Chapter Fifteen

730 32 2
                                    

Nakita kaagad ni Estrella si Yunis pagpasok niya sa loob ng coffee shop kung saan napagkasunduan nilang mag-usap. Ngumiti ito nang makalapit siya at isinenyas ang upuan sa tabi nito.

"Okay lang ba rito? Sorry. Dito lang kasi ang alam ko na kaunti ang tao kapag ganitong oras. Para rin hindi ka maabala kung sakaling may makakakilala sa'yo."

Tumango siya. Parang piniga ang puso ni Estrella sa concern sa mga mata nito. Hinayaan muna siya ni Yunis na makapag-order. Aalukin niya sana ito kaso ay nauna na itong nakabili.

She just ordered an iced coffee and a slice of blueberry cheesecake. Hindi rin naman siya gutom para kumain ng marami.

"I want to get straight to the point, Estrella. Nagpakita ka ba kay Wayne dahil sa akin?" malumanay na tanong nito pero seryoso ang tono.

"I was really looking for you... Pero hindi ko alam na may connection ka kay Wayne."

Saglit na napatitig sa kanya si Yunis na tila sinusubok ang katapatan niya. Tumango ito at napabuntong-hininga.

"And why are you looking for me, Estrella?"

Tumungo siya at pinaglaruan ang straw ng kape. "Gusto lang kitang makausap."

"Tungkol saan? You can talk to me now."

Hindi kaagad siya nakasagot. She was waiting for this for a while now. Pero ngayong nasa harap niya si Yunis ay hindi naman siya makaapuhap nang sasabihin.

"Dad was looking for you."

"We're not together anymore, Estrella."

Tumango siya. "And you didn't tell him the real reason?"

Malungkot itong ngumiti. "There's no need to tell him, Estrella."

"Don't you love him anymore?"

Bumuka ang bibig ni Yunis pero walang salitang lumabas doon. Huminga lang ito ng malalim at nag-iwas ng tingin.

"If you want to break his heart, then at least, break it with the truth."

Wala namang madaling paraan para gawin iyon. Some things are better left unsaid but it's no better if it doesn't give you peace of mind. Kung wala naman tayong mababago, mabuti pang magpakatotoo na lang.

"Estrella..."

"Don't try to protect me, Yunis. It makes me feel more awful. Unless sabihin mo sa akin ngayon na ayaw mo na sa kanya."

Mariin itong tumingin sa kanya. "I want to be honest, Estrella. I don't want to settle for something that I don't feel welcome."

Hindi kaagad siya nakahuma. Malamang ay hindi naman agad maniniwala si Yunis kung sasabihin niya na gusto na niya ito. At sigurado siya na pinapaniwalaan ni Yunis na ginagawa lang niya iyon dahil sa kanyang ama.

"May nagugulo na ba ako ngayon?"

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?"

"You and Engineer Alcambre..."

Bakas ang pagkabigla sa mukha nito. Pinalis ni Estrella ang naramdamang kung anong hilab sa dibdib. This isn't the time to be distracted of anything!

"He's a special person to me, Estrella."

Pinisil-pisil ni Estrella ang mga daliri sa ilalim ng lamesa na tila sapat na iyon para makalma ang damdamin niya.

She's not naturally malicious. But call it instinct or whatsoever... At ngayon ay sinabi nga ni Yunis na espesyal na tao para rito si Wayne.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon