Chapter 1 (All in One)

5 0 0
                                    

                    THROW BACK

"Ganito kasi, dapat diretso lang ang tingin sa daan. Tapos simulan mo nang paandarin. Relax ka lang kasi" Sabi ni Marc kay Rovee habang nakangiti sabay tap sa helmet nito.

Noong una'y nagdadalwang isip pa si nanay Esther kung pagbibigyan niya ang request ni Marc at Rovee na dalhin sila sa park para makapagbike dahil batid niya na delikado ito lalo na kay Rovee. Ngunit hindi niya naman matiis ang dalwa kung kaya't pumayag rin siya. Halos ilang araw narin kasing nakakulong ang dalwa sa loob ng bahay at walang mapaglibangan.

HUMINGA si Rovee ng malalim at nagsimula nang paandarin ang bike. Nakatingin lamang siya ng diretso sa daan at nagfofocus katulad ng sinabi ni Marc.

"Robertaaa!!!!" tuwang-tuwa na sigaw ni Marc nang makita niyang tuloy-tuloy na ang andar ng bike nito. Ilang oras na kasi silang nagtuturuan kanina pero hindi parin ito napapaandar ni Rovee.

Nagulat si Rovee sa sigaw na Marc at inakala niyang may sasakyang babangga sakaniya kaya't bigla siyang sumemplang. Natumba siya sa damuhan at nasugatan siya sa binti.

"A-aray" daing ni Rovee. Tumingin siya sa kaniyang binti at nanlaki ang mata nang makita niya ang kaniyang sugat.

Agad na tumakbo si Marc patungo sa direksiyon ni Rovee kung saan ito natumba. "Robertaa! Sorry! Okay ka lang?" lumuhod siya sa harapan ni Rovee at marahang hinawakan niya ito sa balikat. "Uy robertaa. Iiyak ka ba? Uyy wag kang iiyak please?" muli niyang tinapik sa balikat si Rovee nang hindi ito gumalaw, nakatitig lamang ito sa kaniyang binti na may sugat.

"Oh my god Marcelloo! Nasugatan na akooo!! " tuwang tuwang sabi ni Rovee ng matauhan ito.

"Eh? Hindi ka naiiyak?" nalilitong tanong ni Marc sa reaksiyon nito.

"Naiiyakk" Sabi ni Rovee na may malawak na ngiti sa labi nito habang nanunubig ang kaniyang mga mata.

"Ay jusko! Anong nangyarii?!" Sigaw ni nanay Esther nang makita niya sa di kalayuan si Rovee na nakaupo sa damuhan habang nakaluhod naman si Marc sa harapan nito.

Nabitawan niya pa ang hawak niyang dalwang ice cream at patakbo siyang lumapit sa dalwa. "Hija okay ka lang? Marcello sinabi ko naman sayong antayin mo na muna akong makabalik bago kayo mag—"

"Nanay Esther Okay lang po akoo. Kalma po tayo okay? Hindi po ako napagod, naiiyak, nashock or what. Okay lang po ako. Konting gasgas lang po ito oh" pinutol ni Rovee ang sinasabi ni nanay Esther at ipinakita ang gasgas sakaniyang binti.

"Wow hindi ka pa nashock niyan? Eh hindi ka kanina makakibo" bulong ni Marc. Tiningnan naman siya ng masama ni Rovee.

Napabuntong hininga nalang si nanay Esther at tinulungang tumayo ang dalwa. "Oh siya. Umuwi na tayo. Tama na iyan. Halika na't baka gabihin tayo sa daan" A-angal pa sana ang dalawa ngunit wala rin silang nagawa.

Nasa loob lang ng kanilang subdivision ang pinuntahan nilang park at malapit lang ito sakanilang bahay kaya't naglakad nalang sila pauwi. Inakay nalang nila Rovee at Marc ang kanilang bike habang naglalakad sa tabing kalsada, si nanay Esther naman ay nasa likuran lang nilang dalwa.

Nagsisimula nang lumubog ang araw sa harapan nila kaya't ang kaninang asul na kalangitan, ngayo'y kulay kahel na.

Agad na inilabas ni nanay Esther ang digi cam sakaniyang bulsa at tinawag ang dalwa na abala sa pagkwekwentuhan. Humarap silang dalwa at Click!

             END OF THROW BACK

Rovee's POV

"I remember thiss! Ito yung time na nagmakaawa tayong kay nanay Esther na magbike sa park tapos nasemplang ka!" sabi ni Marcello referring to the last picture in the photo album.

Why Can't It Be? Where stories live. Discover now