nineteen

27 1 0
                                    

FRIENDS DATE

Bumalik ako sa upuan ko at nakita kong nakatingin sa akin si Jimin at Seokjin, parehas na may ngiting nakakaloko. Tinignan ko naman sila ng masama at umiling na lang. Matapos ang ilang oras, natapos na din yung klase namin.

Sabay naman ang barkada na lumakad para gumala, kaming tatlo nina Jimin ang mag kakasama at habang nag lalakad kanya-kanya kung sino magkakasama.

"Anong meron dun sa performance niyo ha?" pagtatanong ni Jimin, napatingin naman ako sa kanya.

"Anong "anong meron" performance lang naman yun." Pagsagot ko pabalik, umiling naman si Seokjin. Napatingin naman ako sa kanya ng may halong pagtataka.

"Hindi, habang performance niyo ni Jungkook yung mga tinginan niyo iba eh. May something na hindi ko maipaliwanag." nagtaka nanaman ako sa mga sinasabi nila.

"Wala naman ah?" sabi ko sa kanila. Nagtaka ako kaya inisip ko yung mga naaalala ko habang nung performance namin.

Naalala ko, oo nga pala, nagkatinginan kami at naghawak pa ng kamay nung patapos na ng perfromance at hindi ko itatanggi na kinilig ako dun.

"Wala lang yun" sabi ko.

"Sus anong wala, meron yun. Nahiya ka pa sa amin na sabihin." sabi ni Jimin.

"Kaibigan mo kami, wag ka na mahiya i-spill yung tea" habol pa ni Seokjin. Tumuloy na kami sa paglalakad at hindi ko na napasin na andito na kami sa place ng kakainan namin.

Umupo na kami sa nahanap naming upuan at ang iba ay tumayo na para mag order. Syempre namiwan nanaman kami ni Jungkook, ang awkward naman dito. Parang kakatapos lang ng performance namin. Parang nawala bigla yung pinagsamahan namin bago yung performance at araw na ito, parang bumalik yung relasyon namin sa simula. Parang andito lang siya dahil kaibigan niya sila Yoongi, na parang hindi niya na ako ulit kilala.

Hindi ko naman namalayan ang bilis ng oras nang bumalik na ang iba. Tumayo na lang ako at dumiretso sa counter para mag order. Nasa likod ko ata si Jungkook, hinayaan ko na lang.

Bumalik na lang ako sa table namin pagkatapos na umorder, hindi ko alam kung paano ako gagalaw dahil sa parang hindi niya na nga ako kinakausap. Ang tahimik din naman ng iba, kaya naman natapos na agad sila kumain. Nauna nang magpaalam sina Yoongi, Namjoon at Hoseok kasama na din si Jungkook pauwi.

"Lipat tayo upuan gusto niyo or lipat na lang tayo ng kainan?" pagtatanong ni Seokjin, tumingin na lang ako sa kanila.

"Lipat na lang tayo ng upuan, tas order na lang tayo ng dessert, para naman hindi nakakahiya sa cafe na ito hehe." sabi ni Jimin, sumang-ayon na lang ako sa balak nila.

Sabay sabay na lang kamig tumayo para lumipat sa mas maliit na table, na kasya lang kaming tatlo. Malapit lang din naman sa window yung inuupuan namin, nauna na silang dalawang mag-order, sumunod na lang ako.

Nang makabalik ako sa upuan namin, tumingin silang dalawa sa akin ng may makahulugang mata. Kaya naman nag taka ako agad, binalik-balik ko ang aking mga tingin sa kanilang dalawa.

"We sensed the tension between you and Kook, may balak ka ba magkwento?" sabi ni Jimin.

"Ano naman ikkwento ko sa inyo aber?" pagtatanong ko.

"Luh edi lahat lahat, magsimula ka sa umpisa hanggang sa ngayong araw." sabi ni Seokjin.

"Okay, fine." pagsuko ko. Buti na lang dumating na yung mga inorder namin.

"Naalala niyo ba yung araw na yun? Naalala niyo yung araw na nag sama sama tayo tapos nauna na kayo umalis kasi mag wowork tayo pairs para lang dun sa presentation kanina? So ayun, naiwan kami ni Kook nung araw na yun, tas dumiretso na lang kami sa bahay nila para mag simula dun sa pairwork." Pag kwento ko.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon