THE DREAM

6 0 0
                                    

Rovee's POV

Naglakad-lakad ako palibot sa lugar kung saan huli kong nakita ang mga classmate ko tsaka yung teachers ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang wala parin akong mahanap sakanila ni isa. Hindi kaya nakaalis na sila? Pero shempre hindi naman nila ako iiwan dito no.

'Hayy Roberta kasi, sama-sama ka pa dito sa field trip na'to'  isip-isip ko habang inililibot ang aking paningin. Baka anjan lang sila sa tabi-tabi.

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bandang dulo nitong carnival. Meron ditong isang malaking carousel. Nakakamangha ang mga ilaw nito na kumikislap kasabay ng masayang tugtog.

Malawak ang aking ngiti habang diretsong nakatingin dito. Naningkit ang aking mga mata nang sinubukan kong palabuin ang aking paningin. Mas lalo ko kasing naaappreciate kung gaano kaganda ang mga lugar na maraming magagandang ilaw sa tuwing ginagawa ko ito.

Nang ayusin ko na ang aking paningin ay nahagip nito ang isang batang lalaki na kaharap ko sa kabilang banda ng carousel. Diretso lang rin siyang nakatingin dito at walang kaemo-emosyong sinusundan ng tingin ang mga batang masayang nakasakay sa mga kabayong paikot-ikot.

Sa tingin ko'y magkasing edad lang kami pero mas matangkad siya. Nakasuot siya ng hoodie at pants. Nakahalukipkip rin ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng hoodie jacket niya.

Hmm... Mukha siyang bored pero bakit feeling ko ang lungkot lungkot niya?

Tumakbo ako papunta sa direksyon niya. Maraming taong nagkukumpulan palibot sa carousel kaya't nahirapan pa akong makalusot papunta sa pwesto niya. Pero nang makarating na ako dito ay wala na siya. Tumingin pa ako sa paligid at sa ginawa kong palatandaan sa pwesto niya kanina, sigurado akong dito yon e.

Sayang, guguluhin ko sana siya. Muka pa naman siyang mag-isa. Kumapit nalang ako sa bakal sa harapan ko at tumingin ulit sa carousel. Maya-maya'y may narinig akong dalwang lalaking nagsisigawan sa likuran ko.

Medyo natakot ako na baka lumaki ang away kaya nagbabalak na akong umalis pero hindi ako makasingit sa mga tao palabas rito.

Nagulat nalang ako nang biglang magkatulakan. Napadasig ako sa pinakaunahan dahil sa mga taong nagsisiksikan.

Biglang natumba ang mga bakal na nakapalibot sa carousel dahil sa tulakan at kasama dapat ako sa mga taong matutumba pero may biglang humawak sa mga kamay ko at hinila ako palayo sa mga nagsisiksikan na tao.

Muntik pa akong madapa dahil kahit nakaalis na kami roon ay hinihila niya parin ako.

"W-waitt! Uy t-teka ngaaa" pilit kong hinihila ang kamay ko sa batang lalaking nakahoodie at nakapa— teka.  Siya yung batang tinitingnan ko kaninaa!

Hindi niya lang ako pinansin at tuloy-tuloy niya parin akong kinakaladkad. Nakatalikod siya sakin kaya't hindi ko mashadong makita ang mukha niya.

Maya-maya'y tumigil kami sa tapat ng isang bench. Binitawan niya na ako at umupo siya roon. Hindi niya parin ako tinitingnan na parang hindi niya talaga ako nakikita. Wala siyang kaemo-emosyon habang nakatingin sa kawalan.

Umupo ako sa tabi niya at sinundan ng tingin ang direksyon kung san siya nakatingin. Wala namang meron don.

Napatitig ako sa mukha niya, hmm, I would say na pogi siya. Hihi

Napadako naman ang tingin ko sa mga mata niya, hindi ko alam pero bakit parang nahahawa ako ng lungkot. Ibinaling ko ang tingin ko sa iba. Hindi. Hindi ka dapat malungkot.

Teka, bakit niya ba ako dinala rito? Omg! Baka kikidnapin niya ako? Tss. Nonsense. Pano kikidnapin ng isang 11 years old ang isang 11 years old?

Yeah. 11 years old palang ako, bakit ba?kaya naman na talagang e-identify ng isang batang katulad ko kung goodlooking ba isang tao.

Why Can't It Be? Where stories live. Discover now