay sa bahay nila. Wala ako sa mood pumunta saan saan.

"Sa El Caladia resort. I am expecting you na pupunta ka. Ok bye." Totoot ang narinig ko sa linya pagkatapos.
Pasalamat siya kasi kaibigan ko siya. Kung hindi, naku! naku! Hindi ko na alam ano gagawin ko. Siguro iiyak ako sa sama ng loob dahil ganoon siya. Kaso kilala ko na ang ugali niya kaya ok lang sa akin iyon. Maraming ayaw sa kanya o hindi siya gusto dahil sa attitude niya, they only see her bad side. No matter how may good she do, still the bad one reflect her more. Napailing ako. Tao nga naman.

Mayaman si Reina kaya afford niya ang bongang birthday. Kaingit nga eh, sarap sabunutan ng babaeng ito kasi ganoon ang estado ng buhay niya.  Of course, invited ang lahat ng mga kaklase ko. Pupunta kaya si Sid? Chances, kasi alam ko na sobrang busy ito. Himala kung dadalo siya. Sana naman.

Lumaki ang ngiti ko at ilang segundo ay napalitan ng lungkot. Brain! Please, nakikiusap ako, pwedeng huwag mong ipaalala ang lalaking iyon? Ayaw ko siya makita sa isipan ko. Huwag kang madaya, huwag mo akong saktan.
Tila lantang gulay kong pinatong ang ulo at mga braso ko sa kama at umupo sa sahig. Kailan ko ba siya makakalimutan?

Bumaba ako sa sinakyan kong taxi. Kung titingnan ako ay parang natalo ako sa sabong. Hawak ko sa kamay ang travelling bag ko na dala. I sighed deeply. Sa sobrang lalim ay pwede na akong malunod. Naiiyak kong kinuha ang phone at tinawagan ang numero ni Reina. Ngunit hindi niya sinagot ang tawag ko. Pinipigilan kong hindi kumawala ang luha sa mga mata ko. Yit! Yit! Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao, bakit ako pa? Ang malas-malas ko naman.

Tumingin ako sa gate ng resort na nasa ibabaw nakakalagay ang pangalan niyon. Kulay asul at puti ang mga iyon. Biglang tumonog ang tiyan ko. Yit! Nakalimutan kong kumain ng lunch. Dapat kaninang umaga ay andito na ako. Dapat umaga. Hindi afternoon. Tapos na yata ang birthday celebration niya. Galit kaya siya? Sumama kaya si Shawny?

Lumakad na ako papasok sa resort. Amoy ko ang dagat, the saltiness of it. Bumungad ang malakas na hangin na nagpalipad-lipad ng mahaba kong itim na buhok. May ilang hibla na tumatabing sa mukha ko at sa bibig ko. Gamit ang isa kong kamay ay inalis ko ang mga iyon. Lumaki ang mata ko sa sobrang ganda ng view. Blue ocean. Puting pinong sand.

Heart of MineWhere stories live. Discover now