Part 5

10 5 0
                                    

Pumasok ako sa entrance door ng hospital. Tumingin ako sa paligid ko. Bawal pumasok  kapag wala kang kapamilya sa loob. Kagat ang labing umupo ako sa waiting area. Ensaktong may papasok na bagong dating na pasyente lulan ng bagong kakarating na ambulasiya. Biglang nagkagulo, bakit kaya? Nagsidatingan ang mga doctor at ilang nurses.

Mabilis akong lumakad papunta sa kanang pasilyo at sumakay sa elevator. Ano kaya ang nangyaring kumosyon kanina? Bumukas ang elevator door sa third floor. Lumbas ako, pagkalingon ko sa kanang bahagi ay nakita ko siya na lumabas sa isang room at naglakad palayo sa akin. Hindi niya ako nakita. ko kaagad ang doktor.

"Dok! Dok!" Bingi ba to? "Dok! Dok!"

Hindi pa rin ako naririnig at lumiko siya. Ilang metro ang layo niya sa akin. Ang bilis ng lakad niya. May hinahabul ba ito? Pinigilan ko na di mabato ang hawak ko na phone sa kanya.

"PINSAN KONG BINGI!" Sigaw ko ng malakas. Lahat ng mga tao na dumaan ay napatingin sa akin. Pati ang doktor.

Then slowly, embarrassment came rushing to my system. Nahihiya akong yumuko papunta sa kanya.

"Joeshiel?" Gulat na sabi ng doktor. Oh well pinsan ko ang doktor na yan na bingi. Kanina pa ako tawag ng tawag hindi nakikinig. Linapitan ko siya at pinitik sa ulo.

"Aray, bakit ginawa mo yun?" Hawak sa ulo niya.

"Kanina pa kita tinatawag at hinahabol. Ang bilis ng lakad mo. Pupunta ka sa gyera ano?" maangas kong sabi. Hindi ko pinansin ang tingin ng ilang napadaan.
Ang gwapo niya sana kaso minsan napapaisip ako, bakla ba itong pinsan ko? Hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend. Matagal na naghihintay si Tita Catharine, ina ng pinsan kong bingi, na magkaroon ito ng nobya hanggang asawa.

"May surgery ako ngayon. Ano ba ang kailangan mo? " nakakunot ang noo na tumingin siya sa akin.

Inakbayan ko siya. Tiningnan ko ng masama ang mga taong nakikiusyoso lalo na ang mga nurse. Isa isa silang nagsialisan takot sa killer eyes ko. O kitams, ganun lang para magsialisan ang mga usyusero.

"Bigyan mo ako ng lason. May lalasonin lang ako," seryoso kong sabi na nakatingin sa mata niya. I'm serious, deadly serious.
Bakit hindi ko naisip na lasunin ang gagong iyon? He deserved it. Right.

Nagulat si Pinsan. Anong nakakagulat sa sinabi ko? Ah yung lalasonin."Wala akong ganun," tinanggal ni Pinsan ang kamay ko sa balikat niya at lumakad.

Sinundan ko siya at inunahan sa paglakad. Hinarangan ko siya with my arms spread out. Patentero lang ang show ko.

"I'm joking. Magpapacheck up lang ako sa puso ko kung kumusta if it was ok or not," nakangisi kong sabi. Lalong kumunot ang  noo niya, buti gwapo siya kung pangit lalo sigurong papangit ang mukha ng pinsan ko.

"Ano ba yang pinagsasabi mo Joeshiel. Pinuntahan mo ako para diyan? Ang ipapayo ko sayo wag mo muna akong guluhin ngayon. Nasa oras ako ng duty. Sa bahay nalang. Segi." Lalampasin niya sana ako kaso hinarangan ko siya.

"Steyron naman oh. Ngayon na. Please? I'm freakin right now. Segi na. Di kita ipapadaan." Matigas na ang ulo ko. Kailangan ko lang talaga.

"Don't gag me, Joshie. Nagmamadali ako. Your mom call to me about the medicine she needed, so alam ko na. Huwag mo akong biruin dahil wala akong oras sa bagay na iyon." Napalunok ako dahil galit na siya.

"Biro lang pinsan, ano ka ba. I thought hindi pa sinabi ni mama sa iyo. Pero seryoso, may gamot ka ba dito?" tinuro ko ang puso.

Lalong nagkalapit ang kilay niya. I know what it mean. Hindi na siya natutuwa.

"Joeshiel, I have no time with this." Nilampasan niya ako kaya hinila ko siya sa doctor gown niya na kinatigil niya.

"Si Flayne oh?" Turo ng pinsan ko sa likuran ko nang humarap siya sa akin. Seryosong myka na nagsasabing meron nga.

"Si Flayne?" Taranta akong nagtago sa isang room. Ayaw ko nga itong makita. Bakit ba kasi andito ang gagong yun?

Lahat ng tao sa loob ng room nakatingin sa akin. Nagtataka ang tingin nila pati ang pasyente na nasa hospital bed. I gulped. So embarassing.

"Sorry," nakangiwi kong sabi at lumabas.
Nawala si Pinsan at walang Flayne akong nakita. Ang pinsan ko talaga. Manloloko! Humanda siya!  Naikuyom ko ang palad.

Naiinis akong naglakad pabalik sa dinaanan ko. Paano ko kaya magagantihan ang pinsan ko na iyon? Kinakagat-kagat ko ang kuko ng hintututo ko na nakatingin sa kawalan.

Napahinto ako nang may mabangga ako pagliko ko.

"Sorry," hingi ko ng paumanhin sabay tingin sa nabangga ko.

Biglang lumaki ang mata ko sa nakita. Para akong nakakita ng ghost. Wrong timing. Speaking of Flayne. Andito siya sa harapan ko. Bakas sa mukha niya ang kabiglaan na makita ako.

"Joeshiel?" Hindi makapaniwalang sabi ng gago.

Bakit ba nagkita kami ulit? Bakit? Ayaw ko siyang makita eh. Sinadya yata ito ng coincidence. Iniinis ako pati si kapalaran.

Parang awa niyo na ayokong makita ang gagong to, una hindi pa ako nakamove, pangalawa hindi pa ako handa, pangatlo nasasaktan at nahihinayang ako, pang apat baka mapatay ko siya sa sobrang galit which is impossible na mangyari, pang anim hindi ko alam kung anong gagawin magagalit ba o umiyak pwedeng pareho at panghuli mahal ko pa rin siya. Yun ang mga walang kwentang dahilan ko.

Linampasan ko siya.

"Joeshiel wait... let me explain. Pwede ba?" Hinabol niya ako. Pwede bang iwasan niya ako? Paano ako makakamove on nito?
I sighed harshly.
Para saan ang explaination? Para saktan ako? Ayokong marinig ang mga dahilan niya.
Hinarapan ko siya kasama ng walang reaksiyon kong mukha.
"Leave me! Kainin mo nayang explaination mo. Hindi ko na yan kailangan," galit kong bulalas sa kanya.

"Please?" Sabay hawak niya sa braso ko.

I flinched with his touched. My heart beat fast, sumisikip ang lung ko at ito na naman ang mga halo halong emotion sa loob ko. Galit ako sa kanya. Galit na galit. Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Now, I'm starting to hate myself.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng mapakla.

"Please? What the--- Flayne? Just leave me, wag mo na akong guluhin. Just record to the cd ang mga explaination mo at ipadala mo sa akin," ani ko sabay tanggal ko sa kamay sa braso ko at nagmamadaling umalis na halos tumatakbo na ako.  I'm just kidding about the Cd, yun ang lumabas sa bibig ko at di ko na pwedeng bawiin pa. Hindi na ako iiyak ngayon, nagiging OA na ako. OA na ako.
Huminto ako at bumalik ako sa kanya. He's still standing looking at me with his pleading eyes.

"Nagbibiro lang ako sa sinabi ko. Nevermind what I say. Just leave me and stay away from me," sabi ko at iniwan siya.

Binilisan ko ang lakad. Huminga ako ng mabuti. Itataas ko na sana ang noo ko at nang—

Ka blog!

"Aray ko." Napaupo ako sa sahig.

Kainis! See through glass wall pala ang nabangga ko. Yit! Hindi ko man lang namalayan. Akala ko daan pa rin. Tumayo ako sa pagkakaupo at nagpatuloy sa paglakad.

Sana hindi nakita ni Flayne ang kahiya-hiya at katawang-tawa na nangyari sa akin. Please, hindi sana.

Heart of MineWhere stories live. Discover now