Prologue.

1.3K 20 2
                                    

Nagtutukan ng baril ang dalawang taong nasa dilim.

"Denessa Sebastian, wait mali. Hennessy Cruz ang nag iisang taga pagmana ng mga Cruz akalain mo nga naman."

Tumawa ang lalaki at kasabay non ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

Hindi sila natinag dalawa at walang makikitang emosyon sa mukha ng dalaga habang nakatitig ito sa kaharap.

"Ang bobo ko para mahulog sayong demonyo ka."

Lalong humigpit ang hawak ng dalaga sa baril dahil sa narinig nyang salita.

'Demonyo?' bulong nya sa sarili nya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Tyler."

"Ikaw ang matagal ng hinahanap ng mga Cruz at ang matagal ko na ring hinahanap."

Nagpaputok ang binata sa gilid ng ulo ng kaharap.

"Sa likod ng maamo mong mukha, may tinatago ka rin pala."

Muling nagpaputok ang binata ngunit hindi nagpasindak ang dalaga.

"Huli na kita Black widow. Huli ko na ang pumatay sa kapatid ko."

Mas lalo nyang itinututok ang baril sa babaeng minamahal nya.

"I'm done chasing you, my love."

At umalingawngaw ang isang putok na tatapos sa buhay ng isa sa kanila.
----

Chasing YouWhere stories live. Discover now