CHAPTER 6

67 32 2
                                    

Chapter 6

ANDREA'S POV

2 weeks na ang nakalipas simula ng umiyak ako sa harap ni clark. Pagkatapos nya akong ihatid sa bahay namin nung araw na yon ay hindi na muli kaming nagkita. Hindi kami nag kita hindi dahil sa hindi kami nagtatagpo ngunit sa kadahilanan na mas pinili kong iwasan sya.

Ewan ko ba sa sarili ko. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sakanya. Wala na yata akong mukha ihaharap dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Kung bakit ba naman kasi umiyak ako at sinabi ko pa ang dahilan.

Natawa ako nung maalala ko na tumulo pa ang uhog ko sa kanyang damit. Ang bango bango pa naman ng damit nya at ang linis linis tas tinuluan ko lang ng sipon. Mukha naman wala syang pake sa nangyari na yon dahil imbis na magalit sakin ay tinawanan nya pa ako.

Andito nga pala ako sa bahay ngayon. Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Nakahiga lang ako dito sa kwarto at nag mumuni muni. Hindi malaman ang gagawin.

Dahil sa pagkainip ay naisipan kong bumaba at pumunta sa sala. Paniguradong andoon si kuya at mother nanonood ng tv. Tuwing linggo kasi ay magkakasama kami dito sa bahay. Walang work si mommy at kuya pag linggo at wala naman akong pasok pag linggo kaya nag kikita kita talaga kami at medyo nakakapag bonding.

Hindi ko na naisipan na mag ayos ng sarili bago bumaba. Ni hindi nga ako nagsepilyo at hilamos. Maski pagpapalit ng damit at pagaayos ng buhok ay hindi ko ginawa. Gaya nga ng sabi ko panigurado naman kasing sila mommy at kuya lang ang tao dito kaya di na ako nagabala pa.

Sanay naman na sila saakin na ganito ang istura ko. Kaya tuloy tuloy lang ako lumabas ng kwarto at bumaba. Dala dala ko pa ang isang baso na pinaglagyan ko kagabi ng gatas na ininom ko bago matulog. Pagkarating ko sa sala ay nabitawan ko ang baso kong hawak dahil sa nakita.

*plinggggg*

Lahat sila ay napatingin sakin ng marinig nila ang tunog ng basong na nahulog ko. Bakit ang daming lalaki sa bahay namin? Anong ginagawa nila dito? Ngayon ko nalang ulit sila nakita na nagpunta dito.

Natataranta na lumapit sakin si kuya at tinignan ako mula ulo hanggang pa. Sa tingin ko ay sinusuri nya ako kung may natamo ba akong sugat dahil sa baso. Agad naman syang nakahinga ng maluwag ng makita na wala naman akong sugat na tinamo.

"What happened?" Tinanong nya iyon habang nakapamewang ang dalawang kamay sa tagiliran nya.

Kahit anong harang ang gawin nya sa likod nya ay nakikita ko pa rin ang nagagwapuhang mga lalaki na nagpipigil ng tawa kaya agad na nangunot ang noo ko. Bakit sila tumatawa? Nakakatawa na ba ngayon ang makabasag ng baso?

"Nabitawan ko lang. punta na akong kusina" sabi ko nang akmang lalakad na ako ay bigla akong hinawakan ni kuya sa braso para pigilan sa pagalis sa harap nya. Taka akong napatingin dahil sa ginawa nya. Wala naman siguro syang balak na pag tripan ako ngayon hano?

"Seryoso kang lalabas ng ganyan ang itsura mo?" Nakakunot at matalim ang mga tingin nya saakin.

Napsilip ako sa likod nya dahil sabay sabay na tumawa ang mga lalaki doon. Na pra banag nakakita sila ng bagay na katawa tawa. Ang iba ay halos hindi na makahinga sa kakatawa. May mga nakahawak sa tiyan nila at may mga napapahiga dahil sa tuwa. Tinuro turo pa nila ako.

"HAHAHAHAHAHA nice look andrea!"

"Bagong uso ba yan? HAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHA masarap ba ang tulog andeng?"

"Ang ganda mo ngayon"

Ilan lang yan sa mga narinig ko sa kanilang mga sinabi. Ang iba ay hindi pa matuloy ang sinasabi dahil tumatawa. Nakakunot pa rin ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang kanilang pinupunto.

Too late to say I LOVE YOUTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang