FGTL 02: Coughs and Warm-ups

22 1 0
                                    

"May gusto ka bang sabihin, Ersh?"

Napansin yata ni Jhinx ang pagkabalisa ko kanina pa sa klase. At siguro dahil sa panay ang tingin ko sa kanila na parang may sasabihin. Dapat pigilan ko na ang ganito. I need to be calm. Wala naman kasi akong ginawang masama. Ako lang talaga ang nag-iiisip ng kung ano-ano.

"Kasi... I had a struggle buying a lot groceries noong weekends, eh... bukod doon, wala naman na." At the end, pinili ko nang hindi sabihin. Baka naman kasi isipin nila na nakikilig ako sa pagtulong sa akin ni Fhim. Na may kahulugan sa akin ang kindness ni Fhim kaya hindi ko makalimutan. At isa pa, baka madulas ako at masabi kong gwapo ito. Na totoo naman.

Napakagat-labi ako. Ano ba naman 'tong nangyayari sa 'kin these last few days? Hindi ko na mapigilan ang mga pinag-iisip ko. Parang kusa na lang nagsasalita ito ng kung ano-ano.

Napanganga sila sa 'kin. "Are you being serious there, Ersha? Kanina ka pa parang lutang at may sasabihin..." napakurap ako ng dalawang beses. Lumabi si Daphni. "Tapos dahil lang pala sa pag-groceries. You know what, mahirap talaga mang-grocery. At wala namang kataka-taka sa sinabi mo."

Luckily, they didn't pry more about me being anxious. Hindi ko lang alam kung bakit ganito ang kaba ko. "Bakit, wala ba si Mama Elise sa bahay niyo?" Nilingon ko si Raya na matamang nakatingin sa phone. Nakiki-mama na rin ito dahil daw gusto niya si mama Elise kesa sa mama niya. Naiinis siya rito.

"Wala, nasa station siya. May emergency daw, eh." Small time business lang ang negosyo nila mama at papa. Pero okay na rin kesa wala. May water refilling station na kami pagkatapos ng paglago ng aming Pure Water-nagpoproduce ng mga bottled water at ibinibenta sa mga wholesalers. Somehow, natutustusan nito ang pag-aaral ko sa pribadong university.

Tumango na lang si Raya at lumabi. Huminga ako ng malalim. Salamat naman at wala nang nag-kwestyon.

Akala ko okay lang o okay na. Pero hindi pala...

"Hey, girls! How are you?" Napalingon kaming lahat sa tinig ni Vinelle na nagmumula sa likuran namin. Rinig na rinig ko ang boses niya sa lawak ng cafeteria at parang humamba ang puso ko nang maalala ko ang mukha ni Fhim. Kasama ba niya ito?

Masama ang tibok ng puso ko. Masama talaga. Napalunok ako... Nang makita ko siya... Nakapamulsa at nakatingin.sa.akin.

BAKIT SIYA NAKATINGIN SA AKIN?!

"Oh, hey Vinellope! Come on sit you two. Tamang-tama kakain pa lang kami. Join us na lang dito." Ani Daphni na kaibigan nito. Malawak ang ngiti ni Vinelle at nilingon si Fhim isang hakbang lang paatras dito. Ngumiti si Fhim rito at...

"Of course. No problem."

Nagpatiuna itong umupo... sa tapat ko. Nakatingin lang ako sa kay Vinelle nang pilit na ngiti habang parang binubundol ng yantok ang dibdib ko. Nawawalan na din ako ng hininga... Parang lumiliit ang cafeteria sa akin. May sakit yata ako. Bakit ako nagkakaganito?

Bakit kailangang humarap ang isang ito sa 'kin? At bakit kailangang bigyan ko 'to ng kahulugan? Kailangang may dahilan?

"Babe, a little gentleness from you. The girls don't have a food, and yet you seated down already and feel so comfortable. Hmm?" Tumawa silang lahat. Joke yata iyon. Nakitawa ako, ng pekeng tawa. Pero kay Vinelle lang ang tingin ko. Para kasing may makakapansin kapag tumingin ako kay Fhim, eh. I'm so conscious all the way.

"Oh, my apology," tumayo ito at bahagyang tumawa. "What d'you want to eat today? My treat." Para talaga itong bata.

Kumantyaw ang lahat... pati ako. "Wooow! Richness!" Si Daphni.

"Nice one, Fhimboy!" Si Raya.

"Hey, I am not informed! You did not tell me about this. Sana hindi na ako na-shocked, babe." Si Vinelle at pumulupot sa braso nitong namumulsa pa din.

Forbidden Girls To Love: BluffedWhere stories live. Discover now