CHAPTER 5

284 153 3
                                    

Chandria's POV

Ring ring ring

"Hello" sinagot ko ang cellphone ko habang sinusuot ang sneakers ko

"Hoy nasan ka?" Wow ha wala man lang hello

"Boracay" maikling sagot ko kay chin

Chin is my buddy. Si chin ang madalas kong partner sa school nung college pa ako at madalas ko rin syang kasama sa pag shopping at pamamasyal.

"ANOOOOO?" nilayo ko yung phone sa tenga ko. Ang lakas talaga ng boses nito grabe feeling ko masisira ang eardrum ko sa kanya

" Hoy wag ka ngang sumigaw. bakit ka ba tumawag?" Harsh ba ang dating? Ganyan talaga kami mag usap walang sweetness o lambing

" Diba buddy tayo bakit hindi mo ako sinama?" Nagtatampong sabi nya. Tss parang bata

" Nakalimutan ko"

" Alam mo nakakainis ka na, pag ako ang umaalis lagi kitang sinasama tapos kakalimutan mo lang na...." Arrghhh ang sakit nya sa tenga

" Tigilan mo nga ako kung gusto mong sumunod edi sumunod ka. Itetext ko sayo ang name ng hotel" binaba ko yung phone saka tinext sa kanya ang name and number ng hotel.

Ring ring ring

" Ano ba" iritableng sagot ko kay chin

" Wow grabe galit agad. Buksan mo ang pinto " sabi na nga ba eh.

Sa tuwing tatawag si chin kung nasan ako alam kong malapit lang sya never nag pahuli yan lalo na sa gantong bakasyon.

" Dito nalang ako mananatili sa room mo ayaw kong kumuha ng iba masyadong magastos" kuripot 101

Mas mayaman sakin si chin pero mas kuripot sya. Ayaw nyang gumagastos para sa mga walang kwentang bagay. ewan ko ba dito ang dami nyang pera pero ayaw nyang gumastos.

" Ano pa nga bang magagawa ko"

" The best ka talaga buddy"

Kinuha ko yung bag ko at saka tumayo

" Tara" aya ko sa kanya.

Bago pa sya tumawag balak ko na talagang lumabas para kumain

" San tayo pupunta?" Nilagay nya muna yung bag nya sa tabi bago sumunod sakin palabas ng room

" Kakain ako"

Ngayon lang ako nakapag libot dito sa Boracay. Kahapon kasi sa beach lang ako pumunta kaya hindi pa ako nakakalibot sa mg resto dito.

" San tayo kakain?" Minsan nakakainis kasama tong si chin ang ingay masyado kala mo nakalunok ng megaphone

" Ewan..... Ouch" napahawak ako sa pwet ko.

May bastos kasing di tumitingin sa dinadaanan kaya nabangga nya ako. bwisit ang sakit ng pwet ko feeling ko na torture ang pwet ko.

Inis kong tinignan yung bastos na bumangga sakin

" Bulag ka ba o tanga? " Inis na tanong ko sa lalaking nakabunggo sakin. Sayang gwapo pa naman sya kaso tanga

" Sorry" sorry? Sa tingin nya madadaan ako sa sorry nya

" Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo para di ka nakakaperwisyo ng iba" buti nalang talaga at nag pants ako at di nagasgasan ang legs ko

" Nag sorry na nga ako eh ano pa bang gusto mo. Ah gusto mo bang lumuhod ako saka mag makaawa" wow grabe hindi ako makapaniwala sya na nga ang nakabunggo tapos sya pa ang may ganang magalit sakin

Office Romance Where stories live. Discover now