CHAPTER 4

310 158 5
                                    

Chandria pov

Second day ko na ngayon sa Boracay at balak kong maglakad lakad muna sa beach. Nagsuot ako ng two piece in case na magustuhan kong lumangoy pinatungan ko naman ito ng white summer dress

Inayos ko muna yung mga gamit ko bago ako bumaba. It will be the most exciting day for me. Balak ko rin kasing pumunta sa bar mamaya. It's actually my first time. Never pa akong nakapunta sa bar dahil masyadong strict si dad sakin noon

Habang naglalakad vinivideohan ko yung mga tao maging yung mga stall at konting chika sa mga viewers ko.

Nung unang beses ako nag vlog nahihiya talaga akong mag salita sa harap ng camera lalo na pag nasa labas ako nag ba vlog.

Pag labas ko sa hotel pumunta muna ako sa side na maraming stall malapit ito sa beach. Tumingin tingin ako ng mga souvenirs na pwede kong bilhin

"Ah ate magkano po itong puppy bear na ito" tanong ko kay ateng tindera. Sa lahat ng bears dito yung puppy lang ang nakaagaw ng pansin ko.

Kulay brown ito na may mahabang tenga. Maliit lang din sya parang normal size ng bear. Meron din syang hawak na heart sa dalawang kamay nya. tapos may nakasulat na " we're meant to be" o diba ang cute

"480 lang yan miss ganda" ayyyy grabe naman si ate maka miss ganda wagas

"Pabili po ako. Ate pwede ko po bang balikan nalang yan. Maglalakad lakad po muna ako sa beach"

" Sige. Basta para sayo miss ganda" nakakaloka naman to si ate

Hayyyy ang ganda talaga dito sa Boracay.

Nakangiti ako habang naglalakad lakad dito sa buhangin. Nag yapak lang rin ako. Gusto ko kasing maramdaman yung buhangin sa paa ko. Sana pwede ko ring dalhin dito sila mama, papa, at kuya. Kaso impossible yun mula bata palang kami sa mga park at amusements lang kami dinadala nila dad.

habang naglalakad ako may napansin akong lalaking may hawak na camera . Nung napatingin ako sa kanya bigla nyang iniwas yung camera.

"Hmmm. Baka gusto nyang kumuha ng litrato" sambit ko sa sarili ko at binalewala nalang yung lalaki. Di naman siguro nya ako kukunan ng litrato in purpose

Because first of all I'm not beautiful, I'm not sexy, and I'm not also attractive kaya bakit nya ako kukunan diba?.

Baka isa sya sa mga fan ko. Wow yabang mo teh

Nagtagal muna ako ng one hour sa pag tour sa sarili ko bago ko napag pasyahang bumalik na sa hotel para makapag palit at makakain narin at the same time. Dinaanan ko muna yung puppy bear na binili ko.

"Hmmmm saan kaya masarap kumain?" Tanong ko sa sarili ko. Nakakatamad naman kasing kumain sa labas lalo pa't mag isa lang ako. Siguro oorder nalang ako then ipapa deliver ko dito

Nag order ako ng lasagna, fried chicken, sinigang na hipon, chopsuey, at one cup rice. Ice cream and fruit salad naman ang in order ko para sa desert.

After two hours dumating na din yung order

"Hoooo nagugutom na ako"

Ni ready ko na yung pagkain ko sa mesa then kinuha ko din si puppy bear at nilagay sya sa upuan na nasa harap ko. Para kahit papaano hindi ako mag isa kumain. I know it's crazy but I don't have choice, I will just lose my appetite if I didn't put puppy infront of me.

~~~~~
Bandang six pm nag punta ako sa isa sa mga bar dito sa Boracay medyo malayo layo sya sa hotel kung saan ako Naka inn. Ang daming tao at sobrang lakas ng tugtog.

Meron ding couple na naghahalikan at halos hubaran na nila ang isa't isa. Gusto ko sanang sabihin na 'go get a room' kaso baka magalit sakin kaya binalewala ko na lang

Office Romance Where stories live. Discover now