Part 6

9 5 1
                                    


Sinamahan ko si Reina na bumili ng libro sa National Bookstore. Ano kaya ang bibilhin niya? Hindi niya sinabi sa akin.

Tinitingnan ko siyang nakatayo sa Romance fiction section. Tinatap niya ang right cheek gamit ang hintuturong daliri. Ano kaya ang hinahanap niya?
Lumipat ang tingin ko sa tatlong lalaki na papasok sa bookstore. Sina Adam, Sid at Tristan iyon. Ano kaya ang ginagawa ng tatlo dito?

"Ano sa tingin mo, maganda ba ito?" untag ni Reina sa akin.

Nilingonan ko siya. Hawak sa kamay niya ang isang kulay blueish green na may title na Girl gone viral.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Pansin ni Reina sa binigay ko na tingin.

"May sakit ka ba?" tanong ko.

"Wala! Huwag mo nga ako bigyan ng ganyang tingin, Shiel. Parang may sakit ako na nakakahawa," aniya at humalukipkip. Tinaasan niya ako ng kilay.

Paanong hindi dahil isipin kong hindi siya nagbabasa ng libro sa buhay niya at ngayon bibili siya ng libro?

"Bakit bibili ka ng libro?" Tinapunan ko ng tingin ang hawak niya.

"Ito ba?" Tinaas niya ang hawak. Tumango ako. "Masama bang magbasa?"

Umiling ako. Mas mabuti kayang magbasa kasi marami kang nalalaman.

"Kung ganun, bakit ganyan ka sa akin? Parang imposible ako." Matiim niya akong tiningnan.

"Kakabigla kasi na magbabasa ka na. Ano dahilan?" Lumapit ako sa kanya.

Ngumisi siya. Saan ang ngiting iyon?

"I just realize that I need to read a book because I want to get away with my stress."

"Ganun?" Kumunot ang noo ko.

"Oo, may nabasa kasi ako na article na nakakastress out daw ang pagbabasa kaya heto, bibili ako ng libro at magbabasa," paliwanag niya.

Tumango-tango ako. Tama siya.

"Kaya tulungan mo akong maghanap ng magandang libro na babasahin."

Humarap ako sa mga nakahilerang mga libro. Bakit Romance book talaga? Kita ko sa peripheral view ang kasiyahan sa mukha ni Reina. Ganyan ako kapag may gustong bilhin na libro. Never thought, she'll read a book.

Tinitingnan namin ang mga libro at binabasa ang likuran. Kapag hindi maganda o interesting para sa amin ay binabalik agad sa lalagyan.

"Beh!" Boses ni Tristan sa kanang bahagi namin.

Huminto sa pagkuha ng libro si Reina at tumingin sa lalaki. Malaki ang ngiti ni Tristan.

Naguguluhan ako kung bakit tinitigan lang ni Reina si Tristan. Akala ko ba bati na sila. Ano na naman kaya pinag-awayan ng dalawa o hindi pinagkaasunduan?

Lumapit si Tristan na nagdadalawang isip. Binigyan ko siya ng ano problema niyo na tingin. Kumibit balikat lang ito.

"I think I'm in love," bulong ni Reina sa akin.

Mahinang tawa ang kumawala sa bibig ko. Tinulak ko siya papunta sa lalaki at muntikan na matumba si Reina. Maagap na sinalo siya ni Tristan. Para akong nanonood ng isang pelikula na girl meets boy and they fall in love.

They're fine and it's great to know. Wala ng moody Reina.

Binuksan ko ang can soda at umupo a tabi ni Shawny. Sinilip ko kung ano ang pinapanood niya sa laptop. Isang movie. Wala ba siyang reporting ngayon na araw? Sa pagkakaalala ko meron. Bakit ganito ginagawa niya?

"Ready ka na ba?" tanong ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid. Nasa ground floor kami naka-upo sa isang table.

"Hindi," problemadong tugon niya.

"Bakit nanonood ka diyan kung hindi?" Inilapag ko ang ininum sa mesa.

Nasa pinapanood pa rin ang tingin niya. "Bakit education kinuha ko?" Naiiyak ang boses niya.

"Bakit?" tanong ko. Pinatong ko ang ulo sa kamay ko na nasa mesa nakasuporta ang siko ko. Tinatanong ako, alam niya naman na hindi ko alam ang sagot.

"Hindi ko iyon gusto. Akala ko kasi madali, akala ko kasi iyon na talaga ang bagay sa akin. Pero hindi. I'm wrong!" she said in a frustration.

"Eh, bakit kasi iyan. Magshishift ka ba?" Nakita ko si Adam kasama si Ginna, nasa second floor sila. Masayang nag-uusap. Nakita kaya ni Shawny ang dalawa? Sinulyapan ko siya pero nasa laptop pa rin ang tingin.

"No. Gragradute na tayo. Magshishift pa ako?" aniya na napaka-imposible ang binigay ko na sagot.

"I know. Malapit na tayo sa finishline at ngayon ka magproproblema dahil hindi pala iyon ang gusto mo. Heto, uminom ka," salita ko at inabot ko sa kanya ang can soda ko.

Kinuha niya iyon at ininum. Ngumiti siya ng malapad. "Thank you." Lingon niya sa akin.

"Always welcome." Malapad ko ring ngiti sa labi.

"May high school reunion tayo, pupunta ka ba?" Binigay niya sa akin ang can soda pagkatapos uminum.

"Hindi," deritsong sabi ko.

Wala akong balak dumalo. Reunion? Salita pa lang nakakapagod na at boring.

"Samahan mo ako, please?" Pleading hand  niya sa harap ko.

Umiling ako.

"Pretty please, Joeshiel. Ngayon lang ako hihingi ng Favor. Please?" Nagmamakaawang boses niya.

"Pag-iisipan ko," sagot ko. Tumayo na ako sa kina-uupuan. Class time.

"Maiwan na kita muna," paalam ko at iniwan na siya.

"Iyong sinabi ko, please," habol niyang sabi sa akin.

Ayokong pumunta dahil alam kong andoon siya. I won't let faith ruined my moving on again.

Heart of MineWhere stories live. Discover now