CHAPTER 1

283 158 21
                                    

Chapter 1

POV OF ANDREA

"I love you babeee!" Narinig kong hiyaw mula sa malayo. Agad naman akong nakaramdam ng kasiyahan nang dahil sa aking narinig, kilalang kilala ko na ang boses na iyon dahil iyon ang taong lubos kong minamahal.

Dahil sa excitement ay agad akong lumingon sa pinanggaling ng boses at saktong paglingon ko ay biglang may yumapos saakin. Ang bango talaga ng lalaki nato hinding hindi ka magsasawang amoyin.

"Hi babe! Loveyoutoo. Miss me?" Ganti ko ng yakap at nag puppy eyes pa ako, halatang nag papacute.

"No need to puppy eyes babe." Nakangiti nyang sabi sabay gulo sa aking buhok na para bang isa akong tuta kaya nag pout ako.

"Why are you here pala babe? Wala ka bang klase?" Tanong ko dito. Kasi first year college na kami. At alam ko may pasok sya ngayon araw. Ngumisi lang sya saakin at inakbayan ako.

"Join me in my condo babe?" Mapangakit nyang sabi sabay hila saakin at hindi na ako pinagsalita.

Napabungisngis nalang ako sa kanyang ginawa. Lagi naman ganyan yan, sanay na sanay na ako at kabisado ko na rin ang lahat sakanya. Malamang sa malamang may mangyayari nanaman sa condo nya.

*blagggg*

"ANDREA LUISSE VALERIANO! WALA KA BANG BALAK BUMANGON DYAN?!!!" Napatayo ako bigla sa sobrang gulat sa hiyaw ng nanay ko.

Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat, ay mali! Bangungot ang tama. Binangungot nanaman pala ako ng nakaraan. Ganon pala talaga, pagnagmahal ka ng sobra ang hirap kalimutan, ang hirap iwala nung feelings. Hindi ka makamove on at makapagsimula muli.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya magawang kalimutan kahit 2 years na ang nakakaraan simula ng hiwalayan nya ako. Simula nung gabing iniwan nya ako.

"Ano andeng tutulala ka nalang ba dyan?"

Kahit kelan talaga kung makahiyaw si nanay kala mo megaphone eh. Sobrang sakit sa tenga

"Aba andeng, tanghali na! Malalate ka nanaman nyan sa klase mo"  napakapamaywang pa si mama habang sinasabi yan. Kahit kelan talaga ang didiwara ng mga nanay.

"Opo ma. Maliligo lang ako tas bababa na" sabay kuha ko ng cellphone ko sa table na katabi ng aking kama. Mag seselfie muna ko. Para pang myday hano. Para naman makita ng mga prends ko kung gaano ako kaganda sa umaga.

Woke up like this

—-

"MAAA SI ANDENG NAG CECELLPHONE PA KESA MALIGO O" nagulat ako kasi andito pala si kuya sa pinto ng kwarto ko. Sinamaan ko nalang sya ng tingin at nag punta nalang ako sa banyo para maligo na. Narinig ko pang hiniyaw ni mama pangalan ko pero di ko nalang pinansin. Araw araw naman kaming ganito eh. Kahit kelan talaga papansin si kuya pero mahal na mahal ko yon ah?

Pagyari ko maligo, nagbihis na agad ako para makababa na at makapag palaam na aalis na ko kay mama. Pagkase nag tagal pa ko didiwaraan nanaman ako non.

"Maa papasok na po ako" sabi ko habang bumababa sa hagdan papunta sa kusina kung saan nagluluto si mama ng umagahan namin. Di naman kasi kami mayaman, may kaya lang kami.

Yung bahay namin 2nd floor may tatlong kwarto lang tas pag baba sala agad tas sa gilid andon yung kusina namin. Yun lang maganda sa bahay namin yung kusina. Mahilig kasi ako magluto kaya naman ako talaga nag lilinis ng kusina dahil ayokong madumi yon hano.

"Oh di ka ba muna kakain bago pumasok?" Nakita kong lumabas si mama galing kusina. Kahit naman madiwara nanay ko alam ko naman na mahal na mahal ako nyan. Ganyan naman kasi mga nanay eh madidiwara pero mahal kayo.

Too late to say I LOVE YOUOnde histórias criam vida. Descubra agora