CHAPTER 3

335 169 5
                                    

Chandria's POV

"chandria wala ka bang balak na umuwi?" inilayo ko yung phone sa tenga ko

Maka sigaw tong si kuya cee, nako yung tenga ko parang sasabog na ata

"pauwi na nga ako" natagalan lang naman kami kasi kumain pa kami

"nasan ka na ba? Susunduin ka nalang namin" napairap nalang ako sa hangin

"nasa kotse na ko pauwi na kaya wag na kayobg mag abala" di naman na ko bata para paghigpitan nila sa pag uwe

"kaninong kotse yan? Kasama mo parin ba yang ungas mong boss" napatingin sakin si sir yohan

Bunganga talaga nito di mapigilan nakakahiya tuloy kay sir yohan

"oo. Sige na ibaba ko na" nakakainis ang awkward tuloy dito sa loob ng kotse

Di ako makatingin kay yohan pano ba naman nahihiya ako, si kuya kasi sinabi pa yun pwede namang itanong ng maayos without telling na ungas yung boss ko

"so in bad terms pala ako sa mga kuya mo" parang ganun na nga

"sorry sir di na po mauulit" masusuntok ko talaga si kuya cee pag uwi ko

"did i do something wrong para magalit sila sakin?" di ko din alam kung bat sila galit, as far as i remember wala naman silang nakitang may ginawang masama sakin si yohan peri ewan ko ba kung bat galit na galit sila sa boss ko

"no sir. Ganun lang po talaga ang mga kuya ko sorry po talaga"

"sa tingin mo ba dapat ko silang i meet para naman maiba yung tingin nila sakin" ano? At bat nya naman i memeet sila kuya, gusto nya ba ng world war 3

"ako na po ang humihingi ng pasensya sa itinawag sayo ng kuya ko"

"hindi mo pa sinasagot yung tanong ko?" eh? Ano bang tinanong nya?

May itinanong ba sya? Wala akong maalala

"po?" nako patong patong na ang kasalanan ko

"I'm asking you kung dapat ko bang i meet yung mga kuya mo" ah yun lang pala, ano i meet sila? No no no hindi pwede

"nako wag na po sir" nag park si yohan malapit sa bahay

Thank god nandito na kami, makakaalis na din sa kotse nya feeling ko na totorture ako habang tumatagal ako sa kotse nya

"sige po sir mauuna na po ako, thanks po pala dito sa sapatos and sorry po about sa kanina" nag bow ako then lumabas na ng kotse

Hindi ko na sya tinignan muli at nagdire diretso nalang hanggang sa makapasok ako ng bahay

"ay palaka" ano ba tong mga to nakakagulat naman

Sino ba namang di magugulat sa kanila eh para silang mga bouncer na nagaabang sa may pinto idagdag mo pa yung mga seryoso nilang mukha

"chan chan wala ka bang relo?" eto nanaman sila sermon nanaman

"pagod na ko bukas nyo na ko sermunan" binigay ko kay kuya chen yung paper bag na hawak ko saka pumasok sa loob

Ahhh nakaka pagod talaga, sana lang wala akong ganong gawin bukas

"hoy chan chan di pa kami tapos" bahala kayo jan

~~~~~~

Office Romance Where stories live. Discover now