Chapter 21

8 1 2
                                    

***
Jastine

*Yawn*

Napahikab ako at agad na ibinalot ang sarili sa puting kumot dahil sa sinag ng araw. Grabe, ang sarap matulog. I did'nt bother to open my eyes dahil hanggang ngayon inaantok pa rin ako.

'Anong oras na kaya naka-uwi 'tong si Kayna?'

Ramdam kong nakayakap siya sa bewang ko. Lagi siyang ganito, kahit saan kami matulog, tuwing magigising ako laging nakayakap. Parang bata.

Iniangat ko ang kamay ko at inilagay sa leeg niya kahit di ko nakikita. Iginalaw ko ang kamay ko at akmang kikilitiin siya sa leeg nya nang may naramdaman akong iba.

Wait....

'Kelan pa nagkaroon ng adams apple si Kayna?'

Teka... may hindi tama e!

Kinapa ko ulit ang leeg niya pero talagang iba, e!

Agad kong iminulat ang mga mata ko at tinanggal ang pagkakabalot ng kumot sa akin. Agad akong bumangon para makita kung si Kayna nga ito! Jusko!!!!

Nanlamig ako sa kina-uupuan ko ng makitang hindi si Kayna ang katabi ko kundi si Kirt!

'BAKIT KO 'TO KATABI?!!!'

"Waaaaahhhhhhhhhh!" sigaw ko dahilan para magising siya. Agad siyang napatingin sa paligid at maging sa akin. "Hey! Are you okay??!"

Hindi ko siya sinagot at napatingin ako sa suot ko. Susko! Wag naman sana!

'Okay naman ang suot ko. Ito pa rin yung kagabi. Wala rin naman masakit sakin sa bandang... alam nyo na...'

Napatingin ulit ako kay Kirt at nakita kong kunot noo din s'yang nakatingin sa akin.

"A-ah kase, a-ano bang ginagawa mo d-dito sa kwarto ko?" nauutal kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang ngumisi sa akin.

'Para san yun?'

"Don't you remember babe? Ang saya natin kagabi. We made love. Nakalimutan mo agad?" nakangising sagot niya sa akin at agad ko siyang sinipa. "Arayyyy!" inda niya.

"Made love? Eh wala namang masakit!"

Napa arko agad ang kilay ko ng makita siyang tumatawa. Baliw na to!

"Ano ba dapat ang masakit, ha? Babe??" nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.

"Ano ba!" sigaw ko para tumigil siya sa pagtawa pero hindi pa rin siya natinag.

"Ano nga dapat ang sasakit babe? Sabihin mo na. Yung ano ba??? Hahahahahahaha." tumatawa pa rin na tanong niya.

'Ano ba siya? Nakakahiya kayang sabihin yun!'

"Ah! Alam ko na! Yun bang ano mo? Hahahaha! Yun ---- aray! Nakaka dalawa ka na babe ah?!" sigaw niya dahil hinampas ko siya unan sa mukha.

"Pwede ba! Ano bang nakakatawa do'n? Nabasa ko kaya sa novela yun!"

"E bakit ka nanghahampas ng unan, ha!? Gusto mo bang pasakitin ko yan ha!?"

Ramdam kong biglang uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Pesti talaga! Nakakahiyaaaa.

"HAAHHAHA! You're blushing babe. Stop it. Baka maituloy ko yung gusto mong mangyari, sige ka. " tawa niya habang nakasandal sa head board ng kama.

"Che!" sigaw ko at akmang tatayo na sana ng bigla niya akong hilahin pabalik sa kama kaya napahiga ako ulit at siya naman ay agad na pumaibabaw sakin.

Fix YouWhere stories live. Discover now