Chapter 1

103 22 29
                                    

***
Jastine

"Dad, matagal pa ba?  Malapit lang school ko diba? Bat parang ang bagal mo magdrive?" natataranta kong tanong sa kanya.

"Jastine, ikaw ang late na gumising tapos ako mamadaliin mo sa pag drive? " aniya.

Haist ewan ko!  Nakakainis naman eh!  Kailangan ko pa mangopya ng sagot sa ibang problem ng assignment ko sa General Mathematics. At dahil late nanaman ako paniguradong low scores nanaman makukuha ko mamaya. Baka tawagin pa ako ni sir mamaya! Terror pa naman yun!

Habang abala ako sa pagiisip kung ano ang mangyayari sakin mamaya,  naramdaman kung nagvibrate ang phone ko. Oh! Si Kayna!

"Hoy babae nasan ka nanaman!"sigaw nya sakin mula sa kabilang linya. Sakit sa tenga ha!

"Kayna! Buti tumawag ka! Hindi pa ko tapos sa assignment eh! Baka pagalitan nanaman ako ni Sir mamaya huhuhu." naiiyak kong sabi sa kanya.

"Bakit hindi mo natapos kagabi? Tsaka bakit wala ka pa dito sa school?" tanong nya.

"Eh kase hindi ko alam kung pano masolved yung number 4 at 6 masyadong magulo yung formula na  nasa notes ko. At isa pa nalate ako ng gising eh! "

"Hays ewan ko sayo!  Picturan ko yung sagot ko tas send ko sa messenger okay? Magsulat ka habang nasa byahe ka. Bye! " sabi nya sabay baba sa phone.  Hays sungit pero tunay na kaibigan.

Dali dali kung binuksan ang messenger ko at nakitang nagsend nga sya picture na sagot sa math problems namin.  Mygaaddd Kayna idol na talaga kita. Galing!

Agad ko itong sinulat sa notes ko at total dalawa lang naman kaya madali ko lang itong natapos. Maya maya ay nag park na din si Dad kaya dali dali akong bumaba ng kotse at agad na tumakbo papasok ng school.  Dahil sa kamamadali kong makarating,  may nabangga pa ako papasok ng classroom. Aray sakit sa pwet putek!

"Tine!" narinig kong sigaw ni Venice ng makitang nabangga ako sa kaklase namin. "okay ka lang ba? "

"Sakit ng pwet ko boi huhu. " naiiyak kong sabi sa kanya sabay tayo.

Dahil sa pagkakabangga namin, nalaglag lahat ng gamit ko pati scientific calculator ko. Nakita kong isa isa itong pinulot ni Kirt.  Yung kaklase kong nakabangga sakin.

"Sorry Jastine."

"Haha no problem. Kasalanan ko rin naman.".

Tumango lang sya sabay alis. Hindi ko sya close basta kaklase ko lang sya. Madami akong friends na lalaki.  Nakakausap ko sya pero tuwing may group activities lang. Parang normal lang na kaklase.

"Pasok na tayo. " hila sakin ni Venice papasok ng room.

Agad kaming umupo at nilabas ko ang notebook ko at nagbasa ng kunti dahil panigurado baka magpa recitation nanaman si sir mamaya.

"Ginagawa mo te?" tanong sakin ni Venice.

"Bulag ka boi? Nag aaral malamang!  Baka magpa recitation si sir mamaya. Ayoko tumayo sa klase ng 2 oras noh!" sigaw ko sa kanya.

"Makasigaw teh? OA ka ha!  Aral aralan ang peg! Wala si sir kase may biglaang meeting sila mga senior department at malamang half day nanaman tayong walang teachers." aniya.

"Talaga???" tuwang tuwang sabi ko sa kanya.  Sino bang hindi matutuwa eh halos kalhating araw kaming walang teachers.

Hindi ako tamad na mag aaral ha.  Nag aaral ako hindi lang kasing galing ni Kayna. Pero kasama naman ako sa Topnotchers ng school. Minsan nag e-excell ako sa ibang bagay pero minsan naiisip ko na baka tyamba lang.

Fix YouWhere stories live. Discover now