CHAPTER (9)

5.5K 98 2
                                    

“Love you..” nagulat si Dennis dahil sa naringig niya kay Daryle. Di niya inaasahan na ganun kabilis niya mariringig ang mga salitang iyon sa kanyang nagugustuhan na kaklase.

            “Huh?... Te—teka..” si Dennis na hindi nanaman mapakali. Nagkakabuhulan nanaman ang pakiramdam niya. Kilig, Gulat, at kung anu anu pang pakiramdam na nagbibigay sa kanya ng sobrang kalituhan.

            “Bakit?” tanong ni Daryle kay Dennis.

            “A---angmbilis naman ata” nauutal na sabi ni Dennis. “Ano ba tayo?” lakas loob na tanong nito kay Daryle. Si Dryle naman ay pilyong nilapitan si Dennis, tapos tinitigan.

            “Magsytota?” nagulat si Dennis sa sagot ni Daryle! “Hahahahaha” biglang tawa naman ni Daryle na nagpalito kay Dennis. Hindi niya alam kung seryoso ba si Daryle sa sinabi nito.

Pero umaasa si Dennis na seryoso nga ang binata.

            “Ulol! Wag ka ngang ganyan..” pag-iinarte naman ni Dennis sa harapan ni Daryle. Napangiti naman si Daryle.

           “Bakit?” tanong ulit ng binata kay Dennis.

           “Basta .. ayoko ng relasyon” nagkukunwaring tugon ni Dennis. Natatakot kasi siyang hindi naman seryoso si Daryle sa mga binibitawan nitong salita at gawa.

            “Ganun ba? Okay..” malungkot na sabi naman ni Dayle. Dun ay muling naguluhan si Dennis! Yung lungkot na pinapakita ni Daryle ay ang lakas ng dating kay Dennis. Wala siyang pake kung pagpapanggap lang iyon, basta ang mahalaga kay Dennis ay masaya siya ngayon.

“Hala nagtatampo na..” biglang paglalambing naman ni Dennis kay Daryle. Pero hanggang salita lang siya, gusto man gumawa ng kakaibang aksyon ni Dennis pero natatakot siya.

            “Hindi naman” matipid na sagot ni Daryle.

            “May girlfriend ka kase e” pinapahiwatig ni Dennis kay Daryle na gusto niya ang nangyayare pero, ipinapakit niya rin na nag-aalanganin siya dahil may kasintahan ang binatang kaharap niya.

            “Wala na kame nun” agad na sagot ni Daryle. Alam na rin naman ni Dennis yun, nagpapanggap lang siyang walang alam kunwari. Dahil gusto niyang mangyari ay mas lalo pa siyang paibigin ni Daryle.

“Hmmmmm malapit na ang fiesta dito sa baryo no” pag-iiba kunwari ni Dennis sa usapan para mas lalong maging kagalakgalak ang inaasahan niyang resulta ng pag-uusap nila ni Daryle

            “Bakit mo nililihis yung usapan?” inaasahan na ni Dennis na yan ang itatanong niDaryle sa kanya.

            “Silahis ako, papatol ka ba sa tulad ko? Madami naman babae jan na nagkakagusto sayo ah” pagiinarte ni Dennis. Pero nagsisi ang puso niya sa mga nailalabas niyang salita kay Daryle.

            “Ayaw mong subukan? Wala naman yan sa kasarian.. sa ugnayan lang yan ng dalawang tao” halos kiligin ang pwetan ni Dennis dahil sa kanyang naringig.

            “Paano yung mga tao? Paano pag nalaman nila? Ako yung talo” sunod sunod na sabi ni Dennis kay Daryle.

“Dameng arte.. geh uwe na nga lang ako” padabog na lumakad paaalis si Daryle sa harapan ni Dennis. Kinabahan si Dennis dahil dun, pero wala na siyang magagawa.

   “Sige uwi na rin ako ingat ka . . .” puno ng pagsisising sabi ni Dennis sa binatang tuloy tuloy sa paglakad palayo. Pero biglang nagbago ang isip ni Dennis!

Wala na siyang paki-alam kung kalokohan man ang lahat o pinaglalaruan man siya ni Daryle. Masaya siya ngayon at gusto niyang panatilihin ang sayang yun, sayang naramdaman niya palang ngayon.

Agad tumakbo si Dennis at hinabol si Daryle! Lakas loob niyang yinakap ang binata nang napakahigpit. “I love you tooo” sabi ni Dennis na tila tukong ayaw ng bumitaw sa katawan ng Binata.

Handa si Dennis makipaglaro, pero ang larong iyon ay hinahangad niyang maging totohanan. Kung ano man ang dahilan ni Daryle sa biglaang pag-amin nito ng kawirduhan kay sa kanya ay wala siyang paki-alam.

Ang mahalaga kay Dennis ay iingatan niya ang binigay na pag-asa ni Daryle sa kanya. ‘Bahala na si tadhana..’ sabi ni Dennis sa kanyang isipan.

Gumanti rin naman si Daryle ng yakap kay Dennis, sa pamamagitan ng pag-harap niya kay Dennis. Bumitaw naman si Dennis kase nang maramdaman niyang may gustong gawin ang binata. Kaya ngayon ay magkayakap na sila sa mapunong bahagi ng daan.

            “Sabi ko na nga ba may pagnanasa karin sa akin” mayabang na sabi ni Daryel, tapos ay sabay silang naghagikhikan.

Nasa baba na sila ng tuytuy kaya marami na ditong puno, kaya tiyak nila wala sa kanilang nakakakita.

            “I love you ulit..” Si Dennis sabay bitaw sa pagyakap.

            “Oh Bakit?” tila nabitin na angal ni Daryle. Nakakaramdam si Dennis na totoo ang pinapakita ni Dennis! Pero may doubt parin dahil nga sa bilis ng mga pangyayari.

            “Baka kase may makakita sa atin” sabi ni Dennis, na panay tingin pa sa paligid.

            “Sige na nga kakabitin. Hmmmmp” nagtatampong tugon ni Daryle kay Dennis. Napangiti naman si Dennis dahil sa sinabi ng binata, na di niya inaasahang sa isang iglap ay masasabi niyang pagmamay-ari na niya!

            “Hahahahah tampo siya, tumigil ka nga, tara uwi na tayo” masayang sabi ni Dennis dito. Ngumiti narin si Daryle at inakbayan nalang si Dennis at nagsimula na silang maglakad na may sobrang tamis ang pagtrato sa isat isa.

Magka-iba ang daanan ng dalawa kaya naghiwalay na sila pagdating sa may bungad ng kakahuyan. Halata sa mukha ni Dennis na masaya siya. Di niya akalain na magiging boyfriend niya si Daryle na noon ay abot lang ng kanyang tingin pero ngayon ito na amg kabiyak ng kanyang puso. Kaya di niya napansin na may nabunggo siyang tao.

*****

SUBDIVISION SCANDAL 💚Where stories live. Discover now