CHAPTER 5

152 97 3
                                    

Chapter 5

ANDREA's POV

"Achinggg!"

Bigla akong nabahing kaya napalayo ang mukha nya sakin. Nakita ko naman ang mukha nyang parang pinagsakluban ng lupa at dismayado akong tinignan.

Umayos sya ng upo kaya ako ako na mismo ang umayos ng seatbelt ko. Nakailang tingin muna sya sakin bago nya tuluyang paandarin ang kotse palabas ng school.

Shit! Muntik na yon.

Muntik na kaming mag kiss. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil hindi natuloy yung kiss. Matutuwa ba ako kasi hindi natuloy ang kiss namin ng bakulaw na to o malulungkot dahil sayang yung kiss?

Ano man sa dalawa na yon ay wala na akong pake. Mas ayos ng huwag nya akong mahalikan dahil pakiramdam ko ay magtataksil ako sa mahal ko. Ah mahal? Pero di ako mahal.

Ex ka na andeng!

Pag ba ex ka na di mo na pwedeng mahalin ha? Fyi, hindi po napipigilan ang pagmamahal dahil kung napipigilan yon wala na sigurong tao na malungkot ngayon. Wala na sigurong taong nasasaktan ngayon. Dahil kung napipigilan yon siguro ay matagal na akong masaya. Yung tunay na masaya.

Bakit ba kasi may mga taong sa una lang magaling? Bakit may mga taong sasabihing mahal ka pero hindi naman kayang panindigan? Bakit kailangan nyong magpaasa? Bakit gustong gusto nyong sinasaktan yung mga taong wala naman ginawa kung hindi ang mahalin kayo? Bakit kailangan manligaw kung hindi nyo naman iniisip ang "kayo" sa huli?

Ang daming tanong pero ni isa ay ang hirap sagutin. Ganon siguro talaga. Sabi nga nila madaling sabihin pero mahirap gawin. Parang pagmomove on. Ang hirap hirap gawin kahit gustong gusto mo na.

"Saan bahay nyo?"

Bakit nya naman kaya tinatanong bahay namin? Aakyat ba sya ng ligaw sakin? Asa sya noh. Hindi hindi ko sya sasagutin itaga nyo yan sa puno ng saging. Este buwan. Puno ng saging tuloy.

Rupok lang andeng?

Hindi porket gwapo yan ay bibigay ka na oy! Dahil sa iniisip ko ay napatitig ako sa mukha. Tutok na tutok sya sa pagmamaneho. Nakakunot pa ang kilay nya na parang bang nagsasagot sya ng isang pagsusulit. Oo! Ganon sya kaseryoso. Ang tanong sa babae kaya ay seryoso din sya?

Nako andeng!

Malabo yung iniisip mo. Ang ganyang mga mukha ay parang hindi nagseseryoso. Dahil pag alam nilang gwapo sila gagawin nilang panama yon sa mga babae para mapasagot nila. Pero ang gwapo nya talaga hayssss!

"Miss! Saan kako bahay nyo?"

"Ay gwapo!" Shit! Sablay ka nanaman andeng. Bakit mo sinabi na gwapo sya? Baka isipin nyang pinagpapatasyahan mo sya.

Dahil sa narinig ay biglang nanlaki ang mga mata ngunit bigla rin iyon naglaho dahil sumilay naman ang ngisi sa mukha nya.

"Gwapo pala ah? Tsk tsk tsk!" Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mukha. Umiling iling pa sya sakin habang sinabi ang tsk.

"Ulol! Ang gwapo ka ganyan? Baka gago!" Hiyaw na sabi ko at umiwas ng tingin.

"Hey! Don't say bad words please. Alam ko naman kasing gwapo ako, no need to say it okay? HAHAHAHA" sinakop ng tawa nya ang buong sasakyan.

Maubusan sana ng hininga ang bakulaw.

"CKA SUBDIVISION" nakita kong nagulat pa sya sa sinabi ko kaya inirapan ko nalang sya at tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Ayokong makita sya. nakakainis! Feeling sya masyado. Bakit ba naman kasi sumablay tong bunganga ko? Gosh! Kakahiya talaga.

Too late to say I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon