Part 4

11 5 0
                                    

Nakakapagod ang araw na ito. After ng birthday fete ni Reina heto sumasabak na ako sa matinding laban lalo na sa mga major subject ko. Mahirap pala ang accountancy course pag nasa fourth year kana , yung magragraduate ka na.

Lalo kang pinapahirapan ng mga professor mo dahil inahahanda ka na sa pagsabak sa totoong buhay ng accountant. Bakit ba ito ang kinuha ko? Sana teacher na lang ang kinuha ko kung di lang dahil sa gago na yun di ako masasabak sa course na ito. He broke all those dreams about us and the happy ending. White horse lang ganun. I sighed. Kung nakakalunod lang ang pagbuntong hininga ay kanina pa ako nalunod. Kung nakakagaan lang ang ganoon ay sana kanina pa ako maayos.

Mabibigat ang mga lakad ko sa corridor ng third floor bitbit ang dalawang libro na nakahawak sa kamay at nakaalalay sa braso ko. Nakakapagod na araw. Lumiko ako at hindi ko sinasadyang mamataan sa mata ko ang isang lalaki palabas sa Dean's office ng engeenering bago pa niya ako makita mabilis akong nakatago sa isang room na bukas.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba na baka nakita niya ako. Thanks goodness at walang klase sa room na ito kung meron I'm putting myself as a clown to them. Tanaw ko siyang dumaan sa room kung saan ako nagtatago. Yit! Muntik na niya akong makita.

Kung nakita niya ako siguro ako lang ang masasaktan sa gagawin niya na hindi niya ako papansinin na tila ba di namin kilala ang isa't isa. Masakit iyon. Siya nakamove on na ako hindi pa. Dumudugo pa rin ang sugat na ginawa niya sa akin.
Bakit kaya andito ang gagong yun, ano kaya ang pinuntahan niya sa Dean's office ng Engeneering?

Lumabas na ako sa room nang mawala siya sa paningin ko. Luminga linga ako sa paligid, naniniguro lang ako na wala na siya.

Speaking of siya? Sino siya? Siya is a secret. Ayokong maalala o marinig man lang ang pangalan niya na inukit noon sa puso ko.
Nang masiguro kung wala na siya ay nagmamadali akong umalis at sumakay sa elevator ng school. Ang yaman ng school may elevator, ito gusto ko hindi na mahihirapan sa pag-akyat baba ng school building.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang nasa loob ng elevator pagkabukas ng pinto. Nakatayo ang isang lalaking ayaw kong makita o makatagpo kailan man.
Flayne Vincent Olexus! Napasinghap ako ng ngumiti siya sa akin. Pumasok ako sa loob na tila ba hindi ko siya nakita. He's not existing to me. Wala akong kasama. Umiwas ako ng tingin at tumitig sa pinto ng elevator na sumisirado.

Ano ba to, bakit siya pa? Pwedeng iba nalang? Wag lang siya pero dinaya ako ng kapalaran. Nais yata ng kapalaran na pagtagpuin kami at saktan ako ng ilang beses. How unfair!

My feeling right now? Its so...so...so... awkward. Nanlalamig ang mga kamay ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para akong matatae sa nangyayari ngayon. I've never think of this thing that it will happen, never ever in my wildest imagination. Kinalma ko ang sarili. Relaxed self. Wala akong kasama. Isa lang siyang hangin.

"Joeshiel..." rinig kong sabi niya.

Bakit kumabog mabilis ang puso ko. Just saying my name it make my knees weak. It make my whole system down.
Inulat niya tinawag ang pangalan ko pero nagbingi-bingihan ako. Hahawakan na sana niya ang kamay ko nang bumukas ang pinto sa groundfloor at agad agad akong lumabas.

"Joeshiel!" Hinahabol ako ng gago. Ano ba kailangan nito? Nagpatuloy ako sa paglakad at hindi ko siya pinansin. Nagitka ako ng hinawakan niya ang braso ko at napatigil ako sa paglakad. Pinaharap niya ako sa kanya.

Anger rage inside mo, gusto ko siyang sampalin ngunit nanigas ang kamay ko. Alam ko, hindi ko kayang gawin ang bagay na yun. Uminit ang mga mata ko. Nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko. It hurt seeing him. I hate him so much.
Tiningnan ko siya na nangangalit na tingin.

"What you need? " asik kong sabi.

Bago pa siya makapagsalita ay dinumug kami ng mga fans niya at natulak ako sa kung saan. Mabuti hindi ako nakaupo sa pagkakatulak ,pagnangyari iyon humanda sila sa akin.
Kumawala ako ng malalim na buntong hininga at tumalikod. Mga imbyerna talaga ang mga fans niya kung di ako edukada na tulad nila baka ninonodnod ko na isa't isa ang mga pagmumukha nila sa sahig. NapakaOA na sila ah, mukhang nang-aano. Mabilis akong lumabas sa gate ng school.

Heart of Mineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن