CHAPTER 6

285 143 2
                                    

Chandria's POV

Arrghhh bwisit na lalaking yun hanggang ngayon hindi parin naalis ang inis na nararamdaman ko.

" Hoy buds kawawa naman ang steak nagmukha na syang ground beef" napatingin naman ako sa steak na kinakain ko. Bwisit kasing lalaking yun eh

" Ay nga pala maiba tayo san kaba mag wowork?"

" I don't know?" Wala pa talaga akong ideya kung saan ako mag tatrabaho after ng bakasyon ko

" Bakit naman hindi mo pa alam? Ah ganto gusto mo bang mag apply sa company ng pinsan ko?"

" Pinsan? Sinong pinsan?" Matagal na kaming magkakilala pero never nya pang pinakilala sakin ang pinsan nya

" Hmmmm rare Madrid ang pangalan nya actually hindi ko pa sya nakikilala nito lang kasi nabanggit ni dad na may pinsan pala ako sa side nya. Next month ako magsisimula sa company nya ang alam ko sya ang CEO ng company" tss tinanong ko lang kung sino sya ang dami nya nang sinabi

" Ano posisyon mo?"

" Vice president" wow taray vice president agad

" Eh ako ano naman ang pwede kong posisyon?"

" Secretary. Sa pagkakaalam ko naghahanap si rare ng secretary mamaya sasabihin ko kay dad na ipasa ang resume mo kay rare" Sus maasahan talaga ang buddy ko. Sa wakas hindi na ako mahihirapang mag send ng resume

" Hmmm okay thanks the best ka talaga buds"

Tinapos lang namin ang pag kain at paglilibot libot bago bumalik sa kwarto. Kailangan ko pang ayusin ang resume ko para ma send ko kay tito

Yohan's POV

"Hello sir"

" Anong kailangan mo"

" Yung about po sa mga requirements ng mga nag aaply n secretary mo na send ko na po. Paki check nalang po sa email nyo " pumunta ako dito sa Boracay para makapag pahinga sa trabaho pero wala silang ginawa kundi ang tawagan ako at istorbohin sa mga walang kwentang bagay

" I'll check it later. " Binaba ko yung tawag. Wala akong paki kung sino ang maging secretary ko as much as hindi sya bobo ayos lang sakin. Hindi rin ako bumabase sa itsura wala akong paki kung kamukha nya pa ang pinaka pangit na nilalang sa mundo. Mas gusto ko pa nga yun para less issue

" Pre pansin ko lang diba si ms. Cool yung babae sa camera mo?" Tsismoso talaga to si will

" Yes" di na ako nag Abalang tignan sya alam ko namang nakangiti sya at naglalaro ang kung ano anong walang kwentang bagay sa utak nya

" I like her for you bat di mo ligawan" tss nung una aaminin kong gusto ko sya pero ngayon no way mas gugustuhin ko pang tumandang binata

" Shut up. Di sya ang tipo ko"

Kinuha ko yung loptop ko at binuksan ang email sakin ni julius.

" Pre ikaw na nga humanap ng magiging secretary ko" inabot ko sa kanya yung loptop ko

" Bakit ako?"

" Tinatamad ako eh. Maliligo lang muna ako, hoy ayusin mo yan ha kundi patay ka sakin" kinuha ko yung towel ko saka dumeretso sa banyo para maligo

After one hour natapos na akong maligo and ready na akong pumunta sa bar

" Ano pre tapos ka na?" Baling ko kay Wil

" Oo. Sige na mauna ka na sa baba maliligo lang muna ako"

Di ko na tinanong kung sino ang napili nya wala naman akong pakielam sa mga secretary ko.

" Ge una na ako. "

~~~

"Pre kelan ka ba babalik sa trabaho?" Wil

" Next month why?"

" Hahahhaha wala lang siguradong matutuwa ka sa pinili kong secretary mo" sa ngiti palang ni Wil alam mong hindi na maganda ang ginawa nya

" Bakit pre sexy ba ang pinili mo kasing sexy ba nung girl na yun" turo na dun sa girl na nasa dance floor

" Mas sexy, hot at cool pa dyan sa tinuro mo. Trust me matutuwa ka talaga kaya kung ako sayo babalik ka na agad sa trabaho mo" parang nakakatakot tong ngiti ni will

" Siguraduhin mo lang dahil pag ako hindi natuwa Jan sisiguraduhin kong mawawalan ka ng pwesto sa company ko" sabay lagok sa alak na hawak ko

" Baka ipromote mo pa ako hahahahhaah" tss baliw na to

" Sige next week babalik ako sa trabaho pag Uwe natin ko Manila" balak ko pa namang mag leave for two months

" Anong name nya?" Curious na tanong ko

" Wag mo nang alamin para May thrill" sino nga kaya yung babae na tinutukoy nya? At bakit naman ako matutuwa? Hindi ko maalala na natuwa ako sa mga secretary ko

"Tss May pa thrill thrill ka pang nalalaman "

" Hahahhahahah na curious ka no? Don't worry sexytary ang kinuha ko kaya matutuwa ka" epal talaga to

"Baliw"

Tinapos lang namin ang boteng iniinom saka bumalik sa hotel. Last day na namin ngayon at kailangan na nilang bumalik Sa manila

2 days lang kami dito sa Boracay dahil kailangan na nilang bumalik.
Si Tristan kailangan ng bumalik sa hospital
Si evoir marami daw syang aasikasuhin sa company nila kaya kailangan na nyang bumalik
Si Cris at Wil may trabaho pang kailangan tapusin
At ako syempre tuloy ako sa Canada 3days akong mananatili doon

~~~
"Pre sure ka bang hindi ka muna dadaan sa company?" Pang anim na tanong na yan ni will. Bakit ba kanina nya pa ako pinipilit na dumaan muna sa company eh wala naman akong gagawin doon

" Hindi nga bakit ba paulit ulit ka?"

" Eh mag rereport daw kasi yung new secretary mo bago sya pumunta sa Canada" Canada? So parehas pala kaming pupunta sa Canada

" I video call nya nalang kamo ako "

" Hmmm okay sige sasabihan ko si tito na ipaalam yun sa kaibigan ng pinsan mo"

" What do you mean?"

" Naaalala mo si tito Raven yung kapatid ng papa mo diba sabi nya sa company mo magtatrabaho yung pinsan mo"

Ah si chenna, ayoko sana syang tanggapin kaso nakakahiya kay tito baka kasi kung ano ang sabihin nya. Never ko pang nakita si chenna dahil di ko alam na may pinsan pala ako kailan ko lang nalaman nung pumunta si tito Raven sa reunion

" Hmmm oo. Nga pala ano namang connect nun sa bago kong secretary?"

" Si tito Raven kasi ang nag pasya ng resume nung kaibigan ni chenna" so tinanggap nya yung new secretary ko kasi si tito ang nag request. Abnormal talaga tong lalaking to

" O sya aalis na ako sabihin mo dun sa new secretary ko i video call nya nalang ako para makilala ko sya. Bye"

Mauuna akong aalis sa kanila dahil maaga ang flight ko patungong Canada.

hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip ko yung babae na yun. Aaminin ko medyo na amaze ako sa kanya dahil iba sya sa lahat ng girl na nakilala ko. Pero hindi ko kakalimutan ang ginawa nya sakin kahapon, pag balik ko ng Manila sisiguraduhin kong mag babayad sya ipapahanap ko sya kahit na sang lupalop pa ng Pilipinas sya nakatira.

~~~~~~~~~~
DON'T FORGET TO VOTE & COMMENT

red_vera

Happy 100 reads mga veras
Thankieeee lovelots mwuaaa

Office Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon