FGTL O1: Kindness and Judgement

23 1 0
                                    

"Ersha? Ersha Yalle?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nangunot ang noo ko kasi pinipilit kong kilalanin ang lalaki na tumawag ng buo kong pangalan. He sounds so familiar.

"Ikaw nga! Anyway, it's Fhim. The guy... Vinelle?"

Iminuwestra nito ang kanang kamay sa harap ko. Para matulungan akong makaalala. Pero sino ba naman ang hindi? I mean, he's a goddamn looker. Sinita ko ang sarili. Mali yata ang nasabi ko.

"Ah! Fhim! Like, the boyfriend!" Nangunot  ang noo ko sa sinabi ko. The boyfriend?  Are you serious? "Kumusta? Nandito ka rin pala?" Obviously.

Namulsa ito hawak ang hindi ko mawaring pinamili niya na nakabalot sa isang kamay pa.

Napansin niya siguro ang pagsipat ko sa dala niya. "Ah, yup. Actually, pauwi na ako. Ikaw? Do you need a hand there?" Nakita niya ang hawak kong papel. Listahan ng mga bibilhin ko. It was a long list kaya medyo nahirapan akong hanapin sa kung saan. Like, it's a freaking Walter Mart. Maliligaw ka sa mga shelves nitong matataas at hindi makita ang mga signage ng mga products.

"Ha? Naku, hindi na. I can manage. But thank you for offering." Napaisip ako bigla. Sa sinabi ko. Para kasing may mali.

"Did I?"

Napatanga ako. Sa harap niya. Nagbibiro ba siya o ano? Pero he asked if I need a hand in here. Tapos magtatanong siya kung nag-offer ba siya.

Tumawa siya ng malakas. Pinagtawanan ako. I bit my lip. He's making fun of me.

"Hey, I'm sorry. I was just... kidding." Nakangiti ito sa akin ngayon. Nakakainis ang pantay-pantay nitong ngipin. Ang puti-puti pa. Tapos pinagtatawanan pa ako. Ano kaya ang nagustuhan ni Vinelle dito? I don't think you won't know, Ersh. Look at him. Look.at.him. Nagroll ako ng mata ko sa naisip. Hindi sa kaniya.

"Really, I would like to help with that errand. Please?"

Nangunot ang noo ko. "Bakit? I mean, I said I don't need your help. Why insist?" Kumuha na ako ng cart. Sumunod siya. Makulit.

He threw a breathe. Mabango. Nakakainis.

"I don't think you would question my kindness. Do you always question kindness?"

Kindness, huh!  "There are many kinds of kindness. Specially those kindness expecting to be reciprocated." I raised my brow at him at nag-krus ng braso sa dibdib.

Nag-isip ito. Matagal at parang binabasa ang nasa isip ko. May something sa ngiti. Something like, an inch of interest?

"What is the kindness with purity? What kind of kindness is that?" He's challenging me. He want me to render his offer. Ang kulit!

"E, di pure kindness! Tara na nga! Tutulong ka lang naman nakikipagsukatan ka pa ng talino diyan!"

Nauna akong naglakad pa. Nakakahiya naman kung tutulong na lang siya, ako pa itong susunod sa kaniya.

"Ano bang una diyan sa listahan mo?" Natatawa na habol niya mula sa likod ko.

Binasa ko ang nasa listahan ni mama. Mga groceries iyon. Parang pang-isang buwan yata ang mga iyon. Medyo mahihirapan nga ako kung walang help na dumating ngayon. Hindi naman ako ang namimili talaga ng mga 'to. Kaso si mama ay may inaasikaso sa negosyo namin ngayong weekends kaya ako ang inutusan.

"Groceries. Sure ka ba talaga rito? Alam mo kasi baka hanapin ka ng mama mo dito at paluin ka ng sinturon."

Hidni siya kumibo sa joke ko. Ngiti lang siya.

"I believe that a person in heaven cannot do that."

Nanganga ako. Kapagdaka ay napakagat-labi. Tiningnan ko siya. Parang wala lang siya. Siguro tanggap na niya.

Forbidden Girls To Love: BluffedWhere stories live. Discover now