CHAPTER 1

950 185 26
                                    

Chandria's POV

Ang saya ng buhay lalo na kung laging najan ang pamilya mo na nakaantabay para sayo. Yung tipong kahit na madapa ka anjan sila para tulungan kang bumangon

May mabait akong  nanay na kahit kailan hindi pa ko nasermonan. Lagi lang akong inaalagaan at tinutulungan lalo na pag dating sa school

At anjan naman si papa na napaka bait. Sya ang super hero ko, lagi syang nanjan pag may umaaway sakin. Lagi nya kong pinagtatanggol sa mga nang aasar sakin

At syempre di kumpleto ang masayang pamilya kung walang mga sweet at mapagmahal na kuya. Prinsesa ang turing nila sakin dahil ako lang ang nagiisang babae saming magkakapatid. Hatid sundo din nila ako sa school kahit na kaya ko naman nang pumasok magisa

At higit sa lahat dapat ko ng tigilan ang imahinasyon ko. Back to reality na tayo kasi yang perfect family sa fairy tales lang yan nangyayari kasi sa totoong buhay walang ganyan.

"chan channnnnn bumangon ka naaaa" sigaw ni kuya chen mula sa pinto

"oo na babangon na" irita akong tumayo sa kama. Ang aga aga kasi nakasigaw itong si kuya

"bilisan mo baka malate pa kami sa trabaho" patuloy parin sya sa pag katok sa pinto ko. Yung totoo may balak ba syang sirain ang pinto ko

"ano ba sabi ng gising na ako eh" binuksan ko ang pinto

"hehe naninigurado lang" bumaba na sya at dun naman sa salas nag ingay.

O diba sabi sa inyo sa fairy tales lang nangyayari yung ganung pamilya

Naligo na muna ako at nag toothbrush bago bumaba para kumain ng agahan.

"good morning" walang gana kong bati sa kanila

"o bat ang tamlay mo naman chan chan" sino naman ang gaganahan eh ang aga aga may bwisit na sumisigaw sa kwarto mo

"tanungin nyo si kuya chen" umupo na ko sa upuan ko at nag sandok ng sinangag

"chen ano nanaman ang ginawa mo?" tanong ni kuya chard kay kuya chen

"ginising ko sya hehe" binatukan naman sya ni kuya cee

Di ko na sila pinansin at nag focus nalang sa pagkain. Araw araw naman silang ganyan ka ingay, ang hirap talaga pag puro lalaki ang kasama mo sa bahay bukod sa ubod ng ingay napaka lakas pang kumain

"chan chan hatid ka na namin sa trabaho mo" kuya chard

"no need kaya ko na" hay nako eeksena lang sila

"we insist baka mamaya may mangyari pa sayo" hayy nako kahit kailan talaga di na nagbago itong mga kuya ko feeling ata nila forever akong 5 years old na kailangan ihatid sundo

"kuya 25 na ako hindi 5 years old. Kaya ko na ang sarili ko tsaka diba may mga trabaho pa kayo"

"kahit na. Mahirap paring bumyahe mag isa" ano pa nga bang magagawa ko.

By the way ako nga pala si Chandria montemayor aka chan chan. Nagiisa akong babae saming magkakapatid at may tatlo akong kuya

Si kuya chard ang panganay then sumunod sila kuya chen at kuya cee kambal sila pero lagi silang nagtatalo kung sino ang mas matanda sa kanila

"nay mauuna na po kami" isa isa kaming humalik si pisngi ni nanay

"bunso hanggang kailan ka ba magtitiis jan sa trabaho mo?" kuya cee

"kung gusto mo dun ka nalang lumipat sa company namin para mabantayan ka namin" kuya chen

"hay nako tigilan nyo nga ako tsaka ano naman ang problema sa trabaho ko" wala namang masama sa trabaho ko.

"wala kaming tutol sa trabaho mo ang sa amin lang ay wala kaming tiwala sa boss mo" yan nanaman sila, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko type yung boss ko

"kuya..." hindi man lang ako patapusin sa pagsasalita

"still wala parin kaming tiwala sa kanya. Siguraduhin mo lang talaga na maayos ang trato nya sayo kung hindi uupakan talaga namin yan" kuya cee

"tigilan nyo nga ko. O sya sige na salamat sa paghatid" bumaba na ko sa kotse

"bunso tandaan mo ang bilin namin sayo"
Pahabol pa ni kuya chen

"oo na" ang kukulit talaga ng mga to

----
Busy ako sa pag aayos ng mga naiwan kong papeles kahapon. Maaga kasi akong umuwi kaya ayan tambak ang mga gawain ko

Napaka rami ko pang aasikasuhin na contrata. Tambak din yung mga request mula sa ibang company.

"what's my schedule this morning" lumapit ako kay sir yohan dala dala ang i pad

"may meeting po kayo with mr. Kim mamayang ten, at may lunch meeting naman kayo with ms. Agoncillo. Clear po ang sched nyo mamayang hapon"

"how about the renewal contract ng princess 3?"

"nakapag renew na po sila kahapon"

"ready na ba ang song ng mga red roses?"

"yes sir. Na clear na po at ready narin pati ang choreography nila"

"kelan ang launching ng new song ni aira?"

"by next month po ma i lo launch na ang new song ni ms. Aira"

"yung audition po mamayang hapon i cacancell ko po ba?" habol ko

"no. Just make sure na makakadalo si ms. Andrea" tumango ako

"anything sir?" umiling sya kaya bumalik na ko ulit sa mesa ko para ipadala yung email para sa gaganaping audition mamaya

Isang entertainment company ang pinagtatrabahuhan ko. Kami ang humahawak ng sikat na grupo sa pinas maging yung mga artist ay hawak din namin.

" ah sir tumawag po si angelo pupunta daw po sya dito mamayang hapon" pumasok ulit ako sa office ni sir para ipaalam yung tawag na natanggap ko

"sabihin mo busy ako" hayy nako di nya parin napapatawad ang kapatid nya

"importante daw po" hirap talaga maging messenger ng mga walang puso kong boss

"tell him na mas importante ang trabaho ko" bat ba kasi di nalang sya ang mag sabi

"mas mahalaga daw po ang sasabihin nya" okay naiipit nanaman ako sa gulo nilang magkapatid

"ms. Chandria sino ba ang boss mo ako o si angelo?" malamang sya

"kayo po sir"

"alam mo na kung anong gawin mo" ikinumpas nya pa yung kamay nya palabas ng pinto, it means lumabas na ako

"okay sir"

Padabog kong binagsak yung dala kong scheduler. Aargghh nakakainis talaga yung yohan na yun kala mo kung sinong boss kung di lang talaga mahalaga sakin tong trabaho ko matagal na kong umalis sa company na to.

Napaka bossy lagi nalang galit, daig nya pa yung babaeng may period. Arrgghhh may araw ka rin sakin yohan madrid

Office Romance Where stories live. Discover now