Chapter Twenty-Five

860 34 8
                                    

Sa pagmamahal, may mga bagay siyang napagtanto. Una, hindi lahat ay sigurado. Hindi laging kung ano ang kaya mong ibigay ay iyon din ang maibabalik nila sa'yo. Maaaring magbago, maaaring hindi magtagal. Pwedeng magsawa sa paglipas ng panahon.

Ngunit pangalawa, hindi mo malalaman ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at ligaya kung hindi ka sumugal. Sometimes, happiness could be found through pains, risks, and sacrifices. Because the pleasure always lies within your strength. Kaya nga sabi ng iba, kapag nagmahal ka, dapat ay matapang ka. And it's the reality. Dahil hindi naman laging masaya.

Natigil ang pagmumuni-muni ni Estrella nang mag-ingay ang cellphone niya. Naramdaman niya ang paglingon ni Wayne na nagmamaneho. Pabalik na sila ng Manila at dito siya sumabay.

"Dad, yes?" bungad niya sa tawag.

"Pauwi ka na ba?" tanong ng ama. Naririnig niya pa ang nakakairitang boses ni Levi na tumatawa sa background.

"Yes, dad. Bakit? Nand'yan si Levi?"

"Oo. Baka hindi na kita mahintay. Inimbitahan ako ni Levi na makipaglaro ng golf. Baka mag-stay na rin kami sa country club."

"Is it okay for you to play?"

"Exercise lang din sa akin. Naroon naman ang pinsan mo."

Bumuntong-hininga siya. "Okay, dad."

"Naku, uncle! Hindi na uuwi 'yan. Sa iba na 'yan tutuloy," narinig niya pang pang-aalaska ni Levi.

Napaikot niya ang mga mata at tinapos ang tawag.

"Problem?" tanong ni Wayne na nakasandig ang isang siko sa bintana. Naawa siya sa lalim ng mga mata nito na halatang wala pa talagang tulog mula umaga.

"Wala si daddy sa bahay. Kasama ni Levi. May lakad daw sila."

Tumango ito. "Okay lang sa'yo na mag-isa ka?"

Ngumiti siya. "Oo naman."

Hindi sumagot si Wayne at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Minsan ay nahuhuli niya pa ang paghikab nito. Mauuna nilang madaanan ang bahay ni Wayne pero dahil ihahatid pa siya ay lalagpas pa iyon.

Mariin niyang kinagat ang labi. Hindi alam ni Estrella kung tama bang i-voice out ang naiisip niya dahil baka kung ano ang isipin nito.

"Can I stay at your house, instead?"

"What?" marahas itong bumaling sa kanya. Mukhang shookt talaga ito dahil dumiin ang apak nito sa silinyador.

"Wayne, eyes on the road! God!" gulantang na sambit niya. "Kung ayaw mo naman ay pwede mong sabihin na lang!"

"Sino'ng may ayaw? Hmm..." wala man lang itong kahit anong reklamo nang iliko nito ang sasakyan sa daan patungo sa bahay nito.

"You look sleepy, that's why..." nagpaliwanag pa siya dahil baka isipin ni Wayne na masyado siyang gumugusto.

Ngumisi ito. "Oo nga, eh..." humikab pa si Wayne para patotohanan ang sinabi niya. Nanliit ang mga mata niya rito.

"Baka kung sino ang abutan ko sa bahay mo," umangat ang kilay niya.

"Ito na naman..." ginagap ni Wayne ang kamay niya sa kanyang kandungan at dinala sa mga labi nito. "Wala po. Kumuha na siya ng sariling tutuluyan."

"Pinaalis mo?" she blurted. Not that she's complaining but...

"Would you rather see her visit my house?"

"Baka lang magalit siya."

Humalakhak si Wayne. "Kaysa ikaw ang magalit. Mas nakakatakot naman 'yon."

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon