CHAPTER (6)

6.3K 102 13
                                    

Pinilit nalang ni Dennis ibaling ang sarili sa iba at wag ng isipin ang tungkol sa txt na nabasa niya. Ibinalik niya nalang ang cellphone ng kanyang tiyuhin sa dati nitong kinalalagyan at naligo na lamang.

Pagkatapos maligo ay binuksan niya ang cellphone na pinatay niya kagabi. Wala siyang text na natanggap ngayong umaga. Pero bigla niyang naa-lala ang unregistered number na nagtext sa kanya kagabi.  Alam niya na mali at hindi maganda ang pagtrato niya sa texter na yun.

Habang tinitignan niya ang text nitong ‘Im Your’s’ ay napapangiti nalang siya. Isinave niya ang numero sa pangalang IM YOUR’S.

Araw ng Linggo noon kaya naman naisipang magsimba ni Dennis. Malayo layo ang simbahan sa kanila dahil nasa bayan ito, kaya kaylangan niya pang sumakay ng jeep o tricycle.

Habang naghihintay ng masasakyan, ay nagulat nalang si Dennis nang may umakbay sa kanya--- Dalawang mga braso iyon. Paglingon niya ay nakita niya si Milo at Joaquin--- dalawa sa mga bestfriend niya.

“Huy tol sari baya ika nag-iyan ta diri namo ika naimud?” agad na salubong sa kanya ni Milo.

“Maray sana ta namangno kita na nagluwas sa baluy niyo.. hehehe inagda ko lugod ining si Milo para kadtuhun ka namo” nakangiting sambit naman ni Joaquin.

Napangiti’t napabuntong hininga naman si Dennis sa dalawang kaibigan. “Tara magsimba kita” alok ni Dennis sa dalawa. Umalis narin siya sa pagkaka-akbay ng dalawa dahil may iba siyang nararamdaman sa init na hatid nito.

            “Kaylan ka pa naging makadiyos bro” pilyong biro ni Milo sa kaibigan na may ngiti sa mga labi. Napatitig naman si Dennis sa kaibigan dahil sa lumabas ang pagkacute at pagkagwapo ni Milo sa pag-ngiti nito --- Pinagpapantasyahan nanaman ni Dennis ang kaibigan sa kanyang isipan.

            “Huy! Tulala lang?” biglang pagbulaga ni Joaquin sa kaibigang tila tulala na sa harap ni Milo.

            “Ay Sorry.. adko sana ko narumruman” agad na pagbawe ni Dennis sa mga tingin niya kay Milo at nagsimula narin siyang maglipat ng tingin sa ibang direksyon.

            “Sige na nga.. at mukhang ayaw mo na ata kame dito Dennis” tamputampuhan sabi ni Milo kay Dennis--- Nagulat naman si Dennis dahil dun. “Alis na kami, basta mayang hapon punta ka sa bahay” pahabol pa nito.

“Bakit?” tanong naman ni Dennis.

“Basta may gagawin tayong buong tropa” nakangiting sabi nito sabay tapik pa sa kanang pisnge ni Dennis--- Na palihim na kinatuwa naman ng puso ni nito.

            “Hmmmmm.. Paano ba yan mauuna na muna siguro ako sa inyo” si Dennis sa dalawa. “Basta bawe ako mamaya sa pagtago ko sa inyo kahapon hehehe” kasabay nun ang tawanan nilang tatlo.

           “Sige..” pahabol ni Joaquin kasabay ng isang kindat. Naglakad na ito paalis kasama si Milo. Ngayong araw ay medyo nawiwirduhan si Dennis sa nagiging aksyon ng mga kaibigan niyang lalaki. Naiisip niya tuloy na nagrereact na nang husto yung bago niyang pagkatao.

Siguro mas nabibigyan na niya ng kahulugan ang lahat dahil tanggap na niya talaga sa sarili niyang isa siyang ---Silahis.

Bigla naman nawala sa mood ng pag-iisip si Dennis nang may dumating na jeep na huminto sa harap niya mismo--- Agad rin siyang sumakay sa medyo may kaluwagan pang dyip.

Mga trenta minuto ang biyahe simula sa baryo nila hanggang sa bayan, kaya umidlip nalang muna si Dennis.

Pero maya maya naman ay nagulat siya nang tila may yumuyugyug sa kanya. Pagmulat niya ay nakita niya ang isang ale.

“Iho.. Iho..” sabi nito sa kanya.

“Ah bakit po?”

“Adko mig-ula siton abay mo.. mag usog ika nang gatikot. Siton na sana pan o kanimo adko ulaan” agad naman umusog si Dennis.  Halos dalawang pwesto na pala kase ang kanyang na-ukopa dahil sa kanyang pag-idlip ng panandalian.

SUBDIVISION SCANDAL 💚Donde viven las historias. Descúbrelo ahora