FGTL 03: Loser But Damn Stares!

17 1 0
                                    

"You were saved by Mr. del Fredo yesterday, Miss Guiano. Congratulations."

Boses pa lang alam ko na kung sino 'to. Hindi ko lang siya pinansin. Alam ko kasing may pagkagaga ang isang 'to, eh. Adik at parang naaagawan ng gwapo.

"Hmmm, I know what courage is that. Inspirational courage." Nagtawanan ang mga ito. Sila ang Riley and Friends. Mga classmates namin sila nina Daphni.

"I don't know what's so funny about that but your humor bores me, Rile. Come on, make me laugh sometimes." Hindi ko lang kasi talaga alam kung sa papaano at bakit sila nagtatawanan sa hindi naman katawa-tawa? Are they crazy or what?

Nanlaki ang mata ni Riley at parang napahiya sa mga friends niya na natigil sa pagtawa. Lima silang lahat sa harap ko. Nauuna lang ng kaunti si Riley kasi leader ito ng pagiging bruha niya.

"Really...  your guts rises up. Ano? Akala mo may pag-asa ka kay Fhim? Wake up, girl! You're dreaming!" Muli na naman silang nagtawanan. Parang inuuto lang yata ni Riley itong mga alalay niya.

Wala akong kakampi ngayon. Nandoon ang mga kaibigan ko sa Faculty Room. Pinapasa nila iyong activity namin na hindi natapos kaagad sa subject time. Kaya I had to refrain from my anger. I have to restrain my fist on touching Riley's face. Matatalo lang ako kapag nagpadala lang ako sa galit.

At isa pa... nagbuntong hininga ako... the statement is roughly true. I have to wake up. Fhim is off limits. At kaibigan ko na halos ang girlfriend niya. I shouldn't forget that...

But unfortunately, I kind of forgetting... and it's alarming.

"Tameme ka? Anyway, we have to go..." bumaling sa mga kaibigan niya. "Let's not spoil our time with the highest dreamer on winning Fhim over Vinelle. LOSER!" Napalunok ako nang makaalis na sila. Nakalimutan ko, mag-isa lang pala ako sa room nang dumating ang mga ugok. Kaya walang may sumaway sa kanilang ginawa.

Ngayon, mangiyak-ngiyak ako. Pero bakit?

###

Lunch na... nandito kami sa cafeteria ulit ng mga kaibigan ko. May hinihintay ulit... may vacant seats ulit... kinakabahan ulit ako kapag makita ko ulit siya. Nakakapagod kapag nandiyan siya. Nakapanghihina...

"Kain na tayo. Nagugutom na ako, eh." Naghimas ako ng tiyan pagkasabi ko noon.

"Gutumin naman iyang mga alaga mo sa tiyan. Eleven pa lang, oh. Maaga tayong nadismiss ngayon ni sir."

Nagbuntong-hininga ako. Gusto ko sanang umalis na lang kapag tapos na kaming kumain. Pero napansin nila ang pagkabalisa ko. Ilang linggo na rin kasi akong ganito sa kanila, eh. Pati na rin sa sarili ko.

All because of Fhim... na papalapit na dito sa amin. Walang pang Vinelle.

Tinitigan ko siya... tumitig rin ito... nang matagal habang papalapit. Para itong naka-slow motion na sumasayaw rin ang mga kamay kasunod ng malalaking hakbang.

Walang ngiti... pero hindi naman gaanong seryoso.

"Fhim? Nasa'n si Vinelle?" Kunot-noo na tanong ni Daph.

"She didn't tell you?" Umupo ito at bumaling kay Dahphi na katabi ko.

Mas lalong nangunot ang noo ni Daph. "Why? What happened? Is there anything to tell us about?" Nabahala si Daph at pati na rin kami. Bakit kasi ang tagal magbigay ng info ang taong 'to?

"She went to California with her parents. I thought you knew about this 'cause you know...  you are her closest," nagtap ito ng kuko sa table. Problemado... at mukhang masasapak na siya ni Daph sa pabitin-bitin na mga info. Lahat kami ay naghihintay ng matinong impormasyon. Lahat kami ay nag-aabang.

Forbidden Girls To Love: BluffedWhere stories live. Discover now