CHAPTER (8)

5.6K 109 8
                                    

“Ang ganda dito sa tuytuy noh”, basag ni Daryle sa katahimikan na namamayagpag sa aming dalawa.

            “Ah.. Oh… Ah …… Oo nga hehe” nauutal pang sagot ni Dennis sa binatang katabi niya ngayon sa tuytuy.

            “Bat ang tahimik mo ata?” tanong naman ni Daryle kay Dennis.

            “Ah nagulat kasi ako eh.. sabot ko kung si isay na” sagot ni Dennis na kitang kita ang kabang nararamdaman.

            “Ta-uno?”

           “Ah uda.. Hahaha”

“Ayos lang… Masaya na ako, dahil nakita kita ng malapitan” sabi ng binata na labis kinagulat ng pagkatao ni Dennis.

            “Ano?!” mabilis naman na pagreak ni Dennis. Sa loob loob ay ang saya na niya, pero gusto niyang ipa-ulit sa binata ang sinabi nito para doble ang maramdaman niyang saya.

            “Wala.” sabay ngiti ni Daryle. Parang nanlumo naman si Dennis dahil parang nagsisi si daryle sa binitawan nitong salita kanina. “Sabi ko, bat di ka nagrereply?” nakangising tanong niya kay Dennis.

            “Naubusan pan o’ ako sin load” malungkot na sagot ni Dennis. Pero di parin talaga siya makapaniwala dahil sa nalaman niyang katotohanan--- Na ang katext niyang si I’m Your’s ay si Daryle!

            “Ganun ba?”

            “Amo..”

            “Ayaw mo ata ako kausap e” biglang sita ni Daryle sa pagitan nila ni Dennis. Ramdam kase nitong parang di mapakali ang kausap.

            “Di aa.. Gusto kitang kausap” sagot naman ni Dennis na ilang na ilang parin.

            “Gusto?” nakangiting tanong ni Daryle kay Dennis. Lalo tuloy kinakabahan si Dennis dahil di niya mapigilan mahulog sa mga ngiting taglay ng binata.

            “Oo nga gusto..” napatigil si Dennis ng makitang titig na titig sa kanya ang gwapong kaklase. “Gusto kitang tanungin bat alam mo kung nasan ako nung nagtetxt txt tayo” Lakas na loob na pagpapatuloy ni Dennis sa sasabihin sa kaharap na binatilyo.

            “Sinundan kita”

            “Bakit mo naman ako susundan?”

“Gusto lang kita makita..”

Parang gusto nang tumalon ni Dennis sa sapa dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Hindi niya inaasahan ang lahat ng pinag-uusapan nila ngayon ni Daryle.

            “Bakit mo naman ako gusto makita?” medyo may paglalambing na tanong ni Dennis. Gustong gusto na niya malaman ang dahilan ni Daryle. Inaasahan niya ang isang makasabog pusong rason mula rito.

            “Kasi miss na kita…”

Di alam ni Dennis ang gagawin dahil sa naringig niya, kahit sobrang kinikilig na siya ay di niya parin ito pinahalata sa binatang kaharap. Kung ano ano ng pumapasok sa isip ni Dennis, mga gumagalaw na seneryo na sila lang ni Daryle na sobrang nakakakilig.

            “Huh? Miss?” parang gulat kunwaring aniya ni Dennis. “Paano mangyayare yun, di naman tayo close?” tanong niya kay Daryle. Pero sa loob loob parin ng isip ni Dennis ay sweet na sweet sila ng binata. Na sabay silang tatalon sa tuytuy na magkahawak ang mga kamay.

            “Miss ko na yung laging tumititig sakin sa loob ng classroom” walang mapaglagyan ang hiya at kilig sa puso ni Dennis dahil sa sinabi ng kaklase sa kanya.

            “Yabang mo naman, hindi ikaw ang tinititigan ko noh” inis kunwaring kontra ni Dennis sa rebelasyon ni Daryle sa kanya.

            “Okay..” biglang nainis si Dennis dahil sa matipid na sagot ni Daryle sa pag-iinarte niya.

           “Di ika nauudit kanako?” tanong ni Dennis kay Daryle.

            “Ta-uno?”

            “Kasa sinisilngan ta ika pirmi..” nahihiyang sagot ni Dennis kay Daryle, napatingin nalang din si Dennis sapa na napakatahimik na umaagos.

            “Di umamin ka rin boy..” napakagat nalang sa sariling labi si Dennis bago muling tumingin sa gwapong kaklase.

            “Oo na.” tuluyang pag-amin ni Dennis.

            “Bat naman ako mauudit?” nakangiting tanong ulit ni Daryle. Muli nanaman nakita ni Dennis ang ngitio ni Daryle na una niyang nakita ng sobrang malapitan.

            “Di ko alam..”

            “Pero alam ko..” mabilis at medyo may pagkapilyong sagot ni Daryle kay Dennis. Dahil dun ay muli nanamang nakaramdam ng pagkahiya si Dennis sa kaklase.

            “E di iiwasan mo na ako dahil alam mo na..” malungkot na sabi ni Dennis. “Ay mali, matagal ka na nga palang ilag sa akin” dugtong pa nito.

            “Hindi ako ganun noh ... Hmmmmmmm basta ako alam ko kung ano ka at alam kong matatanggap kita” Napatulala si Dennis dahil sa sinabi ni Daryle. Halos manginig pa ang labi niya bago ulit makasagot.

            “Talaga?” hindi makapaniwala si Dennis sa mga nangyayare! Masyado siyang nabibilisan, pero natutuwa at gusto niya ang nagiging daloy ng kanilang usapan.

            “Oo naman..”

            “Pwede bang atin atin lang muna tong munting lihim ko?” nahihiyang paki-usap ni Dennis sa kanyang kaklase.

            “Sige ba..” si Daryle na kinindatan pa si Dennis. Haos gusto ng himatayin ni Dennis dahil sa mga pinapakita sa kanya ni Daryle.

            “Anu yun?” pag-iinarte kunwari ni Dennis.

            “Ayaw mo ba?”

            “Gu---gusto” nauutal pang sagot ni Dennis.

            “Crush mo ba ako?”  mayabang na tanong ni Daryle.

             Napangiti si Dennis sa tanong na yun ni Daryle. Di niya alam kung anong isasagot dito dahil dama niya na talo pa niya ang mga babae kung liniligawan ng lalaki. Ang alam niya kahit napakabilis ng nangyayare ay parang napakatagal narin nun. Dahil nuon pa man ay talagang pinapangarap niya rin ang ituring siya ng ganito ng mga lalaki.

Lalo na ni Daryle, na isa sa nagugustuhan ng kanyang puso. Gusto niyang sunggaban ng yakap ang kaklase pero nahihiya siyang gawin ito.

            “Tara na uwi tayo” pag-aya ni Dennis sa kaklase. Pero ang gusto niya talaga ay manatili sila dun ni Daryle at simulan ng maglabing labing.

            “Sagutin mo muna tanong ko” si Daryle na hinawakan pa yung pisnge ni Dennis. Panay ang kabog ng puso ni Dennis. Kinakabahan na siya dahil sa tanong ng binata. Pero sa ngayon ay puso ang nangunguna sa kanyang sistema.

GUSTO NA NIYANG UMAMIN!

            “Oo na.” panimula niya. “Ang baklang si Dennis, may gusto sayo Daryle…” Naramdaman nalang ni Dennis nahinatak siya ng kaklase, papunta sa mainit na dibdib nito!

<3 <3 <3
*****

SUBDIVISION SCANDAL 💚Where stories live. Discover now