CHAPTER 2

221 145 6
                                    

Chapter 2

POV OF ANDREA


Pagkagising ko ay agad kong tinignan ang orasan sa taas ng aking pintuan. Pinasadya ko talagang ilagay yon sa taas ng aking pintuan para makita ko kaagad kung anong oras na pagkagising ko. 6:39 na pala ng gabi. Kaya dapat maligo na ako. Pero tinext ko muna si yvonne kung tuloy ba kami.

From: sissy

Yes sis. Otw na me sa house nyo.

Pagkabasa ko sa reply nya agad agad akong naligo. Knowing yvonne magagalit nanaman yun saakin at sasabihin ang kupad kupad kong kumilos.

Hindi na ako nagtagal sa banyo. Nag sabon at shampoo lang ako at banlaw na agad. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na inaabot ng ilang oras sa banyo pagnaliligo. Para saakin ay ganon din naman iyon. Mag shashampoo lang din naman sila at sabon tas yari na. Pero ang iba ay may nilalagay pang kung ano ano at hindi ko alam ang mga iyon. Kaarrtehan lang ang mga iyon para saakin.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako sa banyo ng nakatapis lang ng twalya upang kumuha sa kabinet ko ng masusuot na damit. At dahil bar naman iyon at hindi ako mahilig mag dress kaya ang napili kong isuot ay isang fitted cropped top shirt at high weights short shorts tas 1 inch black stiletto para sa paa. Siguro naman ay babagay na to sa lugar na pupuntahan namin.

Btw, kaya nga pala ako may mga damit na ganoon ay dahil dati ay mahilig akong mag ayos sa sarili ko. Dati ay girly at uso ako manamit kaya kahit ngayon ay hindi na ako ganoon mag suot ng damit ay binibilan pa rin ako ni mommy mg ganon para pag naisipan komg mag suot ng uso ay meron pa rin akong pagpipiliin na damit.

Nagbago lang naman kasi ang mga hilig ko at mga gusto ko simula nung mag break kami ng ex ko. Simula non ay ayoko na mag suot ng mga pasexy at girly dahil ayokong may magkagusto sakin dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin ako na kami pa rin hanggang dulo kahit malabo na mangyari yon.

Naputol ang pagdradrama ko este yung pagiisip ko sa narinig kong busina. Si yvonne na yon for sure. Sya lang naman inaasahan kong pupunta sa bahay eh. Baka di na bumaba ang bruha sa kotse dahil tinamad.

*beep beep*

Dali dali na akong bumaba sa bahay namin. Agad ko naman nakita si mommy sa sala na nonood ng drama. Mahilig talaga manood si mommy ng drama. Minsan nga magugulat kami ni kuya dahil bigla nalang humihiyaw at parang may kaaway tas pag tinignan namin tv lang pala yung kausap. As if naman maririmig sya ng tv diba? Parang baliw lang. Dalang dala talaga sya sa mga pinapanood. Minsa naman ay bigla nyang gagayahin yung mga linya sa teleserye na napanood nya pag nag uusap kami.

"Myyy aalis po kami ni yvonne" lumapit ako kay mommy at bumeso.

"Ohh? Sasama ka?" Nagulat pa si mommy sa narinig nya. Diba nga kasi sabi ko naman sainyo na nagbago na ako. Kaya marahil nag tataka si mommy saakin.

"Alam mo naman si yvonne my. Napakapilit, ayoko nga sana eh." Napakamot pa ako sa ulo ko ng sabihin ko kaya mommy yon kaya natawa naman sya saakin.

"Sige na. Magingat ka ah? Umuwi kaagad" bumeso na sakin si mommy kaya lumakad na ako palabas ng bahay. Wala pa si kuya baka asa trabaho pa yon. 8 na kasi ng gabi umuuwi yon eh.

Palabas ko sa gate ay nakita ko na agad ang BMW na kotse. Paniguradong doon nakasakay si yvonne dahil natanaw ko naagad yung nakabusangot nyang mukha. Magagalit na to sakin pustahan. Ayaw pa naman nito ng naghihintay lalo na pag excited sya sa pupuntahan.

"Why so tagal ba ha? And look at your face bakit di ka man lang nag ayos?" Sabi ko na nga ba mapapansin nya na di ako mag ayos ng mukha eh. Nakita kong may kinakalkal sya sa bag nya. Hula ko ay mamake up ako nito. Lagi naman yan ganyan. Gusto nya ay nakaayos ako lagi lalo na pag sa ganito kami pupunta or pag may mga party.

Too late to say I LOVE YOUWhere stories live. Discover now