eight

35 1 0
                                    

OUT OF TOWN PA RIN

Pangatlong araw na namin dito at parang ang bilis naman ng araw. Gumising ako ng maaga at bumaba para naman magkape. Nakaupo lang ako sa may living room ng marinig ako ang mga yabag sa hagdan, nilingon ko ito at nakita ko si Seokjin na pababa.

"Aga mo ata?" sabi ni Seokjin habang papuntang kusina.

"Ahhh ewan ko din eh. Nagising na lang ako bigla tas hindi ko na ulit makuha tulog ko." sabi ko naman kay Seokjin. Tumayo ako at lumapit sa may kusina, nakita ko naman na nag prepare siya ng breakfast ng tropa.

"Tulungan na kita." pagp-presenta ko naman sabay lapit sa kanya at tingin sa mga ginagawa niya.

"Hindi okay lang kaya ko naman na ito. Mag prepare ka na lang ng plato at utensils maya maya." Seokjin assigned.

Matapos ang ilang minuto inayos ko na ang dining table habang si Seokjin malapit na matapos sa pag luluto.

"Gisingin mo na sila." utos ni Seokjin. Tumakbo ako paakyat para naman gisingin sila. Isa isa ko kinatok ang kwarto nila para gisingin. Madali ko namang nagising ang lahat, ngunit nung nasa kwarto na ako ni Jungkook, nahirapan ako dahil wala siya sa kama niya. Aalis na sana ako kaso pagkalingon ko, nauntog ako.

"B-baba na daw." nauutal kong sabi. Diretso akong lumabas sa kwarto niya. Umupo na kaagad ako sa aking upuan at di nagtagal ay bumaba na rin si Jungkook, nagsimula na kami kumain.

"After natin mag almusal may time pa tayo mag swimming and lunch, after lunch magllilibot tayo dito. I'm sure merong mga activites and other stuffs na pwede nating gawin at maenjoy." sabi ni Namjoon.

Matapos namin kumain ay nag bihis kami. Maaga pa naman wala pa masyadong araw kaya naman nag swimming na muna kami. Naglaro at nagkwentuhan na din muna kami.

"Sama sama tayo mamaya para masaya, tropa naman tayo dito eh." masayang sabi ni Hoseok. Matapos ang ilan pang minuto ay umahon na ang lahat at naligo na. Nag assemble ang tropa sa living room at sabay-sabay kaming lumabas at naglakad.

Naglibot kami sandali at nakita namin ang rock climbing, zip line at rappelling. Inuna na namin ang rock climbing, pumila na kami sa mga equipment na isusuot sa katawan mo para makapag rock climbing. Napansin ko naman na si Hoseok ay parang takot na takot.

"Ayos ka lang ba Hoseok?" pagtatanong ko. Napalingon naman sa akin si Hoseok ng may nangangambang ngiti.

"Oo naman." sabi ni Hoseok habang hawak hawak ang kanyang batok.

"Sure ka ha?" paninigurado ko.

"Oo! Sure na sure ako!" sigurado namang sabi ni Hoseok. Tapos na kami magsuot aming mga equipment, isa-isa na kaming nagsimula umakyat. Tumingin ako kay Jungkook at namangha, ang bilis niyang umakyat. Malakas siguro resistensya nito, sabi ko sa sarili ko. Narinig ko namang tumatawa si Jimin at Seokjin, tumingin ako sa direksyon nila at nakita ko si Hoseok na grabe ang sigaw. Tinutulungan nila ito kahit tawa pa rin sila ng tawa.

"Baba niyo na ako dito!!!" sigaw ni Hoseok. Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat, di kalaunan ay nasa ibabaw na kami. Sabi sa amin ng tao na naka pwesto dun na may pagpipilian kami kung rappelling daw kami pababa or zip line.

"Zipline!!!" sabi namin lahat except kay Hoseok. Mas masaya naman ang zip line, saka less work.

"Umagree ka na din, KJ naman neto." sabi ni Jimin.

"Sige na nga wala din naman akong choice." dismayadong sabi ni Hoseok.

"Kuya pwede ba tatluhan or dalawahan pag nag zip line?" pagtatanong ni Seokjin.

"Opo pwede naman po." masayang sabi ng staff.

"Since natatakot naman si Hoseok, kami na ni Namjoon ang magsabay-sabay, tutal sabi naman nung staff na pwede tatluhan and dalawahan. Ngayon kung gusto niyo mag solo or kung ano mang choice niyo sabihin niyo na lang sa staff." Seokjin informed. Palingon na sana ako kay Jimin para tanungin siya kung gusto niya na sabay kami, mukhang naunahan na ako ni Yoongi.

"Sabay na lang tayo gusto mo?" nilingon ko si Jungkook na nahihiyang nakangiti.

"Sure, sige sabay na lang tayo." sabi ko naman. Nauna na sila si Namjoon sa amin, natawa kami dahil grabe ang sigaw ni Hoseok. Sumunod naman sina Yoongi at Jimin, nung kami na ay bigla akong kinabahan dahil sa taas namin. Hinawakan ni Jungkook ang aking balikat.

"Okay lang yan, Tae." sabi ni Jungkook sa akin. Nawala naman ang aking kaba dahil sa kanyang sinabi. Tinulak nila ang aming sinakyan at umandar na, kinabahan ako sa una pero mabilis naman itong nawala. Naenjoy ko ang zip line, pinagmamasdan ko ang kapaligiran, mga puno at ang magandang langit.

Napa pikit ako ng aking mata ang pinapakiramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa aking katawan.Pagkamulat ko, nakita ko si Jungkook na naka tingin sa akin at nakangiti. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo at di ko namalayan na papalapit na ang aming mukha sa isa't isa.

Narinig namin ang kanilang boses, senyas na malapit na kami sa dulo ng ride, agad akong umiwas. Nakarating naman kami, sinalubong kami ng barkada. Nang makaalis na kami dun ay naglibot ulit kami. Nakakita kami ng swimming pool na may mataas na slide. Nagkatinginan ang lahat at sabay sabay na pumunta.

Buti na lang kahit paano ay naka pang swimming kami, sabay sabay kaming tumakbo paakyat at umupo sa slide, sabay sabay nagbilang at nagslide.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon