CHAPTER (7)

5.8K 92 4
                                    

“Inis!” sambit ni Dennis sa kanyang sarili. Sobrang naiinis si Dennis dahil sa pag-expire ng load niya sa oras na iyon.

Tingin sa likod..
Tingin sa gilid..
Tingin sa kaliwa..
Tingin sa kanan..
Tingin kahit saan ang ginawa ni Dennis, mahanap lang ang mukha ni Daryle. Pero bigo si siya dahil kahit anino ng kanyang kaklase ay di niya maaninag.

Maraming ideya ang pumapasok sa utak ni Dennis dahil sa huling text ng kanyang kaklase. ‘Paano kaya nalaman ni Daryle?’ ----tanong na tumatakbo sa utak ni Dennis.

“Inis!” paulit ulit niya paring sambit sa kanyang isipan.

Umupo nalang muli si Dennis sa ilalim ng puno ng palumagun at muling nagmuni-muni. Pinapakiramdaman niya rin ang paligid, nagbabakasali na makita na niya si Daryle. Pero sa pag-upo at pagmasidmasid niya ay wala siyang makita.

((--____--))

‘Loko, talaga yun!’ bulong ni Dennis sa kanyang sarili na tila dissapoint na dissapoint dahil di niya makita si Daryle. Di alam ni Dennis kung bakit ganun nalang ang excitement niyang makita si Daryle.

Ang pakiramdam ni Dennis ay di na niya makontrol ang isang pakiramdam ng pagkakaroon ng dalawang pagkatao sa iisa niyang katawan. Gusto pa rin naman ni Dennis magkaroon ng girlfriend sa kanyang isipan bago magkaroon ng identity crisis ang kanyang pagkatao. Pero iba na ngayon, di niya mawari kung bakit 100% na pagkagusto niya sa babae ay tila naging 49% na lamang.

Iniisip niya kung para saan at para kanino ang natitirang 51%. Malabo pa rin kay Dennis kung ano na ba talaga siya ngayon. Pero ang alam niya ay nagkakagusto na rin siya sa isang lalaki. Tulad ng nararamdaman niyang pagnanasa sa tito niya at sa iba pang lalaki na nakikita ng gala niyang mga mata.

Bumangon at naghanda na si Dennis upang umuwi. Hanggang napadaan siya sa lugar na tinatawag na ‘Tuytuy’.  Hindi alam ni Dennis kung bakit tuytuy ang tawag sa munting tulay na semento na ginawa upang tawiran ng tao dahil sa malalim na bahagi ng sapa na napagitna  sa sa magkabilang lupa. Ang alam ni Dennis tinawag daw itong tuytuy dahil ang salita daw na tuytuy ay nangangahulugan ng ‘Pagtawid’

Malilim at presko ang hangin sa may tuytuy kaya paborito itong puntahan ng mga tao, pero si Dennis ay dinadaanan niya lang ito minsan. Madaming puno at kitang kita sa babang sapa ang mga munting isda na lumalangoy. Sumandig na si Dennis sa kawayang hawakan ng tuytuy at masaya niyang pinagmasdan ang kapaligiran.

Nakasumbrero nun si Dennis habang nakatambay sa tuytuy. Hawak niya ang cellphone na nawalan ng load at dahilan ng pagka-inis niya. Naisipan nalang ni dennis na kumanta, kahit situnado ay kanta parin.

Habang kumakanta ng awitin ni Noel Cabangon na ‘Panaginip’ si Dennis ay  bigla nalang siyang nakaringig ng tinig sa gawi niyang likuran…
(O____O)

"Hey.. pwedeng umabay?” isang boses sa kanyang likuran na nagpakabog ng dibdib ni Dennis at nagpatigil sa kanyang pag-awit.

Pag-lingon ni Dennis ay nagulat siya, dahil ang taong nais tumabi sa kanya ay si Daryle. Di alam ni Dennis ang gagawin tila nakaramdam siya ng pagka-ilang. Wala siyang masabi at di siya makapagsalita. Hanggang lumapit na si Daryle at tumabi sa kanya.

Malakas na kabog at dugong-dugong ang nadama ng puso ni Dennis. Hindi niya alam kung bakit ganun ang naramdaman niya. Ngayon niya lang nakatabi si Daryle ng ganito, dama niya ang kakisigan ng kaklase at di niya mapigilan tumitig sa gwapong mukha nito. Lalo itong gumagwapo dahil sa istilo ng buhok ng binata--- na tila isang korean star at ang patilla nito na tiyak na isa sa dahilan kaya maraming nagkakagusto ditong babae.

Nakangiti ito sa kanya ng tumabi. Tahimik na pinagmamsdan ng dalawa ang sapa, ang mga isdang lumalangoy sa malinaw na tubig, tutubing lumilipad sa gilid ng sapa at dumadapo sa mga damo, sa tinig ng ibon na tila ba silay inaawitan nito---- lahat ata ng talento at yaman ng kalikasan ay biglang nagpaparamdam sa oras na iyon. Ramdam na ni Dennis na namumula na siya, at nag-iinit ang kanyang pakiramdam.

Hanggang sa..

SUBDIVISION SCANDAL 💚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon