Chapter Thirteen

700 26 1
                                    

"Nandito ka pala."

Awkward na ngiti at tango lang ang naisagot ni Estrella sa sinabi ni Wayne. Ramdam na ramdam niya ang pagkahiya ngayon dahil sa nangyari kagabi. Lalo na sa parte na nagsuka siya sa sasakyan nito. Pasalamat na lang siguro si Estrella at hindi siya ibinaba nito kung saan at iniwan sa kalsada.

"Naligaw ka ulit, pre?"

Pre?

Palihim na umangat ang kilay niya sa itinawag dito ni Levi. Masyado na namang feeling close ang pinsan niya.

"Bibili lang ng breakfast. May meeting kasi kami ng maaga," sagot ni Wayne pero nananatiling nakatunghay sa kanya.

Humalakhak si Levi. Pinandilatan niya ito. Minsan talaga ay nagtataka siya kung paano sila naging magkadugo!

"Ah, bibili..." Tumango-tango ito sabay tapik sa balikat ni Wayne. "Akala ko may hahanapin ulit, e. Kaso nandito naman na, ano?"

Her cousin is really at it, huh?

"E, bakit ikaw ang bibili? Nasaan ang secretary mo?" tanong ulit ni Levi. Parang gusto niya na itong hilahin at ikandado sa opisina nito.

Sus, kunwari pa! Natutuwa ka rin naman na nandyan! kastigo ng isang bahagi ng utak niya.

"Mas maaga lang ako dahil may pupuntahan akong site," kaswal na sagot ni Wayne. Sinenyasan ni Estrella si Levi na huwag nang magsalita pero kumindat lang ito sa kanya.

"At dito mo talaga naisipan pumunta?" ani Levi.

Nang hindi na siya makatiis ay pasimple niyang hinila ang laylayan ng shirt ni Levi para makuha ang atensyon nito. Napaigtad ito sa mariin niyang pagkurot sa baywang nito.

Ngumiti siya sa pinsan pero nass mga mata niya ang pagbabanta rito. "You wouldn't ask that to every customer, Levi. Give him a break."

Itinuro ni Estrella ang counter at sinenyasan si Wayne na lumapit na roon. Tumango naman ito bago pumila. Seryosong nakatingala si Wayne habang pinagmamasdan ang menu board. Bahagyang kumikibot ang mga labi nito kasabay nang pag-igting ng panga.

"Give him a break, huh?" Siniko siya ni Levi. "Easy ka lang, baka malusaw 'yan."

Sinimangutan ni Estrella ang pinsan. Bago pa niya maangilan ito ay may lumapit na staff sa kanila.

"Sir, sorry. May ipapa-check lang po na inventory for deliveries."

Tumango si Levi. Sumaludo pa ito sa kanya bago siya iniwan doon.

Saglit niyang iginala ang tingin sa paligid. Marami-rami na rin ang customer doon para mag-breakfast. Mukhang magiging busy na rin si Levi. What is she even doing there? Dapat ay umalis na siya!

Pero tila hindi talaga siya mapipirmi kung hindi makahingi ng tawad kay Wayne dahil sa nangyari kagabi.

Pinanood niyang mag-order si Wayne sa counter. Tumabi muna ito at umupo sa isang bakanteng mesa malapit sa kinatatayuan niya. His eyes immediately met hers. Mariin niyang kinagat ang mga labi. Kahit kailan siguro ay hindi na talaga siya masasanay sa intensidad ng tingin nito.

Hinamig ni Estrella ang sarili at lumapit sa pwesto nito.

And she just realized... He was really too much... Too much in terms of who he became. Pero wala namang mali roon. He became successful. He became a huge person. He was the same achiever like he was back then.

Pero sa pagbabagong iyon ay napagtanto niya na naghiwalay talaga ang mga mundo nila. Parang may isang pagkatayog-tayog na pader ang nakapagitan sa kanila na hindi niya mahawakan o kahit masilayan nang malapitan.

Girlfriends 7: Past, Present, and ForeverWhere stories live. Discover now