Chapter Eight

696 28 1
                                    

"Hello..."

Halata ang gulat ni Wayne nang mag-angat ito ng tingin at makita siyang nakatayo sa harap nito. Humigpit ang yakap niya sa mga librong nakasandal sa dibdib. Wayne doesn't look unpleased or whatsoever... pero hindi alam ni Estrella kung bakit siya na-i-intimidate sa tingin nito.

"Yes, Miss?"

How formal!

"I'm Estrella..." pakilala niya. It felt weird to say her name, though. Nasa iisang classroom lang sila at siguro naman ay hindi pag-a-assume na kilala siya ni Wayne.

As if he was reading her mind, ngumiti ito at bahagya pang natawa. Iyon lang at naging payapa ang loob niya.

"I know. Sino ba ang hindi makakilala sa'yo?" he adjusted his glasses and looked at her books. "Ikaw lang ba mag-isa? Nasaan ang mga kaibigan mo?"

He really looks so confused. Para bang imposible na lalapitan niya ito ng ganoon. He probably felt that she was a snob. Pero ang totoo, hindi lang talaga siya sanay na nauunang mag-approach. At ngayon niya napagtanto... it wasn't really bad to talk first.

"Oh... I'm alone. Nasa library sila," sagot niya.

"You're alone and?"

Mariin niyang nakagat ang mga labi. Nag-iwas ng tingin si Wayne at nakita niya ang pagpula ng mga tainga nito. What? Why? Ayaw ba siya nitong kausapin?

Ipinilig ni Estrella ang ulo. She should try. Kung ayaw, okay lang.

"I just... uhm, kung okay lang sana... baka pwedeng manghingi ng tulong sa'yo?"

Bakas ang pagkagulat sa mukha nito nang harapin siya. "Tulong?"

Marahan siyang tumango. "About the discussions? Nahihirapan kasi akong sumabay... I have rehearsals din kasi sa gaganaping pageant sa foundation day and... actually, it's my fault. Kinukulang ako sa focus at balanse... I probably need help. And you're the top of the class so I was hoping that... well, kahit saglit lang naman sa oras mo."

Tikom lang ang bibig ni Wayne. Mataman lang itong nakatingin sa kanya na parang binabasa ang iniisip niya. For some stupid reasons, his deep stare made her uncomfortable. Tila bumibigat ang bawat paghinga niya.

She faked a laugh to ease her awkwardness. "Hindi ba pwede? Nakakaabala ba ako? I'm sorry..."

"Gusto mong magpatulong sa akin? Really, Estrella Cassandra?" parang dudang-duda si Wayne sa pagkakatanong nito. Mukha ba siyang nagsisinungaling?

Alanganin siyang tumango. "Kung pwede lang naman."

Yumuko ito at hindi nagsalita. Ibinagsak nito ang tingin sa binabasang libro. Alright, was it a no?

Nagkibit-balikat si Estrella at akmang tatalikuran na si Wayne. It's fine, though... Maybe she can do this alone. Nakakahiya nga naman na mang-abala pa.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Wayne nang nagsimula siyang humakbang palayo rito. "Akala ko magpapatulong ka?"

Lumingon siya rito. "Akala ko ayaw mo..."

"Aayaw ako?" His question sounded like it was ridiculous. Umiling pa si Wayne bago itinuro ang upuan sa harap niya.

Nakaramdam si Estrella ng tuwa. Hindi na niya kinuwestiyon iyon at agad nang umupo sa tapat nito. Inilapag niya ang mga libro sa lamesa.

"Ano'ng pwede kong itulong sa'yo?" tanong nito na inisa-isa ang mga librong dala niya.

Tumikhim siya. Muling umahon ang kaba sa dibdib na hindi niya alam kung para saan. Come on, this is just Wayne Alcambre. Nothing to worry about, right?

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverWhere stories live. Discover now