ten

35 0 0
                                    

 FIRSTS

"Guys I bought snacks para sa atin mamaya." sabi ko sabay pakita ng plastic na may snacks.

"Ayun oh!" masayang sabi ni Hoseok. Binigay ko naman iyun kay Hoseok dahil may dala din naman ako.

"Tara na?" sabi ni Namjoon. Lahat kami nagsi-tayo at lumabas ng shop.

"Wait kanino tayo sasakay na sasakyan?" pagtatanong ni Hoseok.

"Taehyung at Hoseok since kayo naman ang walang dalang kotse, sa akin na kayo sumakay. Ngayon kung sino yung magkasabay na dumating or along the way, kayo na lang ang magsama sa iisang kotse." Namjoon instructed.

"Okay okay." sang-ayon ng lahat.

"Ngayon sa mga magd-drive naman, sundan niyo na lang ako." sabi ni Namjoon. Naglakad na kami nina Hoseok papunta sa kotse ni Namjoon.

Nang makasakay na ang lahat ay nagsimula na ang aming lakbay. Hindi naman ganung matagal ang tambay naming sa daan dahil mabilis at medyo malapit lang naman ang bahay ni Namjoon sa shop.

Namangha ako sa ganda ng bahay ni Namjoon, parang hindi ko naman nakita yung resort/vacation house nila. Ang laki ng bahay nila, mas malaki pa sa amin.

"Saan niyo trip gumawa ng project?" pagtatanong ni Namjoon.

"Kahit saan naman kaya na." sabi ni Jimin. Mangha kaming lahat sa bahay nila, nakita ko namang medyo natawa si Namjoon sa itsura naming lahat.

Napagdesisyunan namin na sa living room na lang gumawa dahil mas madali ang access sa kitchen and iba pang kwarto dito sa bahay nila.

Namjoon assigned the tasks to us, he also explained what to do to the assigned tasks to us. After all of the instructions, we are set to do the project.

"Jimin pa-pasa naman ng chips hehe." sabi ni Seokjin. Inabot naman ni Jimin yung snacks at pinasa ito sa akin at pinasa ko naman kay Seokjin.

Tahimik ang lahat dahil naka focus sila sa mga gagawin. "These people can be pretty serious as well" sinabi ko sa sarili. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang mausisa na pag trabaho sa group project namin.

Makalipas ang ilang oras ay natapos namin. Tinignan ni Namjoon to do a final check, and yes, tapos na kami. Tumambay muna kami sandali sa living room nila Namjoon, at dahil inabot na kami ng gabi sa bahay nila Namjoon and nagdecide kami na magpadeliver na lang ng dinner. Pagod na din kasi ang lahat sa mga ginawa ngayong araw.

"Andito na dinner natin!" pagkakuha ni Hoseok ng pagkain mula sa pinto. Nabuhayan ang lahat ng makita ang pagkain, kulang na lang ay tumulo ang laway nila.

Natapos naman namin ang dinner, busog ang lahat, nagliligpit naman si Jungkook at Yoongi dahil nagpresenta na sila na magligpit ng pinagkainan.

"Salamat guys sa cooperation niyo. Buti na lang tayo tayo magkakagrupo, hindi ko alam anong mangyayari kung iba kagrupo ko." pagpapasalamat ni Namjoon.

"Wala yun Joon and kailangan din naman namin gumalaw since hindi lang naman ikaw ang member ng project na ito." sabi naman ni Seokjin at tinapik ang likod ni Namjoon. Napansin ko namang kinilig si Namjoon, ngunit hindi niya ito pinahalata.

Nag-uwian na ang lahat. Hinatid kaming dalawa ni Namjoon sa bahay namin. Nauna na ako bumaba dahil medyo mas malayo ng kaunti si Hoseok.

"Ingat ha? If kaya mag chat kayo pag naka uwi na." pag papaalala ko.

"Okay!" sabi ni Hoseok at umalis na sila. Pumasok na ako sa bahay namin at dumiretso sa aking kwarti, binuksan ko ang aking phone at nagchat sa barkada.

magmahal muli | taekook auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon