Chapter 20

16 0 0
                                    

****
Jastine

"Cheerrrrrrss!" masayang sigaw namin habang nakataas ang mga wine glass namin.

Nandito kami ngayon sa labas habang naka-upo sa buhangin. Low tide ngayon kaya okay lang kahit dito namin napiling uminom.

"Sana lagi na lang tayong ganito, no?" nakangusong sambit ni Kayna habang nakasandal sa braso ni Dylan.

Nakakainggit! Joke!

"Pwede naman tayong bumalik dito sa Christmas break, diba?" tanong naman ni Matt.

"Hindi pwede. Karamihan sa inyo ay pupunta ng ibang bansa para do'n mag- celebrate ng Christmas at New Year," sagot ko naman.

Nginisian lang ako ni Kayna. "Ang pait sis, ah? Hindi ba pupunta si Kirt sa Macau?"

"Hindi ah!"tanggi ko dito. Tinawanan lang nila ako.

"Pwede kitang isama, kung gusto mo." nakangiting alok ni Kirt sakin. Nginitian ko lang sya.

"Gusto ko sana kaso, hindi ko pwedeng iwan mag-isa ang Dad ko," sagot ko sa kanya at ininum ang alak na natitira sa baso ko.

Naka-tatlong bote na kami at halatang tinatamaan na rin ang iba sa amin at gano'n na rin ako.

"Darel?"

Napatingin sila sakin dahil sa pagtawag ko kay Darel.

"Bakit?" kunot noong tanong nya sakin. Hindi ko alam kong dapat ko ba itong itanong pero bahala na.

"Do you like Venice?" deretsyo kong tanong sa kanya kaya naman nasamid sya bigla.

Napatingin din sa kanya ang lahat maging kay Venice na nanlalaki ang mga mata.

Ako lang ba ang nakakahalata?

Pagkatapos masamid ay kunwari syang tumatawa na humarap sakin. "What??"

Awkward akong tumawa at umiling sa kaniya. " Nevermind. Don't mind me, Darel."

Ngumiti lang s'ya at tumungo. Kinuha n'ya ang baso n'ya sabay inom ng natitirang laman nito.

"Yeah. I like her... Very much."

Gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahang sasagutin n'ya ang tanong ko dahil alam n'ya nasa harap n'ya lang si Venice. Maging lahat ay napatingin dahil sa gulat ng biglang umamin si Darel. Hindi ko alam kong lasing s'ya pero parang hindi naman. Tumayo si Venice at ngumiti sa amin.

Shocks! Ba't kase ganito ako? May tama na ba ako?!

Umalis si Venice dala dala ang wine glass n'ya. Dali-dali akong tumayo at sinundan siya. Kung saan-saan ako napadpad sa paghahanap sa kaniya pero hindi ko siya nakita. Hanggang sa mapunta ako sa may kabilang side ng tinutuluyan namin. May isang puno roon at swing. Nakita ko s'yang nakaupo doon at nakahilig ang ulo sa tali ng swing.

"Hey." pukaw ko sa atensyon n'ya dahil hindi nya naramdaman ang presensya ko.

Umayos s'ya ng upo at nginitian ako. Umupo ako sa bakanteng swing roon. "Are you okay?"

Fix YouWhere stories live. Discover now